Chapter 21 :

1.5K 41 1
                                    

"Hey, aud there's an island nearby, wanna check it out?" Masiglang wika ko nung makalapit ako sa kanya. Nakita ko kasi siyang malungkot na nakaupo sa buhangin sa ilalim ng puno. Just like yesterday. Tila ang lalim ng iniisip nito. Gusto kong sulitin yung panahon namin dito. Gusto kong mapasaya siya kahit ngayon lang. "So, ano tara?"

"I'm not in the mood, sorry." Matamlay na sabi nito.

"Sige na please, ikot lang tayo dun." Nakangusong sabi ko. Hindi naman sa nagpapa cute ako. Pero parang ganun na nga.

"Pagod ako."

"Bakit ka naman pagod ha? Wala ka nga halos ginagawa."

"Basta! Ang kulit mo. Tinatamad nga ako!" Inis na sabi niya.

"Atsaka di ka naman lalangoy papunta dun eh! Sige na please.." pilit ko sa kanya.

"Oo na! Dami mong alam!" Padabog na tumayo ito. Yeeeyyy!

___

"Do you know how to drive this thing?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Tukoy niya sa two seater na speedboat. "Oo naman!" Mayabang na saad ko. "ayain ba kita kong hindi." Patuloy ko pa.

Inirapan ako ito tsaka nag cross arms. "I'll drive."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha?" I didn't know na marunong pala siyang gumamit nito.

"Let me drive." Ma autoridad na sabi niya.

"Uhm ahh ako nalang--"

"Wala ka bang tiwala sakin?" Hindi agad ako nakasagot, hindi naman sa walang tiwala ako sa kanya. Kaya lang...

"Don't you trust me, forest?" Salita nito sa malumanay na boses.

"Uhm.. of course, i trust you."

"Great." She flashed a small smile at nauna ng sumampa sa speedboat. Napabuntong hininga ako atsaka sumunod sa kaniya. Ano pa nga ba?

"Grabe no? Speedboat pero parang nag sagwan lang yung takbo. Ang galing." Mahinang usal ko. Baka nga bukas pa kami makarating sa islang yun. Hayss..

"I heard you." Salita ni audrey na focus parin sa ginagawa.

"Ha? Ano bang sinabi ko?" Kunwari hindi ko alam. Mahirap na baka lunurin ako nito.

"Gusto mo bang bilisan ko ang takbo?" Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Parang kunting maling salita ko lang ay malalagot ako.

Mabilis na napailing ako. "Hindi na, mas okay nga yung ganito eh. Masisilayan mong maigi ang ganda ng dagat." Sabi ko atsaka tumayo sa kinauupan.

Hindi ako nakapag handa sa biglaan pag sprint ng sasakyan na naging dahilan ng pagkahulog ko sa tubig.

"Audrey!" Sigaw ko habang tinataas ang kamay. Buti nalang at marunong akong lumangoy. Sabi na nga ba eh lulunurin ako nun.

Tila wala naman itong narinig at nagpatuloy lang. Anak ng! Tangina!

"Audrey!" Sigaw ko ulit. Sa di kalayuan ay nakita kong napahinto ito. Hays buti naman at narealised niyang wala na siyang kasama.

May naisip naman akong kalokohan. Hmmm..."Payback time." Nakangising sabi ko saka dahan dahang lumublob sa tubig.

Rinig ko ang pag balik ng speedboat. Pagkapatay na ang makina ng sasakyan ay narinig kong sumigaw si audrey. "Forest?!"

Lumangoy ako papalapit sa speed sa parteng di niya ako makikita. Medyo kinukulang na din ako sa oxygen kaya naisipan kong muahon. Atsaka huminga ng malalim. "Forest?" Rinig sa boses nito ang pagaalala. Maya maya pa ay nakita kong tumalon ito. Naku!

Lumangoy muna ako sa mas malayo sa kanya at nagkuwaring nakalutang na walang malay. "Forest?" Tawag uli nito. Malapit na siya.

"My god. Forest." Pagakalpit nito ay agad niya ako niyugyog. "Wake up." Naiiyak yung boses niya. Gusto ko mang matawa ay mas ginalingan ko nalang ang pag arte. "Wake up please." Ramdam kong tinapik niya ako sa mukha at parang hinihila niya ako. "Just hold on." Parang umiyak na talaga siya kaya inisipan kong itigil na ang kalokohan.

Tinangal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Hahahaha you should seen your face." Natawawang sabi ko. Gulat siyang tumingin sa akin at mabilis na niyakap ako. Wew akala ko magagalit.

"Forest, Akala ko ano ng nangyari sayo." Nag aalalang wika nito at mahigpit akong niyakap.

"That was just a prank." Natatawa parin ako.

"What?!" Inis na salita niya. Kumalas ito sa yakap at tiningnan ako ng masama, halos magkadikit na ang kilay nito. Opps..

"I'm sor--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong sinampahan at pinilit na nilulunod. Yes guys, nilulunod. "Prank pala ah letse ka!" She keep pushing my head to the water.

"Audrey awat na." Pigil ko dito. Buti naman at napigilan ko ito.

"Siraulo ka talaga!" Naiinis na sabi niya at nauna na sa speedboat sumunod naman ako sa kanya.  Siya parin yung nasa driver's seat. "Wag kang maglikot!" Banta nito sakin bago pinaadar ulit ang sasakyan. Just a few minutes nakarating narin kami sa kabilang isla. Maliit lang ito pero maganda, malinis tapos white sand pa.

"Don't do that again." Sabi ni audrey pagkababa namin sa speedboat. Alam ko ang tinutukoy nito ang pag prank ko. We decided to take a swim.

"Okay, i promise." Last na yun. Hahaha..

"Good." Matipid na sagot nito.

Hinubad niya ang t-shirt na suot niya atsaka yung suot niyang short shorts sa harap ko naka two piece lang siya ngayon. Men sa harapan ko mismo. Damn.

Naka awang ang bibig kong pinagmasadan ito sumulong sa tubig.

"Aren't you gonna take a swim, forest?" Baling nito sakin. Mabilis na hinubad ko ang pang itaas na damit ko at sumunod dito. Did i tell you guys that i already had top surgery? Kaya okay lang na shirtless ako. But you can still see the light scars below my chest.

Naupo kami buhangin, just near the water. Naabot ng tubig yung mga paa namin. Anddd we're tired from swimming.

"So beautiful." Tukoy ni audrey sa sunset.

"Yeah." Mahinang tugon ko habang nakatitig sa mukha niya. "So bueatiful."

"Audrey?" Tawag pansin ko dito. Lumingon naman ito sa akin. "What?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Mariing nakatitig ako sa magandang mukha nito. Ang ganda ng mga mata niya. Isa ito mga nagustohan ko sa kanya. Nadako ang tingin ko sa matangos na ilong nito, hanggang sa kanyang mapupulang labi. Napalunok naman ako. Anong kayang feeling na mahalikan siya?

"Forest?"

Parang na bingi na ako. Wala na akong ibang gustong gawin ko din halikan ito. Sorry aud.

Hindi na ako nakapagpigil at tinawid ko ang distansya naming dalawa at dinikit ang labi namin sa isa't isa.


















Iww...

All I Want Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon