Nagtitimpi na hila-hila niya ang dalaga kahit kada-talisod na ito sa suot nitong highheels. Sobrang napahiya siya sa Sinta niya kung hindi siya kaagad nakababa ng mabilis malamang nasaktan na nito ang pinakamamahal niyang Sinta!
Doon nagpupuyos sa galit ang dibdib niya!
Wala sinuman ang may karapatan na saktan ang Sinta niya!
Padarag na binitawan niya ang babae at nabangga ito sa isang bodyguard nito na agad naman nasalo ang dalaga.
"Randy! How dare you to hurt me like this?!!!"inis at galit na singhal sa kanya ni Elisa.
Naniningkit sa galit ang mga mata niya. " Ulitin mo ulit na saktan siya at guluhin siya..sisiguruduhin ko sayo hindi lang yan ang gagawin ko sayo!"tiim-bagang niyang saad.
"I hate you!!! Bakit ba hindi mo ako magustuhan! Maganda naman ako saka mahal na mahal kita!" lumuluha ng turan nito.
Nanatili ang galit niyang anyo. "Sarili mo lang ang niloloko mo,Elisa..umpisa pa lang alam mo na wala kang mapapala sakin kaya tantanan mo na ko!" bulyaw niya rito ng hindi na siya makapagpigil sa galit niya sa kakulitan nito.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "I..hate you!!! Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo ng babaeng yun!!!"padarag na tinulak nito ang isang bodyguard nito at tumakbo patungo sa sasakyan nito.
Humugot siya ng malalim na hininga ng makalma niya na ang sarili. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Nahihiya siya tuloy humarap sa dalaga dahil sa ginawa ni Elisa.
Sheyt! Nagsisimula pa lang na may namumuo sa kanila tapos ganito na agad!
Napasuklay na lang siya ng buhok niya sa sobrang inis.
" Damn..hiyang-hiya talaga ako sa kanya,putek na yan!"bulalas niya.
Nang makaipon na siya ng lakas ng loob pumasok na siyang muli sa loob ng mansion. Agad niya natanawan na nasa hardin ang dalaga.
Pinuno muna ulit niya ng hangin ang dibdib saka siya lumapit sa kinaroroonan ng dalaga.
Tumikhim siya ng makalapit na siya agad naman napalingon sa kanya ang dalaga. Napasulyap siya sa nakahain na almusal sa harapan nito. Wala pa iyun bawas.
"Umupo ka na bago pa lumamig ang kape mo," untag nito sa kanya.
Agad na umupo siya sa katapat ng upuan nito. Kabang-kaba siya pero nahahaluan iyun ng saya dahil mukhang hinintay pa siya nito bago ito kumain.
"Ahm,I'm really sorry to what happen.." simula niya dahil hindi rin naman siya mapalagay na hindi malaman ang saloobin nito sa nangyari.
Binaba nito ang hawak na tasa saka siya tinitigan.
"Kaya ka ba nandirito dahil sa kanya?"
Agad siya tumango. "Oo..kinuha akong engineer ng dad niya pero hindi ko inaasahan na..magugustuhan niya ko ng..sobrang lala..at ng makita kong naoobssess na siya sakin nagresign ako at..umuwi dito. Ayokong masira ang reputasyon lalo na at kinukusinti pa siya ng ama niya bukod sa binantaan pa ko ni Elisa na gagawa siya ng eskandalo kapag hindi ko siya pinatulan kaya...nandito ako pero hindi ko akalain pati dito susundan niya ko," pagkukwento niya sa dalaga.
"Pasensya na dahil sakin nadamay ka sa kabaliwan ng Elisa yun. Pangako hindi na mauulit ito at lalong hindi ko hahayaan na saktan ka niya,"sinsero niyang sabi.
Tumango ang dalaga. " Kung hindi ka pa niya titigilan. Ako ang magpapatahimik sa kanya,"anito.
Nanlaki ang mga mata niya at lalo ng makita niya na seryosong-seryos ito sa sinabi nito.
Napalunok tuloy sya ng di oras.
"Wala sinuman ang pwedeng umagaw sayo na pag-aaari ko na," dugtong nito na kinasinghap niya dahiL tila huminto ang pagtibok ng puso niya sa huli nitong sinabi.
Sa isang iglap ang pangamba na nagsisimula ng umusbong sa dibdib niya dahiL sa pagdating ni Elisa bigla na lamang nawala ng parang bula.
Oh Sheyt!!!!
Kami na ba?!!!
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
Hombres LoboThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...