Chapter 28

2.6K 140 19
                                    

I miss him...

Matamlay ang anyong lobo ni Prinsesa Khay. Minabuti na lamang nila manatili sa silid habang nilalabanan ang pag-atake na naman in heat nila. Nakadapa ang lobo sa may paanan ng kama sa ibaba ng sahig na nasasapinan ng kulay brown na carpet. Nakapatay ang ilaw kahit hindi pa sumisilip ang liwanag ng buwan mas lalo lamang lumala ang pakiramdam na iyun dagdag pa ang papahilom nilang sugat.

Nagpaalam ang Hari sa kanya na may pupuntahan ito kasama si Zei. Alam niyang inaasikaso nito ang nangyaring gulo.

Mahinang napaangil ang lobo.

Sana sinakmal ko na siya hanggang sa maghiwa-hiwalay ang mga kamay,ulo at paa niya!

Galit na galit ang lobo sa lalaki iyun na nanakit sa mate nila.

Paano na lang kung ang mate nila ang tinamaan ng baril na iyun?

Huh! Magkakamatayan talaga!

Pinakalma ng prinsesa ang kanyang lobo. Kung hindi lamang sila iisa malamang balikan nito ang Erwin niyun para tuluyan dahiL sa tinamo nilang sugat.

Rest,wolf...

Napabuga siya ng hangin ng makabalik siya sa anyong-lobo niya. Agad na dinampot niya ang brown na roba niya at sinuot iyun para takpan ang kahubdan niya. Nang maibuhol niya ang tali niyun sa harapan niya napalingon siya sa bukas na pintuan.

Nagtama ang mga mata nila.

Mate!!!!!

Maang at nakaawang ang mga labi ng binata habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.

Naiwan nakabukas ang pintuan ng silid niya at iyun ang bagay na pagkakamali niya.

Naikuyom niya ang mga palad. Pilit na pinatitibay ang sarili sa nagsisimula ng pag-usbong ng takot at pangamba ngayon nakita na nito ang tunay niyang pagkatao.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong rito.

Tila doon lang natauhan ang binata. Napakurap-kurap ito at mababanaag sa gwapo nitong mukha ang pagkalito.

"S-Sinta..."

Mas lalo niya pinukulan ito ng malamig na titig. "Ginagambala mo ang pamamahinga ko,umalis ka na," pagtataboy niya rito.

Napamaang ito sa sinabi niya. Tinalikuran niya ito dahil ayaw niyang makita nito ang totoong nararamdaman niya.

Ito na ang pinakamahirap sa lahat..pero malalaman at malalaman din naman niya.

"Isa kang...lobo,"bulalas nito.

Naipikit niya ang mga mata nanatili nakatalikod rito.

" Ikaw..yung kaibigan kong lobo,"muli nitong bulalas na mas kinakausap ang sarili kaysa sa patanong iyun sa kanya.

Hindi siya nagreak. Natatakot siya.

Tumahimik ang paligid. Alam niyang naroroon pa rin ang binata.

Nahigit niya ang hininga ng maulinigan niya ang paglapit ng yabag nito sa likuran niya. Tanging ingay ng tibok ng puso niya ang naririnig niya. Nakakabingi yun!

"Sinta...tama ako hindi ba?"

Mas lalo niya naikuyom ang mga palad.

"T-tama ka...ngayon..gusto kong layuan mo na ko,"usal niya.

Napasinghap siya ng bigla na lamang siya nitong yakapin mula sa likuran niya.

"Bakit ko gagawin yun?"may hinanaing sa boses nitong tanong sa kanya.

" Wala akong pakielam kung ano ka pa. Sa tingin mo ganun lang kababaw ang pagmamahal ko para sayo? Mali ka,Sinta...tatanggapin ko kahit ano ka pa,"saad nito sa gilid ng leeg niya.

Gusto niya umiyak sa mga sinabi nito hanggang sa namalayan na lamang niya na may tumutulong luha sa mga mata niya.

"Huwag mo sana akong ipagtabuyan dahil lang sa nalaman ko...pangako,habang nabubuhay ako walang makakaalam kung ano ka..at habang nabubuhay ako..ako at ako lamang ang makakaalam ng isang tulad mo. Isang napakaespesyal na nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko," anito na mas lalo humigpit ang pagkakayakap sa kanya. Sa takot na baka ipagtulakan niya ito.

"Mahal na mahal kita,Sinta. Nakikiusap ako,gusto kong manatili sa tabi mo,makasama ka,poprotektahan kita gusto ko bumawi sayo sa ginawa mong pagsugal ng buhay mo para sakin handa ko din ibuwis ang buhay ko para sayo,"usal nito.

Mas lalo bumuhos ang mga luha niya sa mga sinabi ng binata.

" Baliw ka.."usal niya sa pagitan ng pagluha niya.

"Mas mababaliw ako kung palalayuin mo ako at hindi ko gagawin yun,Sinta. Tandaan mo yan kahit lapain mo pa ako," seryoso nitong saad.

Hindi niya napigilan ang matawa ng mahina sa huli nitong sinabi.

Pinaharap siya ng binata. Agad na pinunasan nito ang basa niyang pisngi. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa pagitan ng mga palad nito.

"Mahal na mahal kita,Sinta..Ito ang huling beses na luluha ka hindi na yan mangyayari habang nasa tabi mo ako" madamdamin saad ng binata.

"M--mahal kita,Randy.."

Ngumiti ang binata. "Yes! Sa wakas nasabi mo rin ! Wala ng bawian yan ha," anito sabay halik nito sa mga labi niya ng puno ng pagmamahal.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon