Chapter 6

403 10 0
                                    

Author's Note:

Sorry late update guys alam niyo namang holiday eh. Busy kasi ko sa paglilinis ng mga pantyon lol. Osya Enjoy ♥

========================
General's POV

Nang magising si Vice nakita niyang mahimbing na mahimbing pang natutulog ang dalaga. Tinignan niya ang oras sa table ni Karylle at 5:14am palang pala.

Kaya umisip siya ng pwedeng gawin niya habang natutulog pa ito.

Nakakita siya ng ballpen. Kaya naisip niyang gumawa ng sticky notes para sa dalaga.(A/N: Oo guys Sticky NoteS kasi madami HAHAH)

Nakakita naman siya agad at may nakita pa siyang colored pen.

Gumawa siya ng isang note sa tapat ng cellphone ng dalaga. At bumababa na siya.

Naisipan rin niyang magluto para sa agahan ni K at para narin sa kapatid ni K na si Zia.

Gumawa na siya ng almusal, garlic fried rice, bacon, at hotdog. Gumawa rin siya ng hot choco para kay Karylle. At naglagay siya ng sticky note sa ibabaw ng takip ng pagkain. At yung hot choco nilagay niya sa ref at naglagay ng sticky note sa tapat ng hot choco.

Pumasok siya sa Comport Room ng dalaga at kinuha ang toothbrush at nilagyan niya ito ng toothpaste at sa tabi ay sticky note ulit.

Naghanap siya ng masusuot ni K para mamaya. At bigla na namang pumasok sa isip niya ung may kausap si Karylle sa telepono. Kaya bigla siyang nalungkot . Gumawa ulit siya ng sticky note sa tapat ng damit na kinuha niya para kay K.

Bago siya umuwi ay nag iwan siya ng sticky note sa salamin ni K at tuluyan na siyang gumora pauwi.

Pagdating ni Vice sa bahay ay nalungkot na naman siya. Dahil hindi niya nasabi ang nararamdaman niya para sa dalaga . At naisip niya pa na may boyfriend ito dahil may date si K mamaya. Kaya nawawalan na siya ng pag asa na umamin pa sa dalaga.

Dumeretso na si Vice sa kwarto para maghanda ng susuotin niya at pumunta na sa CR para maligo na.

Pagkaligo niya pumunta na siya sa kwarto at nag ayos.

Archie: Saan gora Meme?

Vice: Chie diba nagka jowa ka ng merlat?

Archie: Ano bang tanong yan teh.

Vice: Ano bang feelings?

Biglang naging seryoso ang mukha ni Archie at tinitigan niya si Vice dahil seryoso nga ito sa sinasabi .

Archie: Meme, masarap sa feelings magkaroon ng merlat na jowa. Dahil parehas kayo ng taste. Hahahah *pilit na tawa*

Vice: Archie seryoso ko. Ang hirap na nitong nararamdaman ko para kay kulot.

Archie: Walang mahirap meme, takot ka lang.

Vice: Takot? *naguguluhan*

Archie: Takot kang mabusted hahah. At higit sa lahat. May boyfriend ka. Natatakot kang mawala rin siya sayo. Pero isipin mo. Si K anjan lang walang kaalam alam. Yung jowa mo naman nasa hawaii. Nagtatrabaho wala rin kaalam alam sa nangyayari sayo. Ni kahit nga ata kausapin ka hindi niya magawa. Kahit ikaw hindi mo narin siya nabibigyan ng oras. Parehas na kayong nawawalan ng oras sa isa't isa. Kaya ikaw nag hahanap ka ng kasiyahan at natagpuan mo ito kay K.

Vice: So ano na?

Archie: Akala ko ba napag isipan mo na?

Vice: Ang isip ko na kay Baby Boy. Pero ang puso? Nararamdaman ko ay na kay Karylle na.

Make the Impossible,PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon