Chapter 21

2.6K 114 12
                                    

Hayy..ganyan din kaya siya kasaya kapag nalaman niya na ako ay ikaw,mahal na prinsesa?

Mataman na nakamasid lang ang anyong-lobo ni Prinsesa Khay sa binata na masayang-masaya na kinakausap nito ang lobo niya tungkol sa nangyari ng umagang iyun.

"Ang sarap sa pakiramdam na gusto ka ng gusto mo! Hindi pa rin ako makapaniwala! Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon! Kami na talaga! Nobya ko na si Sinta!" masayang-masaya nitong sabi sa anyong-lobo niya.

Hinaplos nito ang ibabaw ng ulo niya na nakapatong sa kandungan nito habang nakasandal naman ito sa katawan ng punong niyog.

"Kailanman,hindi pa ko tinamaan ng ganitong katindi! Nakakabaliw siya. Para ako nasa ulap," patuloy nito na sinamahan pa ng pagbubuntong-hininga.

"Hay,mahal na mahal ko siya. Iyun ang totoo. Mabilis ,pero alam kong ng una ko pa lang siya nakita. Siya na talaga.."

Naipikit ng lobo ang mata nito at ninamnam ang mga salita na binibitawan ng binata. Masarap sa pakiramdam na marinig ang tunay na damdamin nito para sa kanya.

"Siyangapala,may naalala ako na dapat sabihin sayo,"untag nito na kinamulat ng lobo.

Nag-angat ng mukha ang lobo at sinalubong ang mga mata ng binata na puno ng kuryusidad.

" Kagabi..nakita kita nanggaling sa silid ni Sinta? Siya ba ang nag-aalaga sayo? Kung si Sinta ang nagmamay-ari sayo,aba! Ang swerte ko naman kasi ka-close ko ang lobo niya! "

Matiim na tinitigan ng lobo ang binata na walang kaalam-alam sa tunay na katauhan ng kaharap nito.

"Mabuti na lang dito ko naisipan mamalagi kung hindi...hindi ko kayo makikilala ni Sinta ko,pangako,aalagaan at poprotektahan ko kayo...higit sa lahat mamahalin ng higit pa sa buhay ko," sinsero nitong sabi habang nakatitig sa mga mata ng lobo.

Inaasahan na ni Prinsesa Khay na mas mapapalapit sa kanya ang binata. Sinamahan siya nito mag-ikot. Araw-araw na daw siya nito sasamahan.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa kanila ng binata dahil marami ng nakakakita na magkasama sila kahit hindi mag-usisa ang mga ito alam na ng lahat kung ano na ang relasyon nila ng binata.

Nagsimula na sa pagtatrabaho si Randy kaya naisipan na niyang bumalik na ng mansion pero hindi pa man siya nakakalayo natanaw na niya ang pamilyar na sasakyan.

Tsk,the brat is here again! Hindi talaga siya titigil! Ang kulet ng batang yan!

Inihinto niya ang kabayo sa gitna ng daan para huminto ang papalapit na buting Van. Agad naman iyun tumigil. Walang emosyon ang anyo ng bumukas ang pintuan sa gilid at bumaba roon ang babae.

Agad na sumimangot ito pero matapang siya nitong hinarap.

"Pwede ba,padaanin mo kami?"

"Pag-aaari ko ang lugar na ito kaya bakit ako aalis?" malamig niyang tugon dito na hindi agad kinaimik ng dalaga.

"Kahit na! Eh ano? Kung sayo ang lugar na ito kahit buong mundo sayo na,wala akong pakielam! Hindi ikaw ang pinunta ko dito noh!" mataray nitong sikmat sa kanya.

Aba't lapastanganan! Wala siyang karapatan na tratuhin ka niya ng ganyan! Sasakmalin ko yan!

Bumaba siya sa kabayo ng hindi inaalis ang mata sa dalaga. Nakita niya ang bigla pagkabahala nito pero agad naman tumabi ang dalawang bodyguard nito rito.

"Inaabala mo lang siya,"tugon niya rito.

Mataray itong humalukipkip sa kanya. Naniningkit ang may pag-aakusa nitong mga mata. " Kung may relasyon kayo? Bakit mo siya hinahayaan magtrabaho? Engineer siya,FYI,hindi nababagay sa kanya ang pinagtatrabaho mo sa kanya!"

"Marangal ang trabaho niya rito," malamig niyang tugon.

Umismid ito. "Kahit na! Pipilitin ko siya bumalik sa Maynila at magtatrabaho siyang muli kung ano dapat na trabaho niya!"

TaLaga naman oh-oh!

"Ikaw ang bumalik sa Maynila at huwag mo ng guluhin rito si Randy," kalmante pa niyang supla dito.

Naningkit ang mga mata nito. "Hindi mo ako matatakot at hindi ako aalis dito hanggat hindi sumasama sakin si Randy!"bulyaw nito sa kanya.

Bago pa man tuluyan maubos ang pasensya ng prinsesa. Bigla sumulpot ang dating panginoon sakay ng kulay puting kabayo. Agad na napabaling dito ang babae at kitang-kita ang pagkamangha nito para kay Zei.

Nakangisi ito ng bumaba sa kabayo. " kamusta?"untag ni Zei sa dalaga na agad naman natauhan.

May pagdududa na tumingin ito sa kanila ni Zei.

"Ginugulo ka ba niya,Señorita?"

Napakurap ang dalaga.

Napabuntong-hininga ang prinsesa.

Sinulyapan muna niya ang dalaga.

"Malala na ang obsession niya kay Randy,bata pa naman siya..at matatagpuan din niya ang para sa kanya," aniya sabay talikod at sumakay muli ng kabayo.

Alam niyang si Zei na ang bahala sa dalaga.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon