Chapter 18

2.4K 118 4
                                    

Kulang na lang mapamura sa nararamdaman katuwaan si Randy ng marinig ang sinabi ng dalaga.

Live-in partner! Hell! Hindi lang iyun ang gusto niya mangyari sa kanila.

Husband and wife,for real!

Bago pa man niya maibangga ang minamaneho kotse agad na inihimpil niya iyun ng makatapat sila sa harapan ng mansion.

Mabilis na bumaba siya para pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Tahimik lang ito bumaba habang nakamasid sa kanya.

"Good night,Sinta.." aniya at hindi na siya mapipigilan pa nito na tawagin niya itong Sinta lalo pa at alam niyang may namumuo ng koneksyon sa pagitan nila ng dalaga.

Isang mainit na koneksyon.

"Dito ka na magpalipas ng gabi," sabi nito na kinatigil niya. "Sinundan niya tayo," agad nito dugtong.

Agad na tumingin siya sa pinanggalingan nila. Nagtatakang hindi naman niya nakita na sinundan sila.

Bago pa man niya sabihin rito na hindi naman niya nakita na may sumusunod sa kanila ng may liwanag mula sa kotse ang nahagip ng mga mata niya kahit malayo iyun mula sa kanila.

Wow...paano nito nalaman iyun?!

Baka hindi niya lang napansin dahil kanina pa siya nagdidaydream sa nangyari kanina!

"Ayos lang ba?"

"Marami silid na pwede mong gamitin,mamili ka na lang kung saan mo gusto," anito.

Ang katabing silid ng dalaga ang pinili niya. Noon lang din niya nalaman na stay out pala ang limang kasambahay nito kaya napakatahimik sa loob ng mansiyon pagkapasok nila. Nauna na sa kanya umakyat sa pangalawang palapag ang dalaga at siya naman feel at home lang at para siyang naglalakad sa ulap. Hindi siya makapaniwala na makakasama niya sa iisang bubong ang sinisinta niya.

Hindi na masama kung magkahiwalay sila nito ng silid ang mahalaga magkasama sila sa iisang lugar.

Napangisi siya habang nakatayo sa labas ng balkonahe ng silid. Maliwanag at bilog na bilog ang buwan sa kalangitan.

Bigla niya naalala ang kaibigan niyang lobo.

Baka naghihintay ito sa kanya?!

Pero..baka magtaka ang dalaga kung lalabas pa siya at hindi niya alam kung hahayaan siya nito.

Napabuga siya ng hangin. "Magpapaliwanag na lang ako sa kanya bukas," anas niya.

Napasulyap siya sa kabilang balkonahe.

Tulog na kaya siya?

Nanatili siya roon hanggang sa makaramdam na siya ng antok. Hindi niya alam kung gaano na katagal siyang nakatulog ng maalipungatan siya.

Agad siya napabangon sa hinihigaan kama. Pamilyar sa kanya ang mabigat na yabag na yun na nagmumula sa labas. Nakabukas pa rin ang balkonahe. Patay ang ilaw na walang ingay siyang naglakad palabas roon.

Bumibilis ang tibok ng puso niya.

Hindi pa man siya tuluyan nakakalabas ng silid iyun natigilan siya ng makita ang paglundag ng isang malaking nilalang mula sa kabilang balkonahe kung saan ang silid ng dalaga.

Napaawang ang mga labi niya. Tila huminto ang tibok ng puso niya.

Hindi siya maaari magkamali ang kaibigan lobo niya iyun. Nanggaling iyun sa silid ng dalaga.

Maang na napasandal siya sa hamba ng pintuan ng balkonahe.

Kung ganun. Alam ng dalaga na may lobo naninirahan sa lupain nito. At..ito ang nagmamay-ari sa kaibigan niyang lobo.

Para masiguro. Naglakas loob siya na katukin ang dalaga. Bahala na kung ano ang idadahilan niya kung bakit niya ito gagambalain!

Nakakailang katok na siya ng hindi siya pagbuksan ng dalaga. Tulog na marahil ito.

Napabuga siya ng hangin. Hindi man lang ba siya naingayan sa pagkatok niya?

Dismayadong bumalik na lamang siya sa silid niya.

Hindi siya makapaniwala,ang dalaga pala talaga ang nagmamay-ari sa lobo.

"Bukod sa kabayo niya. Napaamo ko na din ang alaga niyang lobo," usal niya sa kawalan habang nakatitig sa kisame.

"Kaya pala...hindi man lang siya nabahala noon ng sabihin ko na may malaking hayop ng mga oras na yun," aniya sabay tawa niya ng mahina.

"Damn,ang swerte ko nga naman talaga!"

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon