Chapter 23

2.5K 132 11
                                    

The feeling is so overwhelming. Hindi niya akalain na ganun pala kasarap at kamangha-mangha ang magiging epekto sa kanya ng lalaking itinakda sa kanya. Kahit hindi man niya ipakita rito kung gaano siya natutuwa sa pagtatrato sa kanyang binata pinaparamdam naman niya iyun rito.

"Sana hindi magbago ang lahat satin..alam kong hindi lahat ng oras masaya," usal ng binata sa gilid ng mukha niya kung saan nakasandal siya rito habang pinagmamasdan nila ang pagsikat ng araw.

Sa iisang kabayo na lamang sila sumakay at masarap sa pakiramdam na nakukulong siya sa pagitan ng mga bisig nito.

Ipinaling niya ang mukha sa seryosong mga mata nito. Masasalamin roon ang pag-asam nito.

Paano kung malaman na niya ang totoong ikaw,mahal na prinsesa?

Mataman niya tinitigan ang gwapong mukha ng binata. "Kung mangyari man yun. Bibitaw ka ba?"

"Alam kong hindi,Sinta.." agad na tugon nito.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi..mahal na mahal na kita," puno ng sinseridad nitong saad.

Pero gaano ka niya kamahal kapag nalaman na niya ang totoo?!

"Sana nga..ang pagmamahal na yan hindi magbago..sa oras na..malaman mo kung ano ako," mahina niyang usal sabay baling muli sa harapan.

"Handa kitang tanggapin kung ano man ang ibig mong sabihin,Sinta," anito.

Naipikit niya ang mga mata at tumayo sa harapan nito. Nakasunod ang mga mata nito sa kanya. Nanatili sa unahan ang tingin niya. Tumayo na din ito at tumabi sa kanya. Pareho silang tahimik.

"May kailangan ba kong malaman tungkol sayo?" maya-maya basag nito sa katahimikan.

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa niya kaya sabihin sa ngayon. Nagsisimula pa lamang sila.

"Salamat sa pagmamahal mo,Randy..lagi mo yan pinaparamdam sakin.."tugon niya imbes na sagutin ang tanong nito.

Ngumiti na sa pagkakataon iyun ang binata. "Basta para sa Sinta ko,palagi ko yan paparamdam sayo!"

Hindi na niya pinigilan ang sarili na pukulan ng isang matamis na ngiti ang binata.

Napaawang ang mga labi ng binata na tila nabato-lani ng ngitian niya ito.

"Why?" pukaw niya rito.

Imbes na sagutin siya nito napasinghap siya sa ginawa nito.

Walang ano-ano na sinakop nito ang mga labi niya. Masuyong pinatakan nitong ng halik ang mga labi niya. Puno iyun ng paggalang at pagmamahal.

"Mahal na mahal kita,Sinta.."

Lunod pa siya sa nararamdaman pagmamahal nito sa kanya kaya hindi niya magawa makaimik.

"Hihintayin ko ang araw na sasabihin mong mahal mo din ako," anas nito.

Binulabog siya ng mga katok sa gitna ng pagtulog niya. Naisipan niyang umidlip bago sila lumabas ng wolf niya para magpalipas ng pinagdadaanan nilang in heat.

Nagtataka na may tao sa mansion niya gayun kanina pa umalis ang mga kasambahay niya.

Agad na binuksan niya ang pintuan at ang isa sa kasambahay niya iyun.

"Bakit?"malamig niyang bungad rito.

"Pasensya na,Señorita..pero nakiusap po kasi sakin si Mang Julio na puntahan kayo,nasa baba po siya,"nahihiya nitong tugon.

I feel something bad!

Agad na bumaba siya sa salas at ang hindi mapakaling si Mang Julio ang pabalik-balik ng lakad.

"Mang Julio?"

Agad na lumapit sa kanya ang matanda.

"Pasensya na sa abala..hindi ko na dapat ipaalam pa sayo gaya ng nais ni Randy kaso gusto ko rin naman malaman mo ang nangyari sa kanya," puno ng pag-aalala nito sabi.

What happen?!

"Bakit ho? Anong nangyari kay Randy? Ayos lang po ba siya?" sunod-sunod niyang pagtatanong rito.

"Señorita,noong nakaraan araw kasi kinausap siya ni Erwin,ang anak ng Mayor..kahit hindi sabihin ni Randy. Alam kong pinagbantaan siya nito tungkol sayo," anang ng matanda.

Kapag may masama lang talaga nangyari kay mate! Lalapain ko ang unggoy na yun!

"Anong ginawa niya kay Randy?"tiim-bagang niyang saad.

"Pauwi kanina si Randy sa bahay ng bigla na lamang may motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki na nakabonet at ang isa hinampas ng bakal si Randy at buti na lamang sa gilid lang ng nuo siya tinamaan dahiL naging alisto siya at iisa lang ang alam ko gagawa niyun sa kanya,Señorita,nag-aalala ho ako sa kanya,kayo lang ang alam ko makakatulong sakin lalo pa at isang Mayor ang makakabangga ko sakali man sampahan ko ng kaso ang Erwin na yun,"paglalahad ni Mang Julio na Lalong nagpaigting na umusbong na galit sa ginawa ng lapastanganan na iyun.

"Huwag po kayong mag-aalala,pagbabayaran ng Erwin na yun ang ginawa nya kay Randy,"tugon niya rito.

He's dead!!! Magbabayad siya!

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon