Chapter 14 : like

1.5K 61 0
                                        

Forest Pov

"Hey?"

"Hmmm.." baling ko sa pinsan ko habang busy sa pagnguya ng pagkain. We're having a movie marathon. Alam na din ni papalo na andito si felix.

"Ganda ni audrey no?"

I creased my forehead.

"Why?"

"May boyfriend na ba siya?"

Mas lalong kumunot ang noo ko sakanya. "Why?"

"Ito naman puro ka 'why' nagtatanong lang naman ako. Bakit may gusto ka ba sa kanya?"

Hindi agad ako naka sagot sa kanya at nag iwas nalang ng tingin.

"Ayiiee 'kaw ha." Tukso nito sa akin. Sinusundot sumdot pa nito ang tagiliran ko.

"Hindi nga kasi!" Inis na sabi ko inawat ito.

"Asus kunwari ka pa eh halata ka naman." Napailing ito at nagpukos ulit sa palabas.

"We're just friends. Hanggang dun lang yun." Malungkot kung wika.

"But you like her right?" Tumingin uli ito sa akin.

Gusto ko pa ba siya? Syempre ang hirap naman kasing kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Damn.

Nakatitig lang si felix sakin at naghihintay ng sagot kaya unti unti akong napatango.

"But promise me you wouldn't tell anyone?"

Ngumiti ito. "Promise." Tinaas na nito ang kamay tila nanunumpa.

"Pero ang ganda talaga ni audrey." Pahayag nito.

"Yeah. She's gorgeous." Sang ayon ko.

"Kung di mo siya gusto malamang liligawan ko talaga yun." Tinaas baba pa nito ang kilay niya.

"Edi ligawan mo." Sagot ko sa kanya.

"De joke lang yun bro." Tumawa pa ito at inakbayan ako.

Inalis ko ang pagkakaakbay niya at mariing tiningnan siya.

"Ligawan mo nga wala namang problema sa akin yun nasa kanya na lang kung papayagan ka niya." Seryosong lintaya ko. Wala naman akong karapatan kay Audrey eh. Nasa kay audrey nalang kung papayag ba siyang magpaligaw. Okay na naman akong magkaibigan lang kami. Were better be off just friends.

"Weee payag ka?" May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Payag ka talagang ligawan ko ang bestfriend mo, na gusto mo rin?" Ulit pa nito.

Hindi agad ako naka sagot sa kanya. Pano kung ligawan nga talaga nitong kulugo kung pinsan si audrey? Pano na ako? Ngayon nga lang kami nag ka bati ulit may asungot na naman. Hahayy..

"Oh bat di ka na makasagot?" Nakangising tanong nito.

"Tigilan mo nga ako. Saka siya nalang ang tanungin mo pag nakita kayo. Good night!"

Umalis na ako sa kinaa uupuan ko at nag tungo na sa aking kuwarto at nahiga sa kama.

Kahit anong gawin at sabihin ko na hanggang magkaibigan lang kami meron parin naiisip ko na sana mas higit pa kami doon. Gusto ko siya palaging makasama, mahawakan ang kamay, niyayakap siya, hinahalikan ang mapupulang labi niya. Bwesit talaga si felix napa isip tuloy ako.

Kinabukasan si felix ang naghatid sa akin sa school. Gusto niya daw makita si audrey. Tsk.

"Umalis na ka nga." Pagtataboy ko kay felix.

"Teka ang damot mo naman eh gusto ko lang naman siya makita eh. Wag kang mag alala pinsan hindi ko siya tatanungin na pwede ba siya ligawan. Sayo yun eh."

Napailing nalang ako sa kanya.

"Hi audrey." Napalingon agad ako ng bangitin ni felix ang pangalan ni audrey.

"Hi." Simpleng bati niya sa pinsan ko.

"Sige na pinsan alis na ako nakita ko na siya eh." He winked atsaka umalis.

"What's with your cousin?" Tanong ni audrey ng maka alis na ito.

"Wala naman."

"Sino ba yung nakita na niya kaya aalis na siya?" Tanong pa nito.

"Ikaw." Tipid kung sagot.

"Hmm why?"

"Gusto ko daw niya kasi." Sabi ko nalang.

Napataas ang isang kilay nito. "Really?"

"Oo."

Tumango tango lang ito.

"Come sabay na tayo." She said ang grab my hand. Sabay na kami ni audrey pumunta sa classroom.















All I Want Is YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon