Chapter 15

2.6K 111 3
                                    

Hindi halata na pinaghandaan,Mahal na prinsesa!

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan niya sa harap ng salamin sa loob ng closet niya. Suot niya ang kulay brown na sleeveless na bestida na lagpas hanggang tuhod ang haba. Ang buhok naman niya ay pinusod lang niya at hinayaan na lang niya ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali.

She don't need anything to color her face. Natural ng mapupula ang mga labi niya. Ang mga mata naman niya nalalambungan ng mahahaba at makapal na pilik-mata kaya aakalain ninunam na binahiran iyun ng eyeliner. She's have a deep-set brown eyes.

Ang mga matang iyun na nakikita ng binata sa lobong kinikitaan nito tuwing gabi sa niyugan.

Lalo lang niyan maiinlab sayo si Mate!

Naipilig niya ang ulo. In love? Hindi ba gusto lang siya?

Agad siya napukaw ng marinig ang boses ng binata mula sa labas ng mansion niya.

He's here!

Agad na nagwala ang puso niya at nabuhay ang natutulog niyang dugo sa katawan.

Uh-oh! In heat tayo..sana hindi makagambala yun sa date niyo!

Humugot siya ng malalim na hininga. Kinalma niya ang sarili bago siya lumabas ng kanyang silid.

"May date kayo ni Señorita?" Sabi ng isa sa kasambahay niya. Mahihimigan ang hindi pagkapaniwala roon.

"Uh,may dinner kami.." tugon ng binata.

"Dinner date nga,Dayday!" tila kinikilig ng isa pang kasambahay niya.

Walang kamalay-malay ang mga ito sa walang ingay na pagbaba niya sa hagdanan patungo sa salas kung saan naroroon ang mga ito.

Oh! Bagay na bagay kayo ni mate! Ang gwapo niya!

Isang kulay asul na polo shirt ang suot nitong pantaas na pinaresan ng itim na pantalon at kulay itim na sapatos. He looks so manly on his get-up. Lalaking-lalaki ang tindig.

Ang buhok naman nito mukhang sinuklay lang gamit ang mga daliri nito.

"Ang gwapo mo talaga,Randy!"sabi ng isa sabay hagikhikan ng mga ito.

Tumikhim siya para kunin ang mga atensyon nito at sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat.

Isang iglap bigla nagkanya-kanya ng gawa ang mga kasambahay niya. May nagpupunas sa center table gamit ang apron nito. Ang isa naman pinapagpagan ang throw pillows at ang tatlo naman hindi magkandaugaga kung ano ang gagawin.

Ang mga daga nagkakagulo na naman...kasi dumating ang pusa. I mean,ang lobo..

" hi..."untag sa kanya ng binata. Titig na titig ito sa kanya at puno ng pagkamangha ang mga mata nito.

"Wow...ang ganda mo talaga,Sinta.." tila wala sa sarili usal ng binata.

Agad na sinulyapan niya ang mga kasambahay niya na impit na tumitili pero ng makita tumingin siya sa mga ito mabilis pa sa hangin na nawala ang mga ito.

"Aalis na tayo o aalis na tayo?" untag niya sa natulala ng binata.

Napapahiyang napakamot sa ulo ang binata.

"Yeah,let's go now," anito sabay lapit sa kanya.

Pinigilan niya na mapasinghap ng malakas ng walang ano-ano hawakan siya nito sa siko.

Agad na nakaramdam siya ng pag-iinit.

Ugh,kalma lang!

Gustuhin man niya na alisin ang pagkakahawak nito sa kanya pero nagugustuhan naman iyun ng...katawan niya.

Gusto niya ang pakiramdam na madikit ito sa kanya. Ang balat nito sa balat niya.

Ahh! Hot hot hot!

Mariin na naikuyom niya ang mga palad. Ayaw niyang masira ang kauna-unahang pagkakataon ito na makasama ang lalaking itinakda sa kanya.

Alam niya na hindi na maitatanggi pa na sa simula pa lang ay hinayaan na niya ito sakupin nito ang buong sistema niya...ang isip..katawan at ang puso niya.

Ganun kalaki ang koneksyon nila ng binata. Tila ito ang kalahati ng kanyang buhay.

"I want to say in proper way..na..you are really so beautiful,Khay.." pukaw sa kanya ni Randy ng makalabas sila sa mansion niya.

"Thank you," kalmado niyang tugon rito.

Natigilan siya ng makita ang isang kulay itim na kotse. Nilingon niya ang binata at bahagya ito yumukod at nilahad ang isang palad ng buksan nito ang pintuan sa passenger seat.

Hi-hi..prinsesang-prinsesa ah!

Kalmado siya sumakay ng kotse. Saka niya pinakawalan ang pigil na hininga. Hindi niya alam na ganito katindi ang magiging epekto ng lalaking itinakda sa kanya.

And yeah,this is it! Dating with our mate!

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon