Chapter 2 : Partner

3.5K 122 7
                                        


Umalis na ako sa lugar na iyon. I just found myself here sa rooftop. Dito kami palaging tuma tambay ni karrina.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Sht ang sakit. My first crush, first love, first heartbreak.

"Hay andito ka lang pala. Bat di ko pumsok kanina? Akala ko umuwi kana." Pagkagaling ko dun sa library dito na ako dumiretso.

"Hey gubat are you okay?" Lumapit ito ng bahagya.

"Yeah... I'm f-fine." Napangiwi ako dahil sa pag break ng boses ko.

"Uhm... have you been?" Tinuro pa ang mata ko.

"Tss... I'm not crying you idiot." Dali dali pinunasan ang luha ko. I'm not good at lying. Really.

Narinig ko ang pagtawa niya. Hinarap ko ito at sinamaan ng tingin. Tama bang pag tawanan ako?!

"Yeah. Hindi ka nga umiyak."

"....but you know what is okay to cry after a heartbreak." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"There, there forest." Tinapik tapik niya ang likod ko. "Hush now. Youre gonna be fine, just forget about that bitch okay?" Parang batang inaalo ako nito.

"Tse ginawa mo akong bata eh!" Sabi ko sabay tampal sa braso nito.

"Hahaha... ang drama drama mo kasi."

"Tara na nga. Bilhan nalang kita ng ice cream." Inakbayan ako nito. Nakalabing napatango naman ako sa kanya. Alam niya kasi na pag malungkot ako kumakain ako ng ice cream para gumaan ang pakiramdam ko.

____

Matapos nung nakita kong may kalahalikan si audrey dumistansya ako ng konti sa kanya. Hmm konti lang naman. Hindi na ako masyadong lumalapit sa kanya. Paminsan minsan ko nalang din siyang binibigayan ng bulaklak, na palaging tinatapon lang nito. But it's  okay, my mom didn't raise a quitter. So, hindi ko muna siya susukuan. Fight lang dapat. ^_^

Nakatingin lang ako sa pinto ng classroom namin. Naglagay kasi ako ng love letter sa upuan ni audrey at hinihintay kung pumasok ito.

Nag antay pa ako ng ilang minuto bago pumasok si audrey sa classroom kasabay ang dalawa nitong kaibigan.

Nakita ko ang pag kunot ng noo nito pagkakita niya sa letter. Nilukot nito ang papel at itinapon sa basurahan. Hindi man lang ito nag abalang basahin ang sinulat ko. Hay ano pa nga ba?

Magka salubong ang kilay nito at tinapunan ako ng masamang tingin. Napayuko ako at nagkuwaring nagsusulat para iwasan ang nakamamatay nitong titig.

Napa ayos ako ng upo ng dumating na yung teacher.

Sana si audrey ang partner ko. I silently prayed.

Pinapabunot kami ni sir ng magiging partner namin sa paggawa ng activity.

"Pstt...gubat!"

Dahan dahan kung binuklat ang maliit na papel. Si audrey please. Para makasama ko siyang ng matagal tagal.

At laking dismaya ko na hindi ang pangalan ni audrey ang nabunot ko. Napahinga ako ng malalim. Malas.

"Gubat!" Si karrie.

"Ano?!" Bakas ang iritasyon sa boses ko.

"Ang high blood mo naman. Bat ka ba nagagalit ha?"

Napabutong hininga ako. "Sorry. Eh ano ba kasi yun?"

"Palit tayo." Inabot nito sa akin ang nabunot niya.

Hindi ko ito tinangap at tiningnan lang. Si lisa ang nabunot ko, siya ang president namin dito sa room at matalino din ito. Kung makikipag palit ako kay karrie baka si jonas ang nabunot niya kaya gustong makipagpalit sa akin. Tss ang tamad pa naman ni jonas.

"Ayoko." Tanggi ko dito.

"Ayaw mo?"

"Ayoko nga."

"Bahala ka, ikaw din." Rinig kung sabi pa nito.

"Ayaw mo talaga. si aud---" Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla kung inagaw sa kanya ang maliit na papel at binuklat. Sht si audrey ang nabunot niya.

Nakangising naman si Karrie ng tumingin ako sa kanya. "Ayaw mo diba kaya akin na."

Iniwas ko ang papel sa kanya balak niya kasi kunin uli sa akin.

"Akin na sabi eh!" Medyo napalakas ang pagkasabi niya nun kaya nabaling ang atensyon ng iba sa amin.

"O edi sayo na!" Tinapon ko ang papel sa kanya pero hindi na ito ang yung may name ni audrey, yung nabunot ko na yung binigay ko sa kanya yung kay lisa.

I smirked at her. Napa iling iling si karrie pagkabukas niya sa papel.

"Alright, proceed to your partners." Sabi nung guro.

Tumayo na ako sa upuan at Dahan dahan akong lumapit kay audrey.

"Hoo! You can do it man!" Mahinang cheer ko sa sarili.

"Ehem." Kunwaring tikhim ko.

Nakuha ko naman ang atensyon ni audrey. Tumingin ito sa akin.

"Oh what the hell! Seriously?" Nakuha pa nitong irapan ako.

Umupo ako sa tabi niya. Ang lakas ng tambol ng dibdib ko. Ganito lagi nanyayari sa akin pag malapit ako sa kanya.

Nag didiscuss yung teacher sa gagawin namin pero hindi ko ito masyadong naintindihan bukod sa lakas ng tibok ng puso ko, nakatuon lang atensyon ko sa iisang tao.

"....Ganyan lang ang gagawin niyo. Mariano are you listening?"

Ang ganda talaga ni audrey.

"Mariano?!" Tawag pansin ni sir. Ang sama ng tingin sa akin. Bakit?!

"Stupid." Narinig kung wika ni audrey. Mahina lang yung pagkakasabi nito.

"S-sir?" Nauutal kung sabi.

"Nakikinig ka ba sa sinabi ko kanina?" He said with a straight face.

"Uhm...y-yes sir." Pagsisinungaling ko.

Buti naman at naniwala na ito at hindi na nag tanong pa.

"So.. uhm... anong gagawin natin?" Baling ko kay audrey maylabs. Hehe.

"Idiot. Hindi ka talaga nakikinig! Bukas na daw dahil wala ng time!" Na iiritang wika nito. Tumayo ito at lumabas na sa classroom. Okay?

"Gubat di ka ba mag re recess?" Tanong ni Karrie.

"Manlilibre ka ba?"

"Tamoto ang yaman mo nga eh, dapat ikaw yung manlibre hindi ako."

"Mayaman ka diyan?! Tss ewan ko sayo."

"Pasalamat ka pumayag akong makipag palit sayo ng nabunot ko kung hindi -- hay ewan ko nalang."

"Sus. Magpapalibre lang dami pang sinasabi. Tara na nga!"

"Yown. Da best talaga tong bespren ko." Napa iling nalang ako kay karrie. Basta pagkain talaga. Hayyy.





























































________

Sa sobrang ganda ni maam pati grades ko na fall din...

All I Want Is YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon