Habang hinihintay ni Prinsesa Khay na matapos sa pagligo si Randy inabala niya ang sarili sa pag-usisa sa mga blue print na nakapatong sa isang mesa ng pumasok siya sa work room ng bahay ng kasintahan.
Nagpasya ang binata na bumalik muna ito ng Maynila at isinama siya. Gusto nito muna asikasuhin ang dapat nitong asikasuhin bago ito sumama sa kanya. Sa mundong-Colai.
Inisa-isa niya ang mga iyun. Namamangha na makitang maganda ang ang illustration na ginagawa nito. Hotel,bahay o mga istablisyemento.
Napakahusay na inhenyero!
Nakuha ng isang blue print ang atensyon niya. May nakasulat sa lalagyan na kulay asul na My Dream House. Alam niyang hindi niya ugali ang makielam ng may gamit pero..curious siya.
Let us see!
Maingat na kinuha niya iyun at dahan-dahan na hinila niya pataas mula sa ibaba na nakarolyong blue print.
Napaawang ang mga labi niya ng masilayan ang nakaguhit roon. Isang two-storey house. Maraming mga linya-linya pero nasisiguro niyang napakaganda ng pagkakadesinyo ng bahay na iyun.
His dream house? Dream house para satin!
"Bago ako magkolehiyo natapos ko na yan," untag ng kasintahan sa kanya mula sa likuran niya.
Agad na humarap siya rito. Nakangiti ito na lumapit sa kanya.
"Sabi ko kapag nakapagtapos na ko at nakapagtrabaho na bilang engineer...ipapatayo ko yan," lahad nito.
Tumitig siya rito.
"Actually,tapos na siya. Yun nga lang hindi ko magawang tirhan kasi may isa pa kong dream,"saad nito.
Mataman siya na tinitigan sa mga mata niya.
" Sabi ko titirhan ko lang yan kapag nahanap ko na ang babaeng makakasama ko habam-buhay,"usal nito.
May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso niya. Hindi pa man sila pinagtatagpo may plano na talaga ang tadhana para sa kanila.
"Iyan din aasikasuhin ko pagkagaling dito. Baka ibenta ko na lang," anito.
Pero dream house niya yun at kasama tayo sa dream niyang iyun! Pinatayo niya iyun para satin!
"Hmm,gutom ka na ba?"pukaw nito sa kanya. Kinuha nito sa kanya ang hawak niya at ibinalik nito iyun sa mesa. Pinagsalikop niyo ang kanilang mga daliri at hinila na siya palabas sa silid na iyun.
"Pwede ko bang makita yun?" tanong niya bago pa man sila makalabas ng bahay nito.
Nilingon siya ng binata. "Yes,of course,Sinta.."
"Gusto ko ngayon,"sabi niya.
Tumawa ito. " Okay,pero brunch muna tayo kasi medyo mahaba ang oras papunta dun,okay?"
Tumango siya. Pinatakan nito ng halik ang nuo niya.
"Excited na tuloy ako ipakita sayo ang dream house ko para sayo,Sinta.." usal nito.
Anim na oras ang tinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa Tagaytay.
Isang private resort ang pinasukan nila.
"Gusto ko itayo ang dream house ko na may matatanaw na karagatan kaya medyo natagalan bago ko naitayo iyun bahay kasi hindi madali makahanap agad ng property dito lalo pa't puro pribado pero dahil naging mabait ako may nahanap ako mag-asawa sila at binibenta na nila ang pag-aari nilang ito," pagkukwento nito. Saglit muna sila bumaba ng kotse at agad na humarap sila sa dagat na hindi kalayuan mula sa pinaghintuan nila.
"Nabili ko ang property na ito sa mababang halaga dahil hindi na rin naman importante sa mag-asawa iyun ang pagbebentahan lalo pa at nakita nila na pursigido ako na maitayo ang dream house ko kaya natupad na yun," patuloy nito saka lumingon sa kanya ang binata.
"That's my dream house for us,Sinta.."
Agad na nilingon niya ang tinitingnan ng binata. Tama siya. Napakaganda ng pagkakagawa ng bahay.
Bawat dingding niyun ay gawa sa salamin. Itim ang kulay ng pader napakaganda ng pagkakacontrast ng kulay sa bawat anggulo ng bahay.
Mas lalo siya namangha ng masilayan ang loob ng bahay. May hand-made pond sa loob..maraming isda sa iba't-ibang kulay ,laki at uri.
"May caretaker ako dito kaya buhay sila," nakangiti sabi ng kasintahan.
Nang akyatin naman nila ang pangalawang palapag agad na dinala siya nito sa master's bedroom. Namamanghang tiningala niya ang kisama na gawa sa salamin.
Pumulupot sa katawan niya mula sa likuran niya ang mga braso ng binata.
"Gusto ko habang magkatabi tayo natutulog sa gabi sabay natin panunuorin ang mga bituin sa kalangitan,magbibilang kapag hindi tayo inantok," anito na binuntutan ng mahinang pagtawa. Mauulinigan sa boses nito na talagang nasa pangarap nito na mangyari iyun!
It's really dreaming!!!
"Nagustuhan mo ba,Sinta?"
Pumihit siya paharap sa kasintahan pero nanatili ito nakayakap sa kanya.
"Salamat...iiwan mo ang lugar na ito na alam kong na isang napakalaking pangarap mo na gusto mong matupad kasama ako..." madamdamin niyang saad.
Ngumiti ito. "Kahit wala na ito kasama ko naman ang babaeng nasa pangarap ko eh," anito.
Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito at tiningala ang salamin na kisame kung saan papadilim na ang kalangitan.
Muli niya ibinalik ang paningin sa binata na nakangiti pa rin sa kanya.
"Gusto ko tuparin ang pangarap mo na makasama ako habang nagbibilang ng bituin kapag hindi tayo makatulog," usal niya.
Nasaksihan niya ang pag-awang ng mga labi ng binata.
"We can stay here,forever,mahal kong Prinsipe.."
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
Manusia SerigalaThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...