Forest Pov
Everything went smooth in the past days hanggang sa nakauwi na kami from our getaway. What happens to me and audrey is still unknown. Hindi ko alam kong ano ba talaga ako sa kanya. Every time na mag open ako sa topic na yan ay iniiba niya usapan. Gusto ko lang linawin yung sa aming dalawa, hindi ko alam kong gusto niya ba din ako o ano. Hay ang hirap naman nito.
It's been a week ng makauwi kami ay hindi ko pa nakakausap ulit si audrey. Balak kong dalawin ito sa condo niya. Kaya madaling kong tinapos ang mga gagawin sa opisina para maagang puntahan si audrey. Mga bandang alas sais pa naman ng gabi ng natapos ako, dun ko nalang puntahan si audrey sa opisina niya. Namimiss ko na din kasi siya.
Kakatok sana ako sa pinto ng office ni audrey pero nakita kong nakaawang ang pinto. I slowly open the door, na sana hindi ko nalang ginawa. Biglang nanikip ang dibdib ko. It's just her and her ex kissing. Aalis nalang sana ako but she notice my presence. They stop at what they're doing. "Uhm.. hey forest." Baling nito sakin.
"Hi." Awkward na bati ko.
Humarap naman si jayson sakin. I can see audrey with her swollen lips. Probably because they're kissing rough. The faq. Eww. The thought for her kissing someone other than me mad me feel sick.
"W-what are you doing here?" Nautal na tanong ni audrey.
"Uhm.." wala ako maisip na idadahilan. Pano ba naman kasi. Hindi ko alam na ganto pala maabutan ko. "I-i ahh uhmm." Fck. Nakataas ang kilay ni audrey at tila nag hniihintay sa susunod na sasabihin ko. "I just.. uh gusto lang sana kitang kumustahin, but i can see that you're okay now." Malungkot na saad ko habang nakatitig sa magkahawak ng kamay nilang dalawa. Ouch.
"I'm fine. Thanks for your concern best friend." Hinilig ni audrey ang ulo sa balikat ni jayson, while he put his arms around her back. They look sweet. Double ouch :(
Best friend, salitang nagpapaalala kong ano lang talaga ako sa kanya.
Hindi ko naman alam ng nagkabalikan na pala sila sana di nalang ako pumunta. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Niluwagan ko ang necktie na suot ko. Parang nahihirapan akong huminga.
"Para kanino pala yang bulaklak?" Tukoy ni jayson sa dalang bulaklak ko. Napansin pa, tsk!
Nalakimutan ko tuloy ang bulaklak na dala ko. Shet pano ko ipapaliwanag to?
"Para sa--" naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si mila. Thank goodness.
"Uh maam," napatigil ito, tila nahiya naman bigla si mila na nakatingin sa aming tatlo.
"Actually, it's for mila." Tukoy ko sa bulaklak. Nakita ko kasi kanina sa fb na birthday pala nito ngayon, buti nalang talaga at nakita ko yun. Prends kaya kami sa fb ni mila. Bahagya akong lumapit sa kanya at binigay ang bulaklak. "Happy birthday mila." Nakangiting sabi ko. Gusto ko sanang palakpakan ang sarili ko, buti at nagawa kong ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Namumula namang tinangap ni mila ang bulaklak. "Thank you po, sir forest." Nahihiya pang sabi nito. Ayy cute.. maganda din naman tong si mila e. Pero wala daw siyang boypren.
Magsasalita pa sana ako pero naunahan ako ni audrey. "What was it mila?"
"Ito na po yung mga hinihingi niyong files maam." Sagot ni mila.
"Ilagay mo nalang yan dito sa mesa." Seryosong sabi niya sa empleyado. Mabilis na nilagay ni mila ang mga papeles sa mesa. "Sige po maam." Magalang na sabi nito bago umexit.
"Happy birthday ulit." Sabi ko pa bago ito tuluyang maka alis.
"Do you have a thing for my secretary forest?" Seryoso padin ang boses ni audrey.
"What? No." Mabilis na sagot ko. Grabe naman iniisip niya. Wala naman akong balak palitan siya. Chos.
Tsaka ang sakit na nga ng nakita ko kanina parang konti na lang susuko na talaga ako. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin ulit sa kanila. Nakapulupot parin ang braso ni jayson sa bewang ni audrey. "Uhm pano ba yan, ok ka naman na pala. Ahh alis na ako. Good night guys." Tsaka ginawaran sila ng isang tipid na ngiti bago tuluyang tumalikod at umalis. This is how it should be, sana lang ay alagaan na niya ng tama si audrey. Dahil kong hindi, I'll do anything or everything just to make her mine.
