Chapter 1

3.3K 117 5
                                    

Tahimik na nakaupo sa isang burol si Prinsesa Khay habang hinahintay nito ang pagsikat ng araw. Nakasanayan na niya bago pa sumikat ang araw ay iniikot na niya ang malawak na lupain na pag-aaari niya;ang pag-aaari ng kanyang ama. May mga pananiman din ng mga gulay,manggahan at niyugan. Hindi niya inaasahan na mas napalawak pa iyun ni Zei.

Ayon rito dumadami ang mga tao na naninirahan sa lugar na iyun kaya marami din ang nangangailangan ng trabaho at  makakatulong ang lupain nila para mabigyan ng maganda at maayos na pamumuhay ang mga nakatira roon.

Umingit ang kabayo dala niya sa tuwing nililibot niya ang buong lugar. Isa ito sa mga kabayo sa kwadra na inaalagaan noon ng kanyang ama. Nakatali ito sa isang puno ilang hakbang pababa mula sa kinauupuan niya. Sabi ni Zei may alagang kabayo ang kanyang ama noon pero namatay na iyun marahil dahiL sa lungkot mula ng umalis ang ama niya pabalik sa mundong-Colai.

Binalik niya ang atensyon ng sumisilip na ang araw. Naging maganda naman ang pamamalakad niya sa lugar mula ng ipaubaya sa kanya ni Zei iyun. Nirerespeto at kinatatakutan siya ng mga trabahador niya.

Hindi man gustuhin na ganun ang tingin sa kanya ng mga tao roon  na katakutan siya kailangan niya gawin upang maaga pa lang alam na ng mga ito kung sino siya at hindi siya basta-basta anak lang ng dating may-ari ng lugar na ito.

Inipit ni Prinsesa Khay ang ilang hibla ng buhok niya ng tumabing iyun sa mata niya ng umihip ang hangin sa likod ng tainga niya.

Tuluyan ng sumikat ang araw at dumadampi na sa balat niya ang sikat ng araw.

Isang panibagong araw na naman na dumagdag sa pananatili niya sa mundong ito.

"Magandang Araw,Señorita!" agad na pagbati sa kanya ni Mang Julio ang siyang nagbabantay sa kwadra.

Agad na kinuha nito ang kabayong dala niya.

"Magandang umaga," maiksi tugon niya. Hinimas muna niya ang kulay brown na balahibo ng paborito ngyang kabayo bago ito tuluyan ibalik ni Mang Julio sa kwadra.

"Señorita,may gusto po sana ako sabihin sa inyo,"anang ni Mang Julio.

Agad na humarap siya rito. Halatang nag-aaalangan pa ito pero naglakas-loob lang magsabi sa kanya. Tinanguan niya ito.

" Ano ho yun,Mang Julio?"

Nahihiyang napakamot ito sa ulo. "Uh,dumating po kasi mula sa manila ang pamangkin ko at...magbabakasakali po sana ako na ipasok siya bilang trabahador sa inyo?"

"Kung kailangan niya ng trabaho,papuntahin niyo ho siya rito saka ako magdedesisyon kung saan ko siya pwede ilagay," aniya.

Agad na tumango ang matandang lalaki.

"Sige ho,Señorita ! Papupuntahin ko ho siya rito pagkatapos ng pananghalian!"masigla turan nito.

Tinanguan niya ito saka siya tuluyan dumeretso sa mansion niya.

Malayo pa lang nagkakagulo na limang kasambahay na inabala ang mga sarili sa paglilinis. Kung tutuusin di na niya kailangan ang mga ito pero sabi ni Zei isa iyun trabaho na kailangan ng mga ito.

" G-Good Morning,Señorita!"sabay-sabay na pagbati ng mga ito sabay yuko ng mga ulo.

Tinanguan lang niya ang mga ito at nilagpasan na para umakyat sa pangalawang palapag patungo sa silid niya.

"Señorita,nasa Hardin na po ang almusal niyo,"pahabol ng isang batang kasambahay.

Nilingon niya ito nang nasa tuktok na siya ng hagdanan agad na napayuko ito ng ulo ganun din ang mga kasama nito.

" Hindi ko gusto na malamig ang kape ko,"aniya.

"Opo,Señorita," Nakayuko pa rin nitong tugon.

Walang tugon na dumeretso na siya sa silid niya.

Wala na siya magagawa kung palaging takot sa kanya ang mga ito.

Mainam na rin siguro yun upang mas maging masipag pa ang mga ito.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon