Agad na tinaasan niya ng kilay ang hindi inaasahan bisita niya ng kaaga-aga.
"Good morning,Señorita! Pinapasok na po namin kasi sabi niya kaibigan siya ni Randy," untag ng isang kasambahay.
"Sabi po niya nandito daw po si Randy.." may pagdududa turan ng isa pa.
Nagpakawala siya ng hangin at agad naman nahalata ng mga ito na hindi niya nagustuhan ang nakikita niyang reaksyon ng mga ito. Napayuko ang mga ito at pasimple pang nagsikuhan sa isa't-isa.
"Yeah,ang sabi nila hindi naman daw dito nakatira si Randy..so,nagsinungalin ka lang sakin," untag ng bwesita niya.
Malamig ang mga mata na sinulyapan niya ang mga kasambahay niya.
"Iwan niyo na kami," mahina niyang utos sa mga ito at nagmamadaling nagsialisan.
"Nandito ata! Kanino kotse yung nasa labas!"pabulong sabi ng isa ng makapasok ang mga ito sa kusina.
Hay Naku...di lang nainform,hayaan mo na sila...
Hinarap niya ang babae at humalukipkip siya rito. Tinaasan naman siya ng kilay nito pero mababanaag sa mukha nito ang kaba.
" Nandito siya,sinundan mo kami kagabi hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata nito. Halatadong naguilty sa paratang niyang iyun. Tumikhim ito ng makabawi.
"Oo nga..pero hindi naman taLaga kayo live-in partner !"matapang nito tugon.
Pinaningkitan nya ito ng mga mata kaya bahagya ito napaatras.
" N-nasa labas lang ang mga bodyguard ko kaya...hindi mo ako pwede saktan,"turan nito halatadong natatakot na sa kanya.
Sige lang..ayaw madala sa sindak huh!
"Nasa teritoryo kita kaya...pwede kitang saktan,"mariin niyang pagbabanta rito na kinalaki ng mga mata ng babae.
" H-hindi ako natatakot sayo! Sige! Saktan mo ako tignan lang natin kung hindi ka makulong!"singhal nito sa kanya.
Nginisihan niya ito na lalong kinagalit ng babae. Umangat ang braso nito pero hindi siya umiwas sa balak nitong gawin.
Bago pa man siya nito saktan napigil sa ere ang kamay nitong ng sumulpot bigla ang binata sa tabi niya. Nakatiim-bagang ito na hawak-hawak ang pulsuhan ng babae.
"R-Randy..."
"Wala kang karapatan saktan ang Sinta ko,Elisa..baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita," puno ng diin at babala saad ng binata na kinaputla ng babae.
"R-Randy..p-pinagbantaan niya kasi ako! Sasaktan niya ko eh!" pagsusumbong nito.
Tsk! Brat talaga! Kulang siguro sa aruga ang batang yan!!!
Hindi nito pinansin ang sinabi ng babae bumaling sa kanya ang binata.
"Pasensya na,Sinta..kakausapin ko lang siya sa labas," napapahiyang saad nito sa kanya.
Agad naman tumango siya rito.
Marahas na hinila ni Randy ang babae palabas ng mansion niya at nanatili lang siya roon.
Grabe,kay-aga-aga sinisira umaga natin!
Napailing na lang siya at nilingon ang kinaroroonan ng mga kasambahay niya na pasimpleng sumisilip mula sa kusina.
"Ihanda niyo na ang almusal sa Hardin!"
Nataranta ang mga ito at dumeretso na siya patungo Hardin.
"Sabi ko sayo eh! Magkatabi kaya sila! Ihh!!! Kinikilig ako! Bagay sila ni Señorita!"
"Oo nga! Narinig niyo ba? Sinta tawag niya kay Señorita! Ang sweeett!!!"
"Huh! Kaso may kalove triangle! Pero mas maganda pa rin si Señorita!"
Nauulinigan niyang pag-uusap ng mga ito sa kusina.
Kahit na takot ang mga ito sa kanya. Nasa kanya pa rin ang side ng mga ito.
Taasan mo sahod kahit mga tsismosa mga yan love na love ka,mahal na prinsesa!
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
LobisomemThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...