Chapter 13 : Project

1.6K 56 2
                                    

Audrey Pov

"Mariano and Smith? Is there something you guys wanna share with us?"

Nabaling naman ang atensyon ko sa kanila at pati narin ang buong klase kina forest at ericka.

Sabay naman silang dalawa na umiling.

"Seems like parang busy kayo diyan." Sabi pa nung teacher and shrug off. "Alright let's go back to our topic."

Nang tiningnan ko si forest nakayuko ito. Sa pagangat ng mukha nito ay nagka tinginan kami. I looked at her like 'what was that?' Tila nakuha naman nito ang tanong ko. Umiling lang ito at ngumiti ng tipid. Nakita kung may ibinulong si ericka sa kanya at nagpipigil namang si forest tumawa. I just rolled my eyes at them at nakinig nalang sa teacher namin.

During our lunch sila carla ang kasama ko kumain. I don't feel eating with them right now. I'm a jealous type of friend nagseselos ako pag nagkakaroon ng bagong kaibigan yung kaibigan ko feeling ko kasi mawawalan sila ng time para sakin dahil may bago na silang kaibigan.

Tapos na yung klase at pupunta kami ngayon sa bahay nila forest, mag partner kami sa subject na 'to at may project kasi kami na dapat kailangang taposin. Sasakyan nila ang gamit namin.

Pagkarating namin pinagbuksan ako ni forest ng pinto. "Thanks." Sabi ko dito.

"Pasensya na dahil magulo talaga dito." Sabi nito pagkabukas ng pinto ng kwarto niya. Niluwagan niya ang bukas para makapasok ako. Iginala ko ang aking mata sa loob ng silid. Hindi naman ito magulo gaya ng sinabi niya. Kulay abo parin ang kulay ng pintura, just like before. Napangiti ako ng lihim kasi hindi niya pinalitan ang kulay. Ako kaya ang pumili sa kulay na'to. Gray is my favourite color.

"Bihis muna ako." Paalam nito. Tumango ako sa kanya. Napansin ng aking mata ang picture frame na nakapatong sa bedside table ni forest. Nilapitan ko ito. Napangiti ako sa nakita, its our photo when were young nakayakap kami sa isa't isa at bakas ang ngiti sa aming mukha. Sobrang bata pa namin dito. It bring backs so many memories in me.

"Oh i remembered that day."

Nagulat pa ako sa biglang nag salita sa likod ko.

Hinampas ko ito. "Nakakagulat ka."

"Sorry." Nag peace sign pa.

Kinuha nito ang frame. "Naalala ko pa ang iyakin mo kaya nun."

"I'm not."

"Iyakin."

"I'm not, baka ikaw."

"Hahaha." Tinawan lang ako ng loko.

"Oh did i interrupt something?"

Sabay kaming napalingon ni forest sa nagsalita.

"Felix?!" Gulat na bangit ni forest. Felix? He's name sounds familiar.

"Forest!" Mabilis na lumapit ang tinawag nitong felix kay forest at niyakap nila ang isa't isa na akala mo'y ilang dekada nang hindi nagkita.

"Couz wazzup?" Forest said happily.

"I'm fine." Sagot naman nung felix. Okay im outta here.

Nabaling naman ang tingin nung felix sakin. "Audrey?"

Napakunot ang noo ko. How did he know me?

"Ay sya nga pala. Audrey, this is my cousin felix if you still remember him siya yung madalas pumupunta dito tuwing summer."

"Felix? Wow." Naalala ko na. Wow he change a lot. Matagal na din nung huli ko siyang nakita mga bata pa kami nun.

"Wow right? Biglang gumwapo, diba ang uhugin nito dati?" Tukso ni forest sa pinsan niya at inakbayan ito.

Tinulak naman ni felix ng mahina si forest. "Kapal mo! matagal natong guwapo no. Diba audrey?" Tina taas baba pa nito ang kilay niya.

"Yeah." Sagot ko. He's good looking guy naman.

"Ohh diba?" Baling ni felix sa pinsan niyo.

"Sus mas guwapo pa nga ko sayo e." Sagot naman ng isa. "Tsaka ano bang ginagawa mo dito pangit?"

"Maka pangit ka naman kala mo... bakit di ba ako welcome dto?"

"Welcome naman. Baba ka na muna may gagawin pa kami." Tinulak ni forest ang pinsan niya yung mahina lang naman.

"Huy anong gagawin nyo?"

"Project namin." Simpleng sagot ni forest.

Napatigil ito at ngumisi. "Project? Hmmm...Kayo ha?"

"Olol. We're bestfriends, Alis na nga!" Tinulak niya talaga ng malakas si felix at mabilis sinira ang pinto.

"Istorbo eh."

Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Can we start?" Tanong nito at inaayos na ang mga gamit na kakailanganin namin.

"Sure."




After so many years....















...charot lng.

___

Forest Pov

After naming natapos ang project namin ay nagpaalam na si audrey.

Nakatingin lang ako sa papalayong sasakyan nila audrey. Sinundo siya dito ng driver nila.

"So you guys are friends again?" Salita ni felix sa likod ko.

Humarap ako sa kanya. "You can say that." Binigyan ko ito ng tipid na ngiti. Pshh friends.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Pang iiba ko sa usapan.

"Just visiting you and lolo. Bakit bawal ba?"

"Kailan ka uuwi?" Tanong ko pa dito. Naalala kung may gusto 'to kay audrey dati e. Hayss bat ba ang dami nagkakagusto sa kanya?

"Grabe ka naman kakarating ko lang paalisin mo na agad ako tsaka di naman ako magtatagal dito." Sagot nito na may pag tatampo at nag pout pa kala mo cute. Tsk.

"Sus nagdrama ka pa hindi naman bagay sayo." Ginulo ko yung buhok nito. Namiss ko kaya tong isip bata na to.

Biglang namang rumihistro ang lungkot sa mukha nito. "Hey are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

"Yeah." Maikling sagot ni felix. He's definitely not okay.

Inakbayan ko siya. "You know you can tell me everything right?"

Mga ilang minuto itong di sumagot at mukhang malalim ang iniisip. He release a long sigh before talking.

"Ang totoo niyan nag layas lang talaga ako. Si mama't papa kasi.... nag aaway na naman ayoko na dun sa bahay. Magulo, maingay nakakarindi na yung bangayan nila di ko naman maawat." Nakayoko lang ito.

Dati pa namang madalas mag away yung parents niya at naapektuhan talaga ng husto si felix. Felix mom is my dad's younger sister.

"Hindi alam ni lolo na andito ka?"

"Hindi. It'll be a surprise to him."

Napa iling ako sa kanya. Hayss..















Ud ulit paag di na busy😊

All I Want Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon