Chapter 26

2.6K 124 10
                                    

Panay ang sulyap niya sa may hagdanan habang nakatayo sa bukana palabas ng hardin. Tatlong araw ng hindi niya nakikita ang Sinta niya. Nag-aalala siya rito lalo pa nga't hindi niya ito nakita ng gaving iyun!

Agad na naalala niya ang kaibigan lobo. Tatlong gabi na rin niya ito hinihintay sa may niyugan pero hindi ito nagpakita sa kanya at sobrang nag-aaalala sya para rito. Kung tama ang hinala niya na ang Sinta niya ang may nagmamay-ari rito maglalakas-loob siya itanong rito ang tungkol sa lobo. Hindi niya iisipin na baka..baka hindi ito nakaligtas sa tama ng baril rito!

Ang mahirap pa at dumagdag sa isip niya ang lalaking sumulpot ng gabing iyun ay siyang humaharap sa kanya at sinasabing abala ang dalaga.

Halos lamunin na siya ng selos ng malaman na may ibang lalaki na malapit sa dalaga pero..

"I'm her boyfriend,kaya gusto ko siya makita," seryoso niyang sabi sa lalaki na mataman lang nakatitig sa kanya.

Nakakaintimidate ang klase ng tingin na pinupukol nito sa kanya at...tila pareho iyun sa mga mata ng kasintahan.

Magkapatid ba sila?

"I'm her father,young boy.."

Naikuyom niya ang mga palad. Sobrang mulagat siya ng malaman na ama pala ito ng kasintahan niya! Hindi siya makapaniwala!

Kung titingnan kasi halos magkasing-edad lang sila!

Napukaw siya ng marinig niya ang yabag pababa sa hagdanan. Ang ama ng kasintahan iyun.

Hindi niya alam kung bakit palagi sinasabi nito na abala ang dalaga o baka...ayaw lang nito sa kanya?

Seryoso ang anyo nito ng makalapit ito sa kanya.

"May isang tanong ako," simula nito. Hindi na hinintay pa na makatugon siya.

"Seryoso ka ba sa anak ko?"may kaakibat na babala sa likod ng mga salitang iyun.

Buong tapang niya tinitigan ito sa mga mata nito.

" I love her,Sir..at hindi sapat ang mga salitang iyun para patunayan sa inyo na mahal ko siya kaya...gagawin ko ang lahat para iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko sa inyong anak,Sir.."matapat niyang tugon sa ama ng kasintahan.

"Maniniwala lamang ako kapag tinanggap mo na ang tunay niyang pagkatao,hijo.." seryoso nitong tugon.

Bago pa man siya makareak natanaw niya ang pagbaba ng dalaga. Agad na pumintig ng ubod ng bilis ang kanyang puso.

Si Sinta lang talaga ang nagpaparamdam niyun sa kanya!

His forever!

Agad na sinalubong niya ang dalaga sa may hagdanan. Tumigil naman ito sa huLing baitang at hindi na siya nagpigil pa. Hinila niya ang dalaga hanggang sa maikulong niya ito sa pagitan ng mga braso niya.

Buong higpit na niyakap niya ang dalaga. Yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal.

"Okay ka lang ba,Sinta? Tatlong araw na kitang hindi nakita at..masisiraan na ko ng ulo kapag hindi pa kita nakita sa susunod na araw," usal niya habang yakap-yakap pa rin niya ito.

Hindi nakaligtas sa pandinig niya na tila nasaktan ito pero ng dumistansya siya rito. Isang maliit na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.

Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang maganda nitong mukha.

"Are you okay?" pananantiya niya habang matiim na tinititigan ito sa mga mata nito.

At..iba ang nakikita niya sa mga mata nito. Masasalamin roon na tila may dinadaramdam ito. Nangangalum-mata din ito.

"Ayos lang ako,Randy..na..nabusy lang talaga may inasikaso kasi ko tungkol sa negosyo,sorry kung hindi ko sinabi sayo,"anito na mailap ang mga mata sa kanya.

May nararamdaman siya na pagdududa sa sinabi nito hindi siya nagkakamali na makita ang totoong nararamdaman nito sa mga mata nito.

Sabi nga nila mahuhuli mo ang isang tao kung nagsasabi ba ito ng totoo sa pamamagitan ng mga mata.

Imbes na makita nito na hindi siya naniniwala. Nginitian niya ito.

" Ayos lang,Sinta. Nag-alala lang ako,"masuyo niyang saad.

Bumalik ang paningin nito sa kanya. "Yung..sugat mo?"

"Wala ito...malayo ito sa bituka," pagbibiro niya rito at agad siya sumeryoso ng makita ang pagtalim ng mga mata nito sa kanya. Tumikhim siya at naglalambing na niyakap niya muli ang dalaga.

"I miss you so damn much,Sinta!"

"Let her go now,she need to rest galing pa siya sa mahabang biyahe," pukaw sa kanila ng ama ng dalaga.

Ayaw man niya ay napipilitan na pinakawalan niya ito.

"Babalik ako mamayang gabi," aniya. Makapal na kung makapal ang mukha niya pero talagang namiss niya ang dalaga.

At...gusto niya na din itanong rito ang tungkol sa lobo.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon