Chapter 12

2.6K 124 6
                                    

Panay ang ngisi niya habang inaalala ang paghalik niya sa kanyang sinta na si Señorita Khay. Tahimik na ang buong gabi at tulog na ang lahat ng mga nakatira pero siya gising pa rin at inaalala ang eksena iyun at ang pag-uusap nila ng dalaga sa kwadra nitong umaga lang.

Malaki talaga ang pag-asa niya dahil simula pa lang hindi tumututol ang dalaga. Mas lalo siyang napangisi.

Napukaw ang atensyon ng makarinig siya ng alulon.

Agad siya napabangon siya kinahihigaan.

"Hindi kaya ang lobo yun? Sabi na talaga totoo yun!" bulalas niya sa kawalan at nagmamadaling lumabas siya ng silid.

Naulinigan niyang naalipungatan ang tiyuhin niya pero nanatili lamang ito sa silid nito. Walang ingay na lumabas siya ng kabahayan.

Sigurado siya mula sa lobong iyun ang ingay na yun!

Wala siyang ideya kung saan sakto niya ito makikita pero sa may niyugan siya dinala ng mga paa niya. Pinakiramdaman niya ang buong paligid kahit madilim hindi siya nangangamba dahiL alam niya nasa ligtas na lugar siya..at hindi siya sasaktan ng lobong iyun sakali man makita siya nito!

Napapihit siya sa kanang bahagi niya ng makarinig siya ng kaluskos.

"Ikaw ba yan?! Yung nagligtas sakin noong nakaraan? Gusto kita makita!" malakas na sabi niya sa kawalan.

"Huwag kang mag-aalala hindi kita sasaktan! Gusto lang kita makita ulit!" muli niya sabi. Alam niyang posible na maintindihan ng lobong iyun ang pinagsasabi niya pero umaasa siya..umaasa siya na magpakita ito sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto wala nagpakita sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Napabuga siya ng hangin. "Ayos lang kung ayaw mo magpakita sakin..gusto ko lang magpasalamat sayo at..gusto ko maging kaibigan mo ako,"sabi niya. Walang tugon kaya naman nagpasya na siya lisanin na ang lugar na iyun pero nakakaisang hakbang pa lamang siya nakarinig siya ng yabag sa likuran niya at agad na lumingon siya.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Biglang sumilip ang liwanag ng buwan sa likuran ng ulap at tinanglawan niyun ang pinanabikan niyang makitang muli.

" T-totoo ka nga.."puno ng pagkamangha usal niya habang tinitigan ang lobo.

Napakagandang lobo. Kumikinang ang matingkad na kulay brown nitong mga balahibo! Parang hindi totoo!

Damn! Nakakamanghang nilalang!

Nakipagtitigan sa kanya ang malalaki nitong mga mata. Ang mga mata nito na tila pamilyar sa kanya.

Bigla pumasok sa isip niya ang kulay ng mga mata ni Señorita Khay.

"H-hi...kamusta ka? Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin noong nakaraan araw," kausap niya rito. Nanatili lamang nakatingin sa kanya ang lobo.

"Pwede ba kitang kaibiganin? Pangako wala makakaalam ng tungkol sayo,pangako yan,"saad niya.

Naglakas loob siya na lapitan ito kahit na abot-abot ang kaba niya pero gusto niya itong abutin at hawakan!

Nang ilang pulgada na lang ang layo nila doon lang niya natanto kung gaano kalaki ang lobo. Umangat ang isa niyang braso at inabot ang mabalahibong leeg ng lobo na kinatuwa niya dahil hindi ito gumawa ng ikapananakit niya.

Napangiti siya habang hinahaplos ang malambot nitong balahibo. " Magkaibigan na tayo magmula ngayon,"kausap niya rito habang nakatingala siya at ito naman nakatunghay sa kanya.

"Kinagagalak kita makita,kaibigan.."

"Nauna ka pa sakin nagising ah?" bungad ng tiyuhin niya na kapapasok lang sa kusina.

Agad na pinagtimpla niya ito ng kape.

"Hintayin mo muna kaya pumutok ang araw bago ka manligaw," panunudyo nito.

Natawa siya sa sinabi ng tiyuhin."Tyong,alam niyo naman may kasabihin tayo,daig pa ng maagap ang masipag,"pagngisi niya rito na kinailing naman nito.

Natatawang sinabayan na niya ito sa pagkakape.

"Siyangapala,may narinig ka ba kagabi na alulon?"bigla nitong pagtatanong.

Agad siya natigilan at naalala ang pagkikita nila ng lobong iyun.

"Napahimbing po ata ang pagkakatulog ko,Tyong," pagsisinungalin niya. Tutuparin niya ang pangako sa bagong kaibigan niya na wala makakaalam ng existing ng lobong iyun sa lugar na ito.

"Kagabi lang nangyari yun,mukhang may mabangis na hayop na ata naninirahan rito.." anito.

"Siguro naman hindi iyun mananakit basta hindi siya magagambala ng mga tao kung meron man," komento niya na kinasang-ayunan nito.

Pinauna na siya ng tiyuhin niya na magpunta sa kwadra para ihanda ang kabayo na gagamitin ng sinisinta niya. Napangiti siya agad. Masisilayan na naman niya ang kanyang Sinta.

Bitbit ang bulaklak na gawa sa dahon ng niyog at may ngiti sa mga labi ng marating niya ang kwadra pero agad din nabura ang ngiting iyun ng madatnan niya ang dalaga pero may kasama itong lalaki.

Agad na napalingon ang lalaki kausap ng dalaga sa kanya. Mabilis na nilamon siya ng selos ng makita ang hitsura ng lalaki.

Isang lalaki na pagkakaguluhan ng kahit na sinong babae sa buong mundo. Agad din na nakaramdam siya ng insecure pero sigurado naman siya na mas gwapo siya rito!

Oo! Sa iba't-ibang paraan! Nakakalamang nga ito sa hitsura pero..hindi siya matatalo nito sa puso ni Señorita Khay.

Handa siya makipaglaban dito mapasakanya lang ang dalaga.

"Sa akin lang ang Sinta ko kahit matangkad ka pa sakin ng kaunti hindi kita uurungan,"bulong niya sa hangin na matalim ang tingin sa nakatingin na lalaki na may ngisi sa mga labi nito. Ngisi palakaibigan.

Napatiimbagang siya. " Hindi ako papatalo sa isang ito,"determinado niyang sabi sa sarili.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon