Abot-abot ang hingal ng anyong-lobo niya ng huminto ito mula sa pagsuot sa mga puno upang ibsan ang kakaibang init na lumulukob sa kanila. Napaangil ang lobo ng maalala ang paghalik ng lalaking itinakda sa kanila. Mas lalo lamang niyun pinagliyab ang kanilang damdamin dahil sa halik na yun!
Hindi na nagpigil pa ang lobo. Pumainlanlang sa buong paligid ang ingay na pinakawalan nito. Alam niyang maririnig iyun ng mga nakatira sa buong siyudad na yun pero..kailangan niyang ilabas ang sinisigaw ng kanilang damdamin.
Agad na may nakita siyang nakaipit sa tali ng kabayo niya.
Isang bulaklak na gawa sa tuyong dahon ng niyug. May nakaipit pang maliit na papel roon at agad na binasa niya ang nakasulat roon.
Ginawa ko ang bulaklak na ito para sa sinisinta ko,magandang umaga,sinta!
Agad na hinanap ng mga mata niya ang binata. Nang malingunan niya ang kinaroroonan ng kwadra naroon ito at nakatayo roon habang nakatanaw sa kanya.
Nanliligaw na!
May ngiti sa labi nito ng lumalapit sa kanya. Bawat hakbang nito ay lalo bumubilis ang tibok ng puso niya!
"Magandang umaga," pagbati nito sa kanya habang matiim na nakatitig sa mga mata niya.
"Sayo nanggaling ito?"
Tumango agad ito. "Nagustuhan mo?"
Oo naman!
"Hindi madali gawin bulaklak ang dahon ito," tugon niya. Pilit na pinipigilan ang sarili na tuluyan madala sa tunay na nararamdaman niya.
Ngumisi ang binata. "Mahirap siya sa una pero..Kung gusto mo taLaga magagawa mo at...magandang paghirapan ang isang bagay bago iyun ibigay sa isang taong espesyal sayo..gusto ko ibigay ang lahat ng kaya kong gawin para sayo,Khay.."puno ng sinseridad nitong sabi.
Hindi niya nakayanan ng pagkailang sa sinabi nito kaya mabilis siya nag-iwas ng mga mata rito. Hindi niya mapigilan ang pagkatuwa ng puso niya sa mga sinabi nito.
Makikita nito sa mga mata niya ang tunay na damdamin niya para rito na tuluyan ng lumukob sa buo niyang pagkatao.
"Gusto kitang ligawan kung hindi mo masasamain," saad nito sa kanya.
Ibinalik niya ang atensyon rito.
"Isa sa panliligaw ko ang pagbibigay ko ng bulaklak sayo na gawa sa dahon ng niyog," anito na may ngiti sa mga labi nito.
Maeffort! Gusto ko yan!
"Hindi mo ba alam importante ang bawat hibla ng dahon ito sa paggawa ng produkto na ginagawa ng mga trabahador ko?" untag niya rito.
Tumawa ito ng mahina.
"Oo nga eh pero...gusto ko ibigay sa iyo na hindi pa nagagawa ng kahit sinong lalaki..gusto ko kakaiba ang lahat ng bagay na ibibigay ko sayo,Khay," anito.
Paano kung malaman niya na tayo ang tunay na kakaiba? Well,nakita na niya tayo pero...iba pa rin kung ikaw na ,prinsesa!
"Bawas sa sahod mo," aniya na kinatawa nito.
"Walang problema sakin basta tatanggapin mo,"anito.
Tinalikuran na niya ito bago pa man nito makita ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.
Smile..smile...smile..
" Sinta! Ingat sa pag-iikot mo ha! Huwag mo akong pag-aaalalahanin!"pahabol nito sabi habang papalayo na siya rito habang hila-hila niya ang kabayo.
Smile...kilig na yan,prinsesa!
Enough,wolf!
Basta ako smile and kinikilig...
"I hate it.."
Oh sure...
Ang lalaking itinakda lang ang magpaparamdam niyun sa kanya. Ito lang at wala ng iba pa.
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
WerewolfThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...