Pawisan man sa ilalim ng sikat ng araw walang pagrereklamo na binubuhat ni Randy ang mga tuyong sanga ng niyog na dadalhin sa tambakan kasama ang ibang trabahador. Malugod naman siya tinanggap ng mga trabahador at natutuwa sa kanya dahil taga-Maynila nga naman siya at mataas ang tingin sa kanya lalo pa sinabi ng tiyuhin niya na isa siyang engineer roon.
"Engineer! Kaya pa ba?!" untag sa kanya ng isang trabahador doon.
Ngumisi siya rito habang pinupunasan ng bimpo ang pawis sa kanyang mukha.
"Oo naman,Pare! Tayo pa ba!" balik-tugon niya rito.
"Uy! Parating na yun mga fans mo! May mga dalang pagkain!" untag ng mas bata sa nauna.
Agad na bumaling siya sa tinutukoy nito. Napailing na lang siya ng makita ang ilang kababaihan na paparating. Mula ng magsimula siya roon doon na rin nagsimula na pagkaguluhan siya ng mga kadalagahan doon.
"Iba talaga kapag gwapo! Dinadayo !" biro ng isa pa na kinatawa ng lahat kaya nakitawa na rin siya.
Natutuwa naman siya sa nakukuhang atensyon mula sa mga babae pero..sa iisang babae lamang ang nakakuha ng atensyon niya.
"Nga pala,Pare..pumupunta ba dito si Señorita Khay?" usisa niya sa isang trabahador na malapit sa kanya.
"Araw-araw...pero sa umaga. Iniikot niya ang niyugan bago magsimula ang lahat dito," tugon nito.
Tumango siya. Kung gusto niya ito makita tama lang na sabayan niya sa paggising ang tiyuhin niya. Hindi kasi siya sanay na maaga gumigising dahiL sa maynila hawak niya ang oras kaya tanghali na siya nagigising,tama lang sa oras ng pagpasok sa trabaho.
"Bakit mo nga pala natanong?" bigla usisa nito.
Ngumisi siya rito.
"Kursanada mo ba?"
Hindi na niya itinanggi rito na kinailing nito. "Marami may gusto sa kanya kalalakihan dito kahit nga yung anak ni Mayor na si Alwyn,gusto manligaw roon kaso..di umubra!"
Natigilan siya. "Talaga? Basted ba agad?"
"Oo..maganda naman talaga si Señorita kaso mukhang may galit ata sa mga kalalakihan," iiling-iling nitong sabi.
"Baka naman choosy lang!"
Natawa ito. "Ligawan mo baka isang tulad mo ang tipo ni Señorita!"panunudyo nito.
Ngumisi siya sa sinabi nito.
Aaminin niya sobrang tinamaan talaga siya sa dalaga. Kahit na kasinglamig pa ng north pole ang kulay tsokolate nitong mga mata mas lalo iyun nakadagdag sa atraksyon nito sa kanya.
Hindi pa siya tinanggihan ng kahit sinong babae.
Pero alam niyang hindi magiging madali na makalapit siya rito dahil mailap ito sa mga tao.
" Ang aga mo gumising?"bungad sa kanya ng Tiyuhin niya.
Pinagtimpla niya ito ng kape. "Gusto ko sana samahan kayo sa kwadra,Tyong.."
Nagdududa na sumulyap ito sa kanya bago nito dinampot ang tasa na may kape.
"Kwadra ba pakay o...si Señorita?"
Natawa siya sa sinabi nito. Napailing ang matanda.
"Okay lang na hangaan mo siya,hijo..pero tandaan mo nasa teritoryo ka niya kaya...mag-iingat ka sa gagawin mo," paalala nito.
Namamangha talaga siya dahil kahit sino makausap niya sa lugar na ito malaki ang respeto ng lahat para sa dalaga.
"Huwag po kayong mag-alala,Tyong..hindi ko kayo pahihiyain," aniya.
Tumango ito. "May tiwala naman ako sayo kaya nga lang...malaki lang talaga respeto namin sa kanya at kahit pamangkin kita ayaw ko lang may masabi siya sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niya," anito.
"Tatandaan ko yan,Tyong," aniya sabay higop sa kape niya.
Excited siya. Iyun ang nararamdaman niya habang inaabangan ang pagdating ng dalaga sa kwadra para kunin nito ang kabayo na ginagamit nito sa paglilibot sa lugar.
Hinihimas niya ang ulo ng kabayo nito ng makita ang pagdating ng dalaga. Natigilan ito ng makita siya pero agad din nagpatuloy.
Walang emosyon ang maganda nitong mukha. Pero hindi niya mapigilan na hangaan ang hitsura nito.
Isang simpleng puting T-shirt at kupas na pantalon na hapit sa mahubog nitong mga hita at binti na pinaresan ng kulay brown na boots. Nakapusod pataas ang mahaba nitong buhok na kasingkulay ng mga mata nito at may iilan hibla ng buhok na tumatabing sa nuo at gilid ng mukha nito. She's so damn beautiful!
Agad siya napukaw ng makita ang pagtaas ng isang makurba nitong kilay.
Napapahiyang ngumiti siya rito. "Magandang umaga,Señorita!"pagbati niya rito.
" Bakit ikaw ang nandito?"
"Ah,tinulungan ko lang si Tyong na tignan ang mga kabayo,Sin--Señorita!"
Kumunot ang nuo nito. Lumapit ito sa kabayo at agad na tumibok ng mabilis ang puso niya na kanina pa nagwawala!
Hell!
Kinuha nito ang tali ng kabayo na hindi siya sinusulyapan.
Bakit ang ganda pa rin niya kahit ang cold niya?!
Lalo lang siya naaakit dito!
Nakasakay na ito sa kabayo at bago pa man ito makaalis mabilis siyang nagsalita.
"Pwede ko ba kayong samahan sa pag-iikot niyo?"
Natigilan ito at tumitig sa kanya ang malalamig nitong mga mata.
"Uh,gusto ko lang maging pamilyar sa lugar..since bago lang ako rito at samantalahin ko na ang permiso mo na maikot ang lugar na ito na...kasama ka--yo,"patuloy niya.
Kinakabahan siya sa bawat segundo na dumadaan na hindi ito nagrireak.
Damn! Rejected na ata agad!
"Kung marunong ka mangabayo,sumunod ka," maya-maya tugon nito bago siya talikuran nito sakay ng kabayo nito.
Walang ingay na napa-Yes siya sabay suntok sa hangin.
Damn! Magandang simula ito!
"Buti na lang marunong kang sumakay ng kabayo," untag ng tyong niya na nasa likuran pala niya. Nakangisi ito.
"Buti na lang,Tyong!" excited niyang tugon.
Napailing na lang ang tiyuhin niya at mabilis na namili ng kabayo gagamitin.
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
Hombres LoboThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...