Manghang-mangha na pinagmamasdan ni Randy ang dalawang singsing na nasa palad niya. Matingkad na kulay brown iyun,ang kulay na distrito na kinabibilangan ng prinsesang Sinta niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng maalala ang nangyari sa kanya sa mundong-Colai.
Isang pambihirang mundo na ngayon ay mundo na rin niya! Napakaswerte niya dahiL siya ang itinakda sa prinsesa ng mga lobo!
Napukaw siya ng humpas ang malakas na alon ng dagat sa paanan niya. Agad na tumuon ang mga mata niya sa kasintahan na abala sa paglangoy sa dagat.
Pinagmasdan niya ang paglangoy nito. Nang umahon ang kalahating katawan nito mula sa ilalim ng tubig tila siya nahipnotismo sa ganda ng dalaga. Para siyang nakakita ng totoong sirena.
Tila bumagal ang oras. Slow motion ang pagsuklay nito sa basang buhok nito. Ang pagtulo ng tubig mula sa basang buhok nito pababa sa katawan nito. Namalayan na lamang niya na lumalangoy na siya palapit rito.
Hindi niya ramdam ang lamig ng tubig dahil sa init na lumulukob sa kanya.
"Pwede ko bang makilala ang isang magandang Sirena?"aniya pagkalapit niya rito.
Napangiti ito sa sinabi niya. Lalo lamang naghurementado ang pagwawala ng dibdib niya.
Makapigil hininga talaga ang ganda nito! Her smile take his breath away!
" Hmm,sirena na ba ko ngayon?"
He chuckled. Hinapit niya ito at idinikit niya sa katawan niya.
Agad na kumapit sa balikat niya ang mga kamay nito. Pinakatitigan niya ang napakaganda nitong mukha.
"I love you so much.. Mahal na mahal na mahal kita,Sinta.." madamdamin niyang saad.
Hindi siya magsasawa na sabihin iyun araw-araw sa dalaga.
Lumamlam ang mga mata ng dalaga. "Mahal na mahal din kita,Randy.."
Kinuha niya ang isa nitong kamay sa may balikat niya at walang ano-ano isinuot niya rito ang singsing na binigay sa kanya ng magulang nito.
Napasinghap ang dalaga. Pinagmasdan nito ang singsing.
"Singsing ito ni ina," madamdamin nitong usal.
"Ibinigay sakin ng Hari at ng Reyna ang singsing nila. Basbas nila satin sa pagsasama natin habambuhay dito sa mundong pinili mo para makasama ako,salamat dahiL napakaswerte ko sa kabila ng sakripisyo mo na ipagpalit ang pinagmulan mo para lang sakin..kaya pangako mamahalin at aalagaan kita hanggang sa huling hininga ko," madamdamin wika niya.
Namumula ang mga mata ng dalaga na tumitig sa kanya. Kinuha nito ang isang singsing sa kanya at isinuot sa daliri niya.
"Pinapangako ko din na mamahalin at aalagaan kita hanggang sa huLing hininga ko...at bibigyan ng mga anak na kukumpleto sa pangarap mo na magkaroon ng masayang pamilya," anito.
Puno ng pagmamahal na niyakap niya ang dalaga at hinagip ang mga labi nito na agad nitong tinugon.
"Salamat...salamat at dumating ka sa buhay ko,Sinta.."
Hinaplos nito ang basang pisngi niya na tinatamaan na ngayon ng sinag ng papalubog na araw.
"Nagpapasalamat din ako dahil ikaw ang lalaking itinakda sakin," puno ng pagmamahal nitong sabi.
Muli naglapat ang kanilang mga labi. Puno ng pagmamahal at pangako.
The end
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
WerewolfThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...