Forest Pov
I insisted na sa beach house nalang kami ni lolo sa visayas pupunta. Pumayag naman si audrey na dun na kami basta raw makalayo na muna siya.
Gabi na ng makarating kami sa beach house. There is no one that live here, by the way pero may nag mi maintain ng kalinisan dito. Dumeritso na kami ni audrey sa kanya kanya naming silid. Pagkapasok ay mabilis na humiga ako sa kama dala narin ng kapaguran sa byahe kaya mabilis akong nakatulog.
Kinabukasan ay huling nagising si audrey. Naghahanda ako ng breakfast namin ng madatnan ako ni audrey, papungas pungas pa itong naupo sa mesa. Pumunta pa ako sa bayan para bumili ng breakfast namin wala naman kasing pagkain dito.
"Good morning." Masiglang bati ko sa kanya. Tumingin ito sakin. "Morning." Sagot nito habang humihikab. Napangiti ako sa naging akto nito. She's so cute.. hayss..
Pagkatapos naming kumain ay naisipan kong ayaain si audrey na samahan akong mag grocery para sa isang linggo naming stay dito.
"Aud?" Tawag ko sa kanya habang kinakatok ang pinto ng kwartong inuukupa nito. Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya. Nakailang tawag pa ako pero wala ata siya sa loob. Siguro nag tungo na yun sa labas.
Pagkalabas ko ay simoy ng dagat ang bumungad sakin. Nakita ko naman agad si audrey na nakaupo sa buhangin sa ilalim ng puno. Madaling nilapitan ko ito. "What are you doing here, aud?"
"Ang ganda pala dito no?" Sabi niya habang nakatingin sa dagat. "Tahimik, yung tipong makakapag isip ka talaga ng mabuti." Dagdag pa nito pero di parin ako tinatapunan ng tingin. Sumangayon lang ako at naisipang maupo sa tabi niya.
"Pag magtatayo ako ng bahay gusto ko ganito." Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy itong nagsasalita. "Gusto ko magtayo ng bahay malapit sa dagat. Parang ang ganda lang ng ambiance pag ganun." Nakangiting saad nito. Utimo ako nadadala rin sa ngiti niya kaya di ko mapigilan ang ngiting unti unting sumisilay sa labi ko. Minsan ko na lang siyang makitang ngumiti this passed week. Minsan ko lang masilayan ang mga magandang ngiti nito kaya ngayon ay nakatitig lang akong maigi sa kanya. Yan yung mga ngiting minsang bumihag sa puso ko. Ang sarap niyang pagmasadan.
"Hoy!" Tinapik nito ang mukha ko. Doon palang ako nabalik sa ulirat. "H-ha?" Utal kong bigkas.
"Tulala ka naman diyan. Sino iniisip mo ha?!" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.
"Ikaw." Bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Napa facepalm ako mentally. Jusko.
"Ha?"
"Wala." Sabi ko nalang.
"Okay." Tipid na sagot nito.
"Gusto mo bang sumama?" Tanong ko. Napakunot naman ang noo nito.
"Saan?"
"To buy some goods?" Patanong na sabi ko. Ehhh hindi naman ako sanay sa ganung bagay e.
"Hindi ka sigurado?" Natatawang sabi niya.
"Mag grogrocery nga para may makain naman tayo dito."
"Sure, tara."
___
"Now what forest?" Nakapamewang na wika ni audrey. Sininyasan ko lang siya na tumahimik. Hays tanong ng tanong nawawala ako sa focus. Kumuha muna ako ng cart tsaka nag lakad patungo sa meat section.
"Bakit puro karne nilalagay mo diyan?" Masungit na tanong ni audrey na di ko namalayang nakasunod ito sa akin.
"E ano ba dapat?" Balik kong tanong dito. "Hindi naman kasi ako sanay dito e." Dagdag ko pa.
"O di ka sanay tapos inaaya mo kong pumunta dito? May saltik ka talaga e no?!"
Hindi ko na pinansin yung pagmamaldita nito. Nako nagsisimula ng magalit yung dragon.
After so many fcking years ay natapos na din kami sa pag bili ni audrey. Whoooh! Sa wakas!
Sa isang resto kami kumain ng lunch ni audrey. Hapon na nung pabalik kami sa bahay nang may nadaanan kaming mga nagbebenta ng street foods. Naisip kong ihinto ang sasakyan sa gilid. Sa totoo lang matagal tagal narin nung huli akong kumain ng street foods. Halos hindi ko na nga matandaan sa tagal na nun.
"Why'd we stop?" Naka kunot noong tanong ni audrey.
"Want to try some street foods?" Baling ko sa kanya.
"I don't know. I haven't eaten that for a long time."
"C'mon, aud minsan lang naman to." Bumaba na ako sa kotse at mabalis nagtungo sa side ni audrey para pagbuksan siya ng pinto. "Baba na, aud."
"Arghhh I hate you!" Inis niyang salita. Habang padabog na bumaba sa kotse. Hahaha atleast bumaba. Naysss...
"Mauubos mo ba yan?" Si audrey habang nakataas ang isang kilay sakin.
"Sino bang may sabi na ako lang kakain nito?" Napailing ako. "Wag ka ng mag inarte, oh ayan." Inabot ko sa kanya yung kwek kwek.
"No thanks, I'm good."
"Sus sige na."
"Nope."
"Just one bite, aud."
"Fineee." She said tsaka tinikman yung kwek kwek.
"So? What do you think?"
Ngumunguya pa ito at tila ninanamnam ng maigi ang pagkain. "It's good." Sabi niya sabay subo ulit.
Napailing nalang ako sa kanya. Arte arte kakain din pala. Yung ayaw kumain kanina ay siya ang halos umubos sa inorder ko.. galeeeeng..
"Akala ko ba ayaw mong kumain nun?" Nakangisi kong tanong nung pabalik na kami sa sasakyan. "Tapos ikaw na halos nakaubos."
"Hoy grabe ka! Kunti lang naman nakain ko ah." Sabay palo sa braso ko.
"Aray, nanakit ka pa." Nakangusong sabi ko.
"Ikaw kasi--" she was interrupt by her load burp. Napatigil ito sa pagsasalita. At samantalang ako ay hindi ko mapigilan ang sarili na tumawa ng malakas. "Kunti lang pala ahh..hahaha." asar ko dito. Pinagpapalo naman niya ako sa braso. "Shut up!" Inis na wika nito.
"Eww that was embarrassing." Naiiling na salita niya nung makapasok kami sa loob ng sasakyan. Natawa naman ako sa sinabi niya at ganun na din ito. Napahinto nalang ako bigla nung narinig kung tumawa ito. Minsan lang din siyang tumawa. Everytime she does that napapahinto nalang ako at napapatitig sa maganda niyang mukha. Napakaganda talaga ni audrey, walang kupas. Hindi na ata ako makaka ahon sa pagkakagusto sa kanya. Tuwing nagsisimula akong kalimutan ang nararamdaman sa kanya konti galaw lang nito at nahuhulog ulit ako.
~UNEDITED..
...napilitang mag ud. Gusto ko na din kasing matapos 'to bago magsimula new season sa ml. Kung makakaya..hayss..
