Forest Pov
Naalimpungatan ako ng may narinig akong pumaradang sasakyan sa labas. Wala akong inaasahan na may ibang pupunta dito.
Papungas pungas akong naupo sa sofa at napatingin sa relo ko. Alas tres na pala ng hapon, napabuntong hininga ako. Hindi ko na namamalayan ang oras habang nandito ko. Kakain lang pag nagugutom na talaga at matutulog lang kong kailan dalawin ng antok. Pakiramdam ko wala ng sasay pa ang buhay ko. Ang boring. Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang malakas at sunod sunod na katok sa pinto. Tangna sino ba 'to!
Pabalyang binuksan ko ang pinto, Nagulat ako sa nakita kaya agad na naisirado ko ulit ito. Sheet ginagawa niya dito?
"Open this damn door now forest!" Sigaw nito sa labas. Sheet talaga! Hindi ako ready! Hindi ko alam kong anong ginagawa ni audrey dito at kong paano niya ako natunton.
Humugot ako ng hininga at saka unti unti binuksan ang pintoan. Pilit na kinakalma ko ang sarili. "Anong ginagawa mo dito?" Pinapormal ko ang boses ko kahit sa totoo lang ang lakas na ng tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa katawan ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, galit. Hindi ko na alam.
"Why did you leave?" Agad na tanong nito.
"Akala ko ba malinaw na ang dahilan ko? Atsaka ano bang ginagawa mo dito?" Medyo inis na salita ko sa kanya.
"Halos isang buwan kitang hinanap." Pag aalam nito.
"O sinabi ko bang hanapin mo ako. Akala ko ba wala kang pakialam sa akin." I know, i sound bitter. Nakita kong lumambot ang expression sa mukha nito.
"Forest, I'm sorry." She said with teary eyes.
"Sorry for what?" Nakakunot ang noo kong nagbaling sa kanya.
"For everything." Nakayuko ito.
Napatawa ako ng mapakla. "Sus wala yun. Sanay na naman na ako sa rejection eh."
"Forest--"
"Tsaka ano bang ginagawa mo dito ha? Hindi ka lang nag inform na pupunta ka pala d---" she cut me off mid sentence.
"I love you."
Nabigla ako sa sinabi niya pero agad ding nakabawi. "Why now?"
Bakit ngayon pa? Dahil ba naawa siya sakin? Dahil may nag utos sa kanya? Ano? Bakit ngayon pa na handa na akong pakawalan siya?
"I just realised it recently. Its so dumb of me, kailangan pa talaga tayong umabot sa ganun bago ko napagtanto lahat. Mahal kita, forest. And I'm sorry it took me long enough to realised that i feel the same way towards you."
"Stop it aud. Kung sinasabi mo lang ito dahil sa naawa ka sa akin please lang audrey I've had enough." Napapikit ako ng mariin. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya pero may part naman sa akin na hindi naniniwala sa kanya, what if she just pretending it?
"Hindi kita kinakaawaan sinasabi ko ito dahil yun ang nararamdaman ko. Sana man lang kahit yun paniwalaan mo." Parang sumikip naman dibdib ko makitang nag uunhan na sa pag patak ang mga luha nito. I don't wanna see her like this. I take a steps towards her at niyakap ko ito. Nawala yung bakod na itinayo ko sa loob ng isang buwan na pananatili dito. Bakit ba napaka marupok ko pag dating sa kanya?
"Shush, audrey wag ka ng umiyak o." Hinagod hagod ko ang likod nito.
"I-i love you." Hingit ko ata ang hininga ko sa sinabi nito. Hindi ko aakalaing babagitin ito ni audrey sa akin. Hindi ako nakapag salita at patuloy lang ako sa pag papakalma sa kanya.
"I love you." Paulit ulit na bangit nito habang nakayakap pa rin sa akin. Palit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag bumigay sa kanya. Pero sa boses pa lang nitong nagsusumamo ay nalulusaw na ako. Hindi ko kayang tiisin si audrey.
"Audrey?" Mahinang tawag ko dito nung unti unti na itong kumalma. I feel her nod against my chest. "Totoo ba?"
"W-what?" Medyo garalgal ang boses nito halata mo talagang galing ito sa pag iyak.
"M-mahal mo ba talaga a-ako?" Nautal pa ako sa tanong ko dito.
"Yeah, so much." Sabi niya at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin. "I love you."
Nagtatalon yung puso ko sa tuwa. Sa wakas mahal na din ako ni audrey. Niyakap ko ito pabalik at hinalikan sa noo. "Thats enough for me now."
Medyo lumayo siya sakin at tiningnan ako ng maigi sa mukha. She grab my face and claimed my lips for sweet and passionate kiss. Napangiti ako sa pagitan ng halik namin. Pinutol ko ang halikan namin at pinagdikit ang aming noo. "I love you too."
...