Chapter 6 : Awake

2.6K 81 5
                                    

Forest Pov

Parang nagising ako sa isang napakahabang pagtulog. Unti unti kung minulat ang aking mata pero agad ding napapikit dahil nasilaw ako sa ilaw ng bombilya sa loob nitong silid. Nang maka adjust na sa liwanag ang mata ko ay ginala ko ang tingin sa paligid. Una kung napansin ang naka kabit na dextrose sa akin may benda rin ako sa ulo. Bigla akong nag panic. Anong nangyari? Bakit ako nandito?

Dahil sa kakaisip, sumakit ang ulo ko. "Arghh.." daing ko. Bukod sa masakit ang ulo ko masakit rin ang buo kung katawan parang galing binugbog o di kayay nasagasaan. Wait!

Nasagasaan. May biglang nag flashback sa akin. Nakita kung papalapit na yung sasakyan sa babae, na tila wala pakialam sa paligid niya. Kaya naman nagmamadali akong tumakbo patungo sa direksyon niya at itinulak ito. Naputol ang pag iisip ko ng biglang nagbukas ang pinto.

"G-gubat." Parang gulat na wika ni karrie. Nagmamadali lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Dude youre awake." Masayang sabi niya.

"Aray..aray." Reklamo ko. Grabe naman kasi to kung makayakap. Masakit pa naman katawan ko.

"Sorry sorry." Umayos ito ng tayo at nilabas ang cp niya. "Tatawagan ko si  papalo mo, sigurado akong matutuwa yun dahil gising ka na."

"Uhm.. ilang araw na ba akong nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Mga higit dalawang linggo rin."

"DALAWANG LINGGO?!" Gulat na bigkas ko.

"Oo. Teka, ayos kana ba talaga? Gusto mo tawagin ko ang doktor para matingnan ka niya?"

Lumabas na ito at napabutong hininga nalang ako sa kaibigan kung yun. Dumating yun doktor at chineck ako. Okay naman lahat ng test puwede nadin akong i-discharge bukas. Dumating na rin si papalo at sinalubong ako na yakap. "Salamat naman sa diyos at nagising ka na." Sabi nito.

"Papalo gusto ko ng umuwi." Nasabi ko nalang. Okay na naman ako. Gusto ko ng umuwi ayokong manatili dito para kasing pag nagtagal ako dito eh mas lalo lang akong magkakasakit.

"Okay. I-didischarge ka na, sa ngayon magpahinga ka muna."

_____

"Hay namiss ko tong kwarto ko." Mabilis na dumampa ako sa kama. Obviously naka labas na ako sa ospital, wala naring benda ang ulo ko. Hindi masakit ang katawan ko. All in all okay na ako. Pero bat parang may kulang sa akin. Hindi matukoy kung ano pero, parang may isang missing piece sakin.

Pag lingon sa gilid ay may nakita akong isang picture frame na naka patong sa bedside table. Kinuha ko ito at umupo sa kama. Tiningnan kung maigi ang litrato bata pa ako dito mga nasa dose anyos siguro ako nito. May kasama akong isang batang babae na halos kaedaran ko rin dito sa larawan. Hinawakan ko ang mukha niya sa litrato at inisip kung sino ito. Hindi naman siya si karrie, ang layo ng itsura niya kumpara sa batang kasama ko sa larawan. Maputi kasi ito at singkit kupara kay karrina.

"Sino ka ba?" Mahinang usal ko. Bat hindi ko siya ma alala? Bakit pakiramdam ko ay malaking parte ang niya sa buhay ko. Sumasakit ang ulo kakaisip kung sino ba talaga ang kasama ko sa larawan.

"Aray." Daing ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Sht.

Bumukas yung pinto at pumasok sa loob si papalo. "Apo?" Tawag nito sa akin.

"Apo ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito at nilapitan ako.

"Lo ang sakit ng ulo ko.. arghh.." Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa aking ulo.

"Kailangan nating dalhin ka sa ospital." Narinig kung sabi pa nito bago ako nawalan ng malay.

Pagka gising ko ay inikot ko ang tingin sa paligid, nasa ospital pala ako. Nakita ko si papalo sa aking tabi na nakatingin lang sa malayo mukhang malalim ang iniisip. "Lo." Pukaw ko sa atensyon nito.

"Apo ayos ka na? May sakit pa ba sayo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Sunod sunod na tanong nito halata rin sa boses niya na nag aalala para sakin. Bahagya ang napangiti.

"Ayos na ako lo, malakas kaya to. Ako pa." Kunyaring mayabang ang wika ko sa kanya. Ayaw ko kasing nag aalala siya sakin. Bukod sa matanda na ito may altapresyon din si papalo. Baka kasi atakehin siya, ayokong mapano si papalo siya nalang kasi ang natitirang pamilya ko.

"Sigurado ka diyan apo?" Halata parin mukha niya ang pag aalala.

"Oo naman." Masiglang sagot ko para din na mag aalala ito.

"Uhm.. papalo, kilala niyo po ba kung sino ang batang katabi ko dun sa larawan na nanduon sa kuwarto ko, yung naka patong sa bedside table." Naisipan kung itanong. Napakunot naman ang noo ni papalo.

"Bakit ganun? Bakit hindi ko siya maalala?" Pagpapatuloy ko.

Sasagot na sana si papalo pero nagbukas ang pinto at dumating yung doktor ko.

"Are you okay now forest?" Tanong nito sa akin. Tango lang ang naisagot ko.

"Uhm doc." Panimula ko.

"Yes?" Sagot naman agad nito.

"May ...uhm bat parang may hindi ako matandaan sa nakaraan ko?"

"Really?" Sabi naman ng doktor.

May ginawa na naman na test ang doktor sa akin sabi nito may selective amnesia daw ako. Isang klase ng amnesia na kung saan yung biktima ay  may nawawala na mga certain parts sa kanila memorya. Wtf?!

____

"Hindi mo ba talaga siya na aalala?" Seryosong tanong ni karie habang hinaharap sa akin yung litrato namin nung batang babae. Nandito kami ngayon sa kuwarto ko, nakalabas na kasi ako sa ospital.

Umiling ako. "Hindi nga sabi e."

"Holy sht." Napatakip ito sa bibig. "Hindi ka nga talaga nagbibiro." Patuloy nito. So akala niya nakikipag biroan lang ako?

"Bat naman ako mag bibiro ha?!" Masungit na sabi ko.

"Sorry naman. How come na siya lang ang hindi mo matandaan?" Naguguluhan na tanong nito.

"I don't know." Maikling sagot ko.

Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago nag salita si karrie. "Masyado na ka sigurong nasasaktan kapag naiisip mo siya kaya pinili ng utak mo na kalimutan nalang siya para hindi kana masaktan pa." Nasaktan? Panong nasaktan?

"Ewan ko." Malungkot na wika ko. "Ganun ba yun?" Dagdag ko pa.

"Hindi ko alam, hindi naman ako doktor eh. Bigla nalang kasing pumasok sa isip ko yun. Hehe." Sabi niya. Sinamaan ko ito ng tingin, nag peace sign lang siya sa akin. Loko talaga!



























Yow😎

All I Want Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon