Forest Pov
"Sure ka ba na papasok ka na? Okay lang naman na hindi ka muna ---"
"It's okay karrie. I'm all fine." Putol ko sa sinasabi nito. Naiisip ko kasi na masyado ng behind ako sa klase dahil sa mga absences ko. Okay naman ako at hindi na sumasakit ang ulo. Kaya ko pa naman sigurong habulin ang nga lessons namin.
"Okay. Ikaw bahala." Naiiling na sabi niya. "Come on gubat, baka malate na tayo."
__
"Oh my god forest, okay ka na?!" Salubong ni ericka sa akin ng makarating kami sa classroom at niyakap ako ng mahigpit.
"Kanina okay ako pero ngayon hindi na parang mamamatay ako sa yakap mo."
Unti unti niyang niluwagan ang pagkakayakap sakin. "Opss sorry. hehe."
Habang busy ako pakikipag kwentuhan kina ericka at karrie may bagong dating na babae, parang huminto ang mundo ko nung napako ang tingin ko sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng napatingin din sya sa akin at nagkatitigan kaming dalawa, mukhang nagulat pa ito kaya agad na nag iwas ito ng tingin. Bakit ganun? Bakit parang napaka pamilyar niya sa akin?
Biglang may mga imahe na nag flashback sa akin. "Arghhh...sht." Mahinang daing ko at napa hawak sa aking ulo.
"Forest are you okay?"
"Dude ayos ka lang?"
Halos magkasabay na tanong ni ericka at karrie sakin na may pag aalala sa boses.
"Ayos lang." Sagot ko naman kahit ang totoo ay sumasakit talaga ang ulo ko.
"Sigurado ka?" Tanong ni Karrie makikita mo ang pag aalala sa mukha niya. "Sabi ko sayo eh, dapat di ka na lang muna pumasok!" Sermon pa nito.
"Okay nga lang ako, medyo sumakit kunti yung ulo ko pero okay na ko. Nukaba ako pa!" Pinasigla ko ang boses ko at ngumiti sa kanilang dalawa para makumbinsi ko sila na okay ako.
"Basta sabihin mo lang sakin pag di maganda nararamdaman mo. Okay?" Tinaasan pa ako ng kilay ericka.
"Opo nay." Sagot ko. Napatawa naman ito ng mahina.
___
"Ouch."
"Sorry." Hindi sinasadyang nabangga ko ang babae at natapon ang mga bitbit nitong libro. Nagmamadali kasi akong umuwi. Tinulungan ko ito pulutin ang mga libro.
"Sorry ulit." Inabot ko sa kanya ang mga libro. Natigilan ito at halata ang gulat sa kanyang mukha. Siya yung kaklase ko na pamilyar sa akin. Hindi ito kumibo at nanatiling nakatitig lang sa akin.
"Uhm... your books." Sabi ko na nakakuha ng atensyon niya. Kinuha nito ang libro sa akin habang nakatitig parin.
"Did you know that is rude to stare at someone." Ano ang meron sa mukha ko? At tsaka grabe kasi siya makatitig sobrang lalim.
"Forest." Mahinang bigkas nito. Nagulat pa ako sa biglang pagyakap niya. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya pabalik. Maya maya pa ay narinig ko ang pagsinghot nito. Napaka pamilyar talaga ng yakap niya kahit sa totoo lang hindi ko siya kilala, pero bakit ganun bakit nagugustuhan ko yung yakap na binibigay niya?
"I'm glad youre okay now forest." Halos pabulong lang ang pagkasabi niya. Hindi ko alam ko bakit hindi ko mapiglan ang sarili kung yakapin siya pabalik. Teka bat kilala niya ko? Tanga forest magkaklase kayo!
Ako na yung pumutol sa pagkakayapos naming dalawa at tiningnan ko ito sa mata. Hindi ko alam, pero parang ang laki ng role na ginaganapan niya sa buhay ko.
"Who are you?" Tanong ko sa kanya. Sino kaba talaga sa buhay ko?
Napakunot ang noo nito. "What?"
"Sino ka ba sa buhay ko? sorry hindi talaga kita matandaan pero parang napakapamiylar mo kasi sakin." Napaawang ang bibig nito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Hindi maganda biro yan forest. Sinasabi ko sayo!"
"Hindi ako nag bibiro!"
"Then why can't you remember me?!"
"May selective amnesia daw ako sabi ng doktor. Nangyari ito pagkatapos ng aksidente." Kwento ko sa kanya.
Magsasalita na sana siya pero bigla sumingit si karrie sa amin. "Forest."
"Audrey." Baling ni karrie sa kanya. "Puwede ba kitang maka usap?" Dagdag pa nito. Napatango naman si audrey sa kanya.
"Gubat mag uusap muna kami." Nagtatakang tumingin ako kay karrie. "Sige na gubat nauna ka na nag aantay na yung sundo mo." Pangtataboy pa nito.
Labag sa loob kung sinunod ito. Gusto sanang mag tanong sa kanya kung bakit kakilala ako nung audrey. Hindi ako kumbinsidong kilala lang ako ni audrey bilang kaklase lang. Sa paraan palang ng yakap niya parang matagal na kaming magka kilala.
Yow😎
