Audrey Pov
"Aud?"
Naka on yung tv pero wala doon ang atensyon ko. Naalala ko naman yung ginawa ni jayson, hindi ko alam bakit ginagawa niya sakin yun. I always caught him cheating, hindi ko naman siya magawang iwan dahil siya lang yung nakatagal sa akin. Pero sa palagi niyang ginagawa ang bagay na yun parang hindi na masyado masakit. Parang nasanay na ata ako, siguro naiiyak lang ako kasi feeling ko wala mag seseryoso sa akin. It doesn't hurt anymore. Pati sarili ko hindi ko na alam kong mahal ko ba sya o ano. Maybe i still love him a little kasi ayaw ko pa siyang mawala sa buhay ko. Hayss Nakakastress naman 'tong week na'to.
"Audrey?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Hmmm?" Nag aalalang nakatingin sa akin si forest.
"You're spacing out kasi.." tumabi ito ng upo sa akin dto sa couch. "What were you thinking?" Concern is evident in her voice.
"Why don't we take a vacation?" Yeah vacation. Gusto kong makapag isip isip na muna. Malayo sa nakakastress kong buhay dito.
"May trabaho ako."
I know forest loves to work. Madalas nga halos sa opisina na niya sya natutulog parang wala ng plano umuwi gusto na ata gawing bahay yung opisina niya.
"Forest please." Pinagdikit ko ang palad ko and look at her with puppy eyes. "Just for a week."
"No, no!" She's furiously shook her head.
"C'mon you need a break too."
"Ayokong iwan trabaho ko." Nakahalukipkip itong sumandal sa couch.
"Hindi naman tatakbo trabaho mo!" Masungit na ganti ko sa kanya. Ang hirap na talaga nitong ayain. Masyado na syang kinakain ng trabaho niya. "Please forest."
"Still no." Tumayo na ito at nag punta sa kitchen.
"Hmp."
"Hahayaan mo lang ba akong mag bakasyon mag isa? I thought you were my best friend." Pagdadrama ko. Hindi na lang ako pinansin nito at busy sa pag prepared ng lulutoin for breakfast. Tsk tsk.
"Forest?" Tawag ko sa kanya.
"Still a no parin!" Mabilis na sagot nito.
Napatawa ako ng mahina. "Tatanungin lang naman kita kong ano ang lulutuin mo, ikaw ah grabe ka sakin hmp."
"Sorry. It's bacon and eggs, ikaw kasi ang kulit mo."
"Ayaw mo ko samahan eh."
"Ano namang gagawin ko dun, atsaka hindi ko naman kailangan ng vacation vacation na yan."
"Samahan mo nga lang ako!"
"Bakit kasam pa talaga ako?"
"Cos you're my best friend."
"You're using that card too much aud."
"Please." Puppy eyes with matching paawa effect. She can't say no to everytime i do this. I hope it still working now.
Napahinga ito ng malalim. "Argh Fine!" Yas!
Mabilis na niyakap ko ito. "Thank you best friend!"
"Oo na, oo na! Bitaw na nga magluluto pa ako"
After breakfast pinagdrive ako ni forest sa kompanya namin. Pagkapasok ko sa loob ay binati agad ako ng gwardya at mga empleyado namin. Pagkapasok ko sa opisina ko ay naupo ako sa swivel chair. Pumasok naman yung sekretarya ko at sinabi sa akin ang mga agenda ko ngayong araw. Mabilis na lumipas ang oras, its already 6pm. I already filed a vacation leave and I asked foerst to pick me up.
"Maam nandito po si sir forest." Mila said from the intercom.
"Let her in." I replied.
Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si forest at si mila.
"You can go home now mila." Sabi ko sekretarya ko.
"Bye po maam," Baling sa akin ni mila. Tumago lang ako sa kanya. "Bye din po sir forest." And she send forest a big smile.
"Bye mila." Forest said with a wink, she knew that Mila has a huge crush on her. Tsk.
Namumula namang umalis yung isa.
"Flirt." Sabi ko kay forest.
"Flirt na ba yun? Grabe ka." Masamang tiningnan ako nito.
"Here carry my bag." Inabot ko sa kanya yung bag ko.
"Pinapunta mo ko dito para maging alalay mo lang?" Naiiling na sabi niya nung hawak na ang bag ko.
"Oo kaya tara na." Hindi naman ito umalis sa puwesto. "Forest let's go!"
"Hindi mo naman ako alalay eh."
"Wag kang mag drama di bagay sayo."
"Hindi naman akin tong bag para dalhin ko."
Lumapit ako sa kanya at piningot ito.
"Aray audrey naman,"
"Tatayo ka lang ba dito o ano?!" Hinali ko pa tenga niya.
"Aray oo na."
Binitawan ko na tenga niya. "Good boy."
"Hmp girl kaya ako."
"Oh my god! All this time i thought you were a boy!"
"Ha ha ha.. ako nga all this time akala nga dragona ka, aray shit." Sinuntok ko ito sa braso. Sumasagot pa eh.
"Mapanakit ka talaga kahit kailan." Sabi niya habang hinahaplos yung sinuntok ko.
"Tara na nga!" Nauna na akong mag lakad sa kanya.
