Hindi na nakatanggi si Randy na ayain siya makipag-inuman sa mga ka-trabaho niya. Icelebrate daw nila ang pagiging kasintahan niya sa Señorita. Hindi matapos-tapos ang panunukso sa kanya.
Napapailing na lang siya sa mga ito at hindi rin naman niya maikukubli sa mga ito ang katuwaan niya.
"Sabi na talaga eh! Ganitong mukha ang magpapaamo kay Señorita eh!" medyo lasing ng turan sa kanya ng isa habang nakaakbay sa kanya.
Sa may tindahan sila na malapit lang sa bahay ng tiyuhin niya sila nagkainuman. Mabuti na lang hinay-hinay lang siya sa pag-inom at binilinan din ng mga ito ng kanyang tiyuhin na huwag siyang masyadong lalasingin.
Tinanggap niya ang baso na tinagay sa kanya ng katabi.
"Basta ah! Kapag kinasal na kayo imbitado kami lahat ah!" panunudyo pa rin ng mga ito.
Sa gitna ng tuksuhan may humintong itim na kotse at sabay-sabay sila napasulyap roon.
"Oh,anak ni Mayor yan ah?" bulalas ng katabi niya.
Sa kanya nakatingin ang bagong babang lalaki na anak daw ng Mayor. Lumapit ito sa kanila at agad naman ito binati ng mga kasama niya sa mesa.
"Ikaw si Randy,tama?"deretsahan nitong pagtatanong sa kanya.
Agad na tumango siya at naglahad ng kamay pero hindi iyun tinanggap ng lalaki.
Tahimik lang ang mga kasama niya sa mesa na tila nakaramdam ng tensyon sa pagdating ng lalaki.
Kalmante lang siya na binaba niya ang kamay at tinapatan ang mapanuring mga mata ng lalaki.
" Pwede ka bang makausap sandali?"
Sinulyapan niya ang mga kasamahan na tila hindi sang-ayon sa anyaya ng lalaki.
Tumango siya at agad na sumunod rito.
"Pare,dito lang kami.." pabulong na saad ng katabi niya bago pa man siya makalayo sa mga ito.
Isang ngiti at tango ang tinugon niya rito.
"Bagong salta ka lang dito,tama?" untag kaagad nito ng makalapit siya rito. Sa kabilang kalsada sila pumuwesto sa tabi ng punong-mangga na may upuan na kahoy. Nakatanaw naman sa kanila ang mga kasamahan niya. Nakita niya na umalis ang isa sa mesa.
"Pamangkin ako ni Tito Julio," tugon niya.
Nagsindi ito ng sigarilyo. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa..umalis ka na sa lugar na ito at layuan si Khay,"may himig ng pagbabanta nitong sabi kasabay ng pagbuga nito ng usok.
Naikuyom niya ang mga palad pero kalmante lang siya na nakipagtitigan sa lalaki.
"Bakit ko naman gagawin yun?"deretsahan niyang tugon rito.
Naningkit ang mga mata ng lalaki. Humitit muna ito sa hawak na sigarilyo bago siya nito sinagot.
" Anak ako ng Mayor ng lugar na ito at inaaari mo ang babaeng pag-aaari ko,"tugon nito.
Matapang na napangisi siya sa sinabi nito. Mabuti na lang nagatungan ng ininom niyang alak ang tapang niya o kahit hindi siya nakainom siguradong hindi niya uurungan ang isang ito kahit anak pa ito ng pangulo ng bansa!
Para sa Sinta niya hindi siya magpapasindak kaninuman!
"Pagkakaalam ko hindi mo siya pag-aaari,Sir...ako ang nagmamay-ari sa kanya," matapang niyang sagot rito at hindi na siya nagulat ng bigla na lamang nitong daklutin ang kwelyo ng T-shirt niya pinatili niya ang matapang na ngisi sa mga labi niya.
Nanlilisik ang mga mata nito. Puno ng galit ang mga mata nito. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na napatayo ang mga kasama niya sa mesa at hindi alam kung lalapitan ba sila o hindi.
"Baka hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo,dayuhan!" mariin nitong sabi.
"Hindi mo rin kilala kung sino ang pinagbabantaan mo,Sir," tugon niya na ngayon ay matalim na rin ang mga mata niya rito.
"Sir Erwin!"
Agad na napatingin sila sa nagmamadali na tito Julio niya.
May pag-aaalala sa mukha nito na lumapit sa kanila at doon na din nagsilapitan ang mga kasamahan niya.
Dahan-dahan na binitawan siya ng lalaki at tinapik-tapik ang balikat niya.
"Hindi pa tayo tapos..." mahina at puno ng babala saad nito sabay mabilis na sumakay ng kotse nito.
"Randy.." untag ng tiyuhin niya.
"Ayos ka lang,Pare? Anong sinabi sayo?" usisa ng mga ito.
Nginitian niya ang mga ito. "Ayos lang ako,mga Pare ..huwag kayong mag-alala,everything is under control!" pagbibiro niya sa mga ito na may pagdududa sa mga mata ng mga ito.
"Alerto ka,Randy..malaki ang tama ng Erwin na yun kay Señorita!" may pag-aalala pa rin turan sa kanya ng tiyuhin niya ng makauwi sila ng bahay.
"Ginagawa ba niya yan kapag may lumalapit kay Sinta,Tiyong?"
"Oo,Randy..akala niya lahat ng naninirahan dito hawak niya sa leeg porket anak siya ng Mayor ng lugar na ito!" disgusto sagot nito.
Naikuyom niya ang mga palad. "Huwag kayong mag-alala,tiyong,hindi naman ako natatakot sa kanya," aniya.
"Kahit na! Basta mag-iingat ka at kailangan din kita subaybayan baka gawan ka ng kagaguhan ng Erwin na yun!" may galit na nitong turan para sa Erwin iyun.
Subukan lang niya at magkakaalaman sila ng lalaking yun!
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
LobisomemThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...