Chapter 31

2.5K 118 4
                                    

Usap-usapan ang pagkakakulong ni Erwin sa buong lugar. Sa kahihiyan na dinulot niyun ay nagbitiw sa puwesto bilang Mayor ang ama nito. Ayon sa nakarating na balita sa kanya ay nahuli itong gumagamit ng droga kasama ang mga kaibigan nito.

"Mabuti nga sa mga iyun! Mga salot sa lipunan!" bulalas ng tiyuhin niya na tuwang-tuwa sa pagkakakulong ni Erwin.

"Diyos na ang gumawa ng paraan para parusahan ang Erwin na yan," dagdag nito.

Alam niyang may kinalaman si Zei at ang ama ng kasintahan sa pagkakakulong ni Erwin at ng mga kaibigan nito.

Tahimik lang siya nakikinig sa tiyuhin dahiL kanina pa siya hindi mapakali. Pakiramdam kasi niya parang sinisilaban ang buo niyang katawan. Wala naman siyang sakit!

"Mainit ba? Bakit pinagpapawisan ka? May sakit ka ba?"puna ng tiyuhin sa kanya.

"Wala naman,tiyong. Uh,ililigo ko na lang ulit,"sagot niya.

Nagdududa na tinitigan siya nito at agad na tumayo siya para hindi na mausisa pa.

Isang oras ata siya nagtagal sa maliit na banyo pero mainit pa rin ang pakiramdam niya!

Agad na sumingit sa alaala niya ang ininom na inumin. Hindi kaya itong nararamdaman niya ay epekto niyun?!

May isang parte ng katawan niya ang nabubuhay.

Mariin niya naipikit ang mga mata.

Sinta...

Sheyt..

Napaawang ang mga labi niya. Hindi kaya...Sheyt!

Tila siya pinanuyuan ng lalamunan ng may naglaro sa isipan niya. Isang eksena na lalong nagpaliyab sa pakiramdam niya.

" Tanggala! Napano ba ko?!"

Pinilit niyang matulog. Hindi na muna sila nagkita sa niyugan gaya ng nakasanayan nila gabi-gabi dahil pinilit niya na magpahinga ito dahil nag-aalala pa rin siya sa tinamo nitong sugat kahit ng pinakita na ng dalaga na tuluyan na iyun naghilom.Maaga siya gigising para magkita sila ng Sinta nya pero malakas...malakas ang tama ng init sa sistema niya kaya namalayan na lamang niya na nasa harapan na siya ng mansion. Hindi niya alam kung aabalahin pa niya ang dalaga pero..hindi talaga siya mapakali hanggat hindi ito nakikita.

Marahas siyang napahilamos sa mukha niya.

"Kalokohan talaga itong pinaggagawa ko," usal niya.

Makailan beses pa siya nagbuntong-hininga bago niya pinilit ihakbang ang mga paa paalis roon.

"Randy..."

Agad na napapihit siya ng makita ang Sinta niya. Mukhang galing ito sa labas.

"Sinta.." anas niya. Napapahiyang napakamot siya sa ulo niya. "Ewan ko..ang..ang sama kasi ng pakiramdam ko," sabi niya rito.

"Gusto lang kita sana makita pero..di ko talaga maintidihan,wala naman akong lagnat!"

"DahiL yan sa ininom mo," anito sabay kagat sa pang-ibaba labi nito. Napatitig siya roon at lalo siya nakaramdam ng pag-iinit.

Sheyt!

"Gusto ko ng malamig na tubig," bulalas niya habang nakatitig pa rin sa mga labi ng dalaga.

"Bibigyan kita," anang ng dalaga.

Magkasunod na pumasok sila sa mansion pero..gago na kung gago. Hindi na niya napigilan ang sarili na haltakin ang dalaga at isandal ito sa gilid ng pintuan at mariin na sinakop ang mga labi ng dalaga na agad naman tumugon sa kanya na lalong nagpalagablab sa init na nararamdaman niya.

He know!

He's in heat!



TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon