Hawak-hawak ni Randy ang mainit at malambot na kamay ng kanyang Sinta habang tinutungo nila ang paboritong lugar ng dalaga. Ang burol. Inalalayan niya ito makaakyat at pumuwesto siya sa likuran nito habang nanatili sila nakatayo hinihintay ang pagsikat ng araw.
"Araw-araw gusto ko lagi tayo ganito. Magkasamang panunuorin ang pagsikat at paglubog ng araw...kahit sa pagtanda natin," usal niya.
"Hindi kami tumatanda," pagbaling nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Paano ako?"
Natawa ang dalaga na kinangiti niya. Ang sarap pakinggan ng pagtawa nito at ang sarap sa mata na makita ang ngiti sa mga labi nito.
"May solusyon naman depende sayo," anito.
"Talaga? Ano?"
Pinakatitigan muna siya nito bago ito humugot ng hininga. "Kapag...naisakatuparan na ang..mating,"saad nito sabay iwas ng paningin sa kanya.
"Mating? You mean.."
Tumango ito na hindi tumitingin sa kanya. Alam niyang nahihiya ito.
Napangisi siya. Humigpit ang yakap niya rito. "Kung iyun ang paraan para hindi ako tumanda,bakit hindi?!"
Marahas na napabaling sa kanya ang dalaga.
"Ano kasi..ang unfair lang hindi ka tatanda samantala ako...tsk! Saka...mahal naman natin ang isa't-isa.."
Nanatili nakatitig sa kanya ang dalaga. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya gusto na isipin nito na iyun ang habol niya rito!
Tinapatan niya ang mga mata nito at buong seryoso na tinitigan ito.
"Marry me,then..we do it,I..I want to be with you..forever. Yung hindi ako tatanda," saad niya.
"Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?"
Nangunot ang nuo niya. "Bakit naman hindi ako sigurado? Alam ko sa sarili ko na ikaw ang babae makakasama ko habambuhay. Ang babaeng kukumpleto sakin. Ang babaeng kalahati ng aking puso," aniya sabay hawi niya sa hibla ng buhok nito na tumatakip sa maganda nitong mukha.
"Randy..."
Nginitian niya ang dalaga. "Ikaw na ang buhay ko,Sinta." aniya sabay sakop sa mga labi nito kasabay ng pagsikat ng araw.
"Gusto mong pakasalan ang anak ko?" seryoso saad ng ama ng kasintahan.
Nasa mansion ito ng makabalik sila at nag-aabang ito sa kanila. Hinayaan naman sila ng dalaga makapag-usap. Agad niya sinabi rito na gusto niyang pakasalan ang dalaga.
"Yes,Sir..I want to marry her,as soon as possible," tugon niya rito.
"Sa oras na pakasalan mo ang aking anak kapalit niyun ang pag-iwan mo sa mundong ito," anito." Isang siyang prinsesa sa kinabibilangan niyang distrito sa mundo na pinagmulan niya...kung pakakasalan mo siya kailangan mo mamili sa pagitan ng mundo niya o...ng mundo mong ito,"seryoso nitong saad.
"Kailangan mong magsakripisyo ang iwan ng lahat rito kung gusto mo siya makasama habambuhay,mahal na Prinsipe," dugtong nito.
"Kayo ang itinadhana ng propesiya. Napadpad siya sa mundong ito dahiL sayo,Mahal na prinsipe. Ikaw ang kanyang mate. Ang lalaking itinakda sa prinsesa," patuloy nito.
"Ang pinakamahirap sa lahat ng ito na itinakda ka sa hindi mo kauri ay ang mamili," anito.
"Ang inumin na binigay sayo ni Zei. Ang prinsesa lamang ang makakapagbukas niyun. Doon ka magdesisyon,mahal na prinsipe."
Nakatitig si Randy sa hawak na bote na binigay ni zei sa kanya. Ang inumin ng pagtanggap. Sa oras na inumin niya iyun. Tuluyan niyang tatanggapin sa buhay niya ang kasintahan at..kailangan na rin niyang mamili.
Nilingon niya ang tiyuhin na abala sa panunuod ng balita sa lumang television nito sa may sala.
Nilapitan niya ang tiyuhin at agad naman ito tumingin sa kanya. Tumabi siya ng upo rito.
"Tiyong," aniya. Agad naman hinanaan nito ang volume ng TV.
"Ano yun?"
"Pakakasalan ko po siya," aniya.
"Talaga? Pumayag na ba?"
Napangisi siya. "Bakit naman po hindi,tiyong?"
"Seryoso tanong yun,pumayag na ba?"
"Papayag pa lang,Tyong," aniya.
"Mahal na mahal ko po sya,Tyong..sa oras na magpakasal na kami...ahm,baka hindi kami dito tumira," aniya.
Tinapik nito ang balikat niya.
"Alam ko na..huwag mo na kong alalahanin,Randy. Piliin mo kung saan ka masaya at kung ano ang dinidikta ng puso mo. Kung kinakailangan iwan mo ang nakasanayan mo na para makasama ang isang tao na kukumpleto sa puso mo huwag kang magdalawang-isip na piliin kung saan ka magiging masaya kasama ang taong iyun," litanya nito. "Alam mo ba na ang pinakamasarap na bagay na magagawa mo sa buong buhay mo ay iyun makasama at makapiling mo ang taong mahal mo. Minsan talaga kailangan mong magsakripisyo para sa kaligayahan mo..kaya..susuportahan kita,pamangkin."
Niyakap niya ang tiyuhin. "Salamat,Tyong..mamimiss ko kayo ng sobra," aniya.
Tumawa ito habang tinatapik-tapik ang likod niya.
"Ang drama mong bata ka! "
Natawa siya sa sinabi nito.
Tama..ang dalaga ang kanyang kaligayahan at ito ang pipiliin niya.
BINABASA MO ANG
TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)
Hombres LoboThe princess of Brown Wolves District,the daughter of King Oscar Alberto and Queen Ysai Conching-Alberto. Namana niya ang pagiging serious-type at intimidating sa ama. Her mother,Queen Ysai is a bubbly girl hindi niya alam kung ano ba ang namana niy...