Audrey Pov
Pagkabukas ko ng aking mata ay puting kisame ang aking nabungaran. Ang sakit ng buong katawan ko. Tatayo na dapat ako ay tsaka ko lang napansin ang dextrose na nakakabit sa akin. Anong nangyari? Bat ako nandito? Sumakit ang ulo ko kakaisip at biglang nag flashback sa akin yung muntik na akong masagasaan.
"Forest."
Flashback
Naghiwalay kasi yung parents ko nahuli ni mommy si daddy kasama ang kabit nito. Masakit para sa akin yun, ayaw kung maghiwalay ang mga magulang ko but i understand mom. Bakit kasi kailangan pang mag cheat? Kung di na masaya edi sabihin mo sa kanya hindi yung manloloko ka ng tao. Ang sakit kaya nung naloloko ka at worst sa taong mahal mo pa. Isa pa tong ex kung kinukulit akong balikan siya and forest, nasaktan ko na naman siya. Gusto kung bumalik kami sa dati yung mag bestfriends kami. I don't like seeing her happy with someone and that transferee girl halatang may gusto yun sa kanya. Naiinis ako.
I put my headphones on at lumakad na ako pupunta ako sa coffee shop na katapad lang nitong university.
Habang tumatawid ako sa daan ay isang malakas na busina ang naka pukaw ng atensyon ko mabilis ang takbo nito at parang napapako ako sa kinatatayuan ko. Pumikit nalang ako ng mariin dahil alam kung matatamaan ako nun hanggang sa naramdaman ko nalang na may tumulak sa akin.
Sinubukan kung tumayo pero masakit ang balakang ko sa pagkakatumba gusto ko sanang tingnan kung sino ang nagligtas sa akin. Bigla akong nahilo.
"Forest." Bigkas ko sa pangalan nito the last thing i saw is forest covered with blood.
...
Napalingon ako sa pinto ng biglang itong nagbukas at inuluwa nito ang mommy ko.
"Oh my god ...anak are you okay?" Nagaalalang tanong nito at madaling nilapitan ako.
"Mom i want to see forest." Naiiyak na sabi ko.
"Yeah but please magpahinga ka muna anak."
"Mom i really need to see her." Pag mamakaawa ko kay mom.
Huminga muna ito ng malalim "Okay." Sukong sabi nito.
Kinakabahan akong buksan ang pinto kung nasaan si forest. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahang pinihit ang doorknob. Napasinghap ako sa nakita. Andaming wires na nakakabit sa kanya.
"Audrey." Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko alam kung galit ba itong si karrina sa akin hindi ko kasi nakitaan ng emosyon ang mukha nito. Aksidente yung nangyari hindi ko gusto yun pero hindi ko parin maiwasan na sisihin ang sarili ko kung hindi dahil sa akin hindi sana siya nagkaganyan.
"Mabuti naman at nagising ka na." Ginamitan lang niya ako ng malamyos na tono akala ko e magagalit ito sa akin at sisisihin ako sa nangyari sa kaibigan niya.
"Okay ka na ba?" Tanong pa nito.
"Yeah I'm fine and ...I-I'm sorry about what happened ---"
"That was an accident aud walang may gustong mangyari yun." Putol nito sa sinasabi ko.
"Uhm... labas muna ako aud." Dagdag pa nito tumango lang ako bilang sagot.
Unti unti akong lumapit kay forest na kasalukuyang hindi parin gumigising. Kinagat ko ang ibabang labi ko nung malapitan ko na ito. Ang daming galos ang natamo niya. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak.
"Hindi mo naman kailangang gawin yun." Umiiyak na wika ko.
"Wala din namang kwenta ang buhay ko kaya sana pinabayaan mo nalang ako." Pagpapatuloy ko pa. Kung narinig niya siguro akong nagsalita nun malamang sa malamang naka tanggap na ako ng batok galing sa kanya. Ayaw na ayaw niya na makarinig ng mga salitang ganyan. Dapat pinapahalagahan daw ang buhay kasi hiram lang natin to sa maykapal.
"Bakit nandiyan ka pa rin kahit nasasaktan na kita? Kahit marami ka ng mga natatangap na masakit na salita galing sa akin e hindi mo parin ang sinusukuan." Pinahid ko ang mamga luha na patuloy parin sa pag bagsak.
"...feeling ko tuloy hindi ko deserve ang tulad mo." Pagpapatuloy ko.
"Bilang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sayo. Mabuting tao ka at alam kung makikita mo din yung taong para sayo. Hindi ako yun forest. I'm so sorry. Sorry dahil sa akin nangyari to sayo. Please gumising ka na, please besty. Namimiss ko na yung besty ko, gusto ko ulit na maging magkaibigan tayo. Kaya please besty gising ka na. I can be your best buddy again, just like before. Wake up now forest."
____
Yow😎