Simula nung nalaman ko na nagkabalikan na pala sila ay dumestansya muna ako ng konti sa kanila. Alam nyo na magpapalamig lang muna ako. Masyado pang mahapdi ang sugat sa puso ko. Si audrey naman, ayon balik sa dati. Yung makulit at malditang best friend ko. best friend yung word na ito, naku! I'm starting to hate this word. Hayss..
Wala na talagang itataas ng rank ko sa puso niya. Hanggang best friend division lang talaga ako.
Parang wala lang kay audrey yung mga nangyari samin nung mga nakaaran. Siguro wala lang talaga yun sa kanya. Ako lang tong nagbibigay malisya. Parang lahat nang nangyari dun ay pawang mga ilusiyon lamang sa aking utak. Kahit para sa kanya ay wala yung halaga pero para sakin isa yun sa pinakamagandang nagyari sa buhay ko, na minsan parang naging kami kahit sa maliit na panahon lang. I will treasure that memories forever. Yun nga lang memories, isang alaala lang, hanggang dun nalang, kasi sigurado akong hindi na yun mauulit pa. Thats the sad true, the painful reality.
She made me happy even its just for a moment.
Mabilis na lumipas ang mga araw, dalawang linggo na nung huli kong nakita si audrey yung naghahalikan sila ng boyfriend niya sa kanyang opisina. Nasasaktan ako tuwing naaalala ko yun.
"Hey, you okay?" Nag aalalang tanong ng kasama ko. It's Adeline, Nireto lang ito ni karrie sakin. Sabi niya try ko lang daw makipag date sa iba at dun nalang ibaling ang atensyon ko kesa daw na patuloy akong magpakatanga sa iisang tao. Baliw talaga yun kahit kailan. Palibhasa may asawa na, you guys remembered ericka? Siya yung nakatuloy ni karrie. Ang galing no?.. tsk!
"I'm okay ade," Nginitian ko ito para hindi na mag alala. Ade is bueatiful, sexy, hot, smart atsaka maalaga. Definitely my type of girl. Kaya lang she's not her.
"You're spacing out lately. Alam mo naman na pwede mo akong sabihan ng mga problema mo diba?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Kasalukuyang kaming nasa condo ni adeline, niyaya ako nito na dito na maglunch. Mahirap naman kong tangihan ko ito.
"I'm definitely fine ade." I smile at her. Aalisin ko sana ang kamay niya pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak kaya napatigil ako sa gagawin.
"You konw i really like you, forest." Panimula niya. Hindi ko alam kong anong nagustuhan nito sa akin. Isang linggo palang din naman when we started dating. Again isang ngiti lang isinagot ko dito. I didn't mean to act cold but im so confused and lost right now, sana maintidihan niya ako.
She smiled back at me at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Hinatid ako ni ade palabas ng building. "Bye ade." Matipid na paalam ko sa kanya. Ayoko namang maging sweet sa kanya baka mabigyan ko siya ng maling signal lalo pa at hindi pa ako nakaka move on sa nararamdaman ko kay audrey.
"Forest?" Tawag nito. Lumingon ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nito. Bigla niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako pero hindi ko ito nagawang itulak. Ayoko ko din namang ipahiya ito kay tumugon ako sa halik niya.
Pero ang mas hindi ko inaasahan ang mga matang nakamasid sa amin sa di kalayuan. It's audrey. Mabilis na pinutol ko ang halik. Ayokong nakikita ako ni audrey na may kahalikang iba. "Uhm.. i gotta go, ade." Sabi ko.
"Yeah sure." Nakangiti na sagot niya. Binalik ko din ang ngiting iginawad nito. Binalik ko ang tingin kong nasaan kanina si audrey pero hindi ko na ito nakita dun. Hayss.. Ngayon lang nag sink in sakin, Bakit ba ang tanga ko! Dito rin pala nakatira si audrey. The same building with ade. Ang bobo ko naman!
Bagsak ang balikat kong nagtungo sa parking lot. Nakita ko naman ang isang pamilyar na pigura na naglalakad. Its audrey, again. Halos tinakbo ko ang distansya namin. "Aud, sandali lang!"
Pansin ko namang mas binilisan nito ang paglalakad. "Audrey wait." Hinawakan ko ito sa balikat. Huminto naman ito pero nakayuko lang. What's with her? Ayaw na ba niya akong makita?
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko dito. Narinig ko ang pagsinghot nito atsaka nag salita. "Yeah."
Parang galing itong umiyak. Nag aalala ako sa kanya "Audrey?" Hahawakan ko sana ito sa baba kaso mabilis niyang pinigilan ako.
"I..i gotta go." She said with shaking voice. I know she not okay. Bago pa man siya maka alis ay hinawakan ko na ito sa braso.
"Let me go!" Bulyaw nito sa akin na ikinabigla ko. Nakaharap siya sakin at kita ko ang galit? At ang patuloy na pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Audrey saglit lang--"
"I said let go!" Maharas na binawi nito ang kamay at nagmamadaling umalis.
Leaving me very confused..
![](https://img.wattpad.com/cover/196885338-288-k479179.jpg)