Chapter 24

2.4K 122 9
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Randy habang hinihintay ang kanyang Tiyong Julio. Saka lang siya makakalabas ng ospital pagkadating nito dahil binilinan ng huli ang nurse na umassist sa kanya na maghintay siya rito bago siya makalabas roon. May palagay siya na pinuntahan nito si Khay para ipaalam ang nangyari sa kanya.

Alam niyang hindi siya natatakot sa Erwin na yun. Kahit  gumamit pa ito ng dahas para layuan niya ang dalaga ay hindi siya magpapasindak rito.

Naikuyom niya ang mga palad. Napangiwi siya ng kumirot ang sugat na tinamaan ng bakal na pinamalo sa kanya.

"Randy.."

Agad na tumayo siya ng dumating ang tiyuhin niya.

"Si Khay?" agad na pagtatanong niya rito. Sumulyap pa siya sa likuran nito at baka kasunod lamang nito ang dalaga.

"Hinatid lang niya ako rito at umalis din," tugon nito.

Agad siya nakaramdam ng pagkadismaya.

"Sabi niya pupuntahan niya ngayon si Erwin. Sabi ko sa munisipyo na lang kaso...hindi niya ko pinakinggan,"aniya.

Ang pagkadismaya na naramdaman niya ay agad napalitan ng pangamba ang pag-aalala.

"H-ho? Baka ho anong gawin sa kanya ng tarantadong yun?!" nagpapanik na niyang turan.

"Hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan,hijo..kasi,nasa hitsura niya na hindi niya palalagpasin ang nangyari sayo," may pangamba na rin turan ng tiyuhin niya.

Naikuyom niya ang mga palad. May masama lang mangyari sa Sinta niya. Magkakamatayan talaga sila ng Erwin na yun!

Walang sabi-sabi na iniwan niya ang tiyuhin. Tiim-bagang siya lumabas ng ospital. Hindi naman kaagad nakasunod ang tiyuhin niya.

"Pare! Randy!" pagsunod ng tricycle sa gilid niya habang mabilis ang hakbang niya.

"Pupuntahan sana kita para kamustahin ng malaman ko ang nangyari sayo kanina!"

Huminto siya at hinarap ito. "Alam mo ba kung saan ko makikita si Erwin?"

"Ha? Bakit? Huwag mong sabihin reresbakan mo? Pare,delikado yan!"

"Pinuntahan siya ni Sinta,"tiim-bagang nyang saad.

" Sigurado ka?! Naku! Delikado yang ginawa ni Señorita! Halika,sumakay ka ihahatid kita dun sa tambayan nila ng mga kaibigan niya!"agad na anyaya nito.

Agad na sumakay siya. Alalang-alala na siya sa dalaga. Huwag lang talaga magkamali ang gagong yun sisiguruduhin niyang dadanak ng dugo ngayon gabi!

Sa isang club house huminto ang tricycle ng kaibigan. "Pare,dito ko na ihinto sakali magkaproblema makakatakbo agad ako para makahingi ng tulong," untag ng kaibigan.

Sinuyod niya ang buong paligid. Wala ng mga tao kapag gabi na dahil sinosolo daw ng mga kaibigan ni Erwin ang buong lugar wala nangangahas na tumambay roon sa takot na makursunadahan ng mga ito.

Patakbo ang ginawa niya dahil sa sobrang pag-aalala niya sa dalaga. Humihingal na huminto siya sa isang open-house.

Agad siya natigilan ng makita niya ang nadatnan roon.

"Babarilin kita kapag lumapit ka sakin!" sigaw ni Erwin habang nakatutok sa kaibigan niyang lobo ang hawak nitong baril.

Hindi!

"Ibaba mo yang hawak mo!" agad na pumagitna siya. Hindi siya papayag na saktan nito ang lobo!

"Papatayin ko yang halimaw na yan!"

Doon lang niya nakita na may tumutulong dugo sa gilid ng mukha nito.

"Hindi ko hahayaan na saktan mo siya,duwag!"

"Sayo ang halimaw na yan?! Dapat pareho kayo mamamatay!"

Pinaputok nito ang baril at inaasahan niyang sa kanya tatama iyun pero hinarang ng lobo ang katawan nito kaya ito ang sumalo ng bala na para sa kanya.

Mabilis ang pangyayari. Nakita na lang niya bumagsak sa sahig si Erwin habang nakatayo roon ang isang...lalaki.

"H-hindi..." usal niya ng halos mabuwal ang kaibigan lobo kaya naalis ang tingin niya sa bagong dating na lalaki.

"M-may tama ka..." nanginginig sa pag-aalala saad niya habang hinahanap kung saan ito tinamaan.

Pero lumayo sa kanya ang lobo at mabilis na tumakbo ito palalayo sa kanya.

"Sandali! H-huw--"

"Hayaan mo siya.." untag ng lalaki sa kanya.

Agad na napaharap siya rito. Ang kulay brown nitong mga mata na ubod ng lalim na makatitig sa kanya ang nasalubong ng mga mata niya. Puno rin iyun ng awtoridad at panganib.

"Pare!?" humahangos na lumapit sa kanya ang kaibigan kasunod ang hiningan nito ng tulong at may patrol na huminto.

Nang ibalik niya ang tingin sa lalaki. Wala na ito.

Kailangan niyang hanapin ang lobo! May tama ito ng baril!

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon