Chapter 5

2.9K 103 3
                                    

Masaya ako sa pagpayag mo,prinsesa!

Pinakiramdaman ni Prinsesa Khay ang pagsunod sa kanya ng binata lulan ng isang kabayong itim na hindi nililingon ito.

Marunong mangabayo,magaling!

Pinahinto muna niya ang kanyang kabayo upang hintayin ang lalaki.

"Medyo..kinikilala pa ko ng kabayo na'to!"anito na may ngiti sa mga labi nito.

Nilibot ng mga mata nito ang buong kapaligiran. Napapalibutan sila ng nagtatayugan puno ng mga mangga.

"Hindi ako mahilig kumain ng mangga pero...look at them! Nakakatakam sila tingnan ang daming bunga!"untag nito at naniningkit ang mga mata nito na tinatanaw ang mga bunga dahil may kadiliman pa ang paligid.

She just look at him. Agad din ibinaling ang mga mata sa unahan ng ibabalik nito sa kanya ang mga mata nito.

"Ikaw ba,Señorita,mahilig ka ba sa mangga?" pagtatanong nito na kinabaling niya rito.

"May health benefits ang mangga kaya kumakain ako," tugon niya.

Tumango ito. "Kung ganun,kakain na ko ng mangga magmula ngayon," usal nito ng bumaling ang tingin sa mga punong mangga.

Hindi niya alam kung sinadya ba nito iyun sabihin ng malakas o dapat pabulong lamang yun.

Pagkaraan nila maikot ang manggahan sa may niyugan naman sila dumako. Medyo nahirapan ang lalaki sa dala nitong kabayo marahil na rin hindi naman sanay ang kabayo gamit nito sa hindi ganun kaliwanag ng lugar.

"Hey,buddy..maiiwan na tayo oh! Nakakahiya naman!"pabulong nitong sabi mula sa likuran niya.

Napabuga siya ng hangin. Namalayan na lang niya bumababa na siya sa kabayo niya.

"Hindi sanay ang kabayo yan sa may kadiliman," sabi niya sa binata na kinakamot nito ng ulo.

"Pasensya na,alam kong abala ako sa pag-iikot mo," anito.

"Ngayon lang ito kaya samantalahin mo na ang pang-aabala mo," malamig niyang tugon sabay hakbang na.

"Bakit ba ang ganda niya pa rin kahit may pagkacold siya?" pabulong nitong sabi.

Pinigilan niya lingunin ito at komprotahin. Hindi niya nanaisin na magtaka ito kung paano niya iyun narinig gayun malayo na siya rito.

Mukhang may tama ata si mate sayo,prinsesa..

Hindi niya tinugon ang sinabi ng wolf niya. Aminin man niya o hindi. Alam nila ng wolf nila ang nararamdaman nila para sa lalaki.

Nasa kalagitnaan na sila ng niyugan ng makaramdam sila ng wolf niya.

Agad na nilingon niya ang isang puno ng niyog gamit ang mga matatalas niyang paningin. Unting-unti tumutumba ang isang puno ng niyog.

Si mate!!!

Walang kamalay-malay ang lalaki sa papatumbang punong iyun.

Come on! Babagsakan siya!

Anuman segundo ang tuluyan ng babagsak ang puno. Ang masama pa dun huminto pa sa paglalakad ang lalaki habang hila-hila nito ang kabayo. Tila ba may naramdaman ito. Marahil dahil sa pag-ingit ng punong iyun.

Sakto pagtingala nito marahil natukoy na nito ang ingay na naririnig nito ng pabagsak na iyun sa kinatatayuan nito.

Mabilis pa sa hangin na nakalapit siya sa kinaroroonan ng binata at buong lakas na binalya ang punong iyun sa anyong lobo niya.

Ang pagkabigla sa mukha ng binata ay lalo pang nadagdagan ng makita kung ano ang nasa harapan nito.

Matiim na nakatitig ang anyong lobo niya sa gulat na gulat na mga mata nito at bago pa man ito makakurap mabilis na nilisan niya ang lugar na iyun.

Nakita na niya ko!

Mabilis na sinusuot ng lobo ang bawat awang ng mga punong niyog hanggang sa makarating siya sa may burol kung saan malapit na sumikat ang araw.

Umihip ang pang-umaga hangin at mabining tinangay na tila alon ang makakapal na balahibo ng lobo. Isang matingkad na kulay brown na balahibo na bumabalot sa kabuoan ng lobo.

Tama ba na nagpakita tayo sa kanya ng ganun kabilis?

Buhay niya ang nakasalalay,prinsesa!

Alam ko..pero..he looks so shock.

Shock lang hindi takot,prinsesa!

We have to go back at him.

Masusunod,mahal na prinsesa.

Tuluyan ng lumiwanag ang paligid at naririnig niya ang boses ng binata na hinahanap siya.

Napabuga siya ng hangin.

"Señorita?!"

"Nandito ako," pagpakita na niya rito.

Hindi siya kaagad nakahuma ng bigla na lamang siya nito yakapin at puno ng pag-aalala ang boses nito.

"Akala ko napahamak ka na! Nag-alala ako sayo ng sobra! May..may malaking hayop kanina,baka..napahamak ka dahil dun!" puno ng pag-aalala nitong turan.

Agad naman siya nakabawi mula sa pagkabigla sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. Mabilis din naman natauhan ang binata sa inakto nito dahil nakahawak ito sa magkabila niyang braso.

"I...I'm sorry..nag-alala lang talaga ako ng sobra dahil bigla ka nawala kanina," anito sabay distansya at bitaw sa kanya.

Pinasadahan siya nito ng tingin sa kabuoan niya at bahagyang nagsalubong ang kilay may sasabihin pa sana ito pero may mga tao ng dumating at agad na napansin ang bumagsak na puno.

Sinamantala niya iyun upang hindi na nito ungkatin pa ang tungkol sa malaking hayop na nakita nito.

"Mabuti pa bumalik na tayo..kung may masakit sayo agad ka magsabi para maagapan," malamig niyang saad rito sabay lapit sa kinaroroonan ng kabayo niya.

"Ganun lang siya mag-aalala sakin? She's not worried to what happen to me awhile ago, "bulong nito na may himig na pagkadismaya.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon