Anne's POV
Eto na malapit na rin kame makauwi juice colored parang ang tagal ng biyahe e 10minutes lang naman maryosep.
Pagkahinto niya ng sasakyan agad kong binuksan ang pinto ng kotse niya at bumababa na ako. Papasok na ako sa gate ng magsalita siya. Nako naman Viceral pinahihirapan mo talaga ako no? Wala na akong nagawa para iwasan pa siya alam na niya e. So ano pang itatago ko? Nilingon ko na siya.
"Sis, bakit? I mean, bakit ako pa?" Sabi ni Vice.
"Hindi ko ginusto to, Jose Marie. Basta ang alam ko lang hindi ka mahirap mahalin." Sabi ko na lang.
"Sis, Sorry."
"For?"
"Ano... kasi ahm, nasasaktan kita at nasaktan na pala kita ng hindi ko alam."
"Hindi mo ginusto at walang may gusto nito, Vice. Nagkataon lang na mahal kita at destined na mahalin mo si K. Kaya eto nasasaktan ako."
"Sis, kaya kitang mahalin higit dito sa relasyon natin ngayon. Pero ayoko dahil baka kapag ginawa ko yung pagmamahal na yon, mawala ka pa saakin."
"Sorry if hindi kita masuklian ng pagmamahal na katulad ng sayo." sabi pa ni Vice.
"Ayoko rin na mawala ka sakin. Kaya nga sinusubukan kong pigilan e, kaso eto hindi ko makontrol ang feelings ko." sabi ko.
"Sana naman walang magbago wo?" tanong ba to o ano? Ay nako Viceral.
"Sana ganon nga lang kadali yun. Pero, Vice darating din naman sa point na matatanggap ko na hanggang dito na lang at hindi na hihigit pa ron. Bigyan mo lang ako ng panahon para matanggap yun." sabi ko.
"Pero bakit kelangan mo pang lumayo?" tanong niya.
"Hindi ko alam. At siguro hindi muna tayo magiging katulad ng dati." sabi ko.
Hindi na siya kumibo. Pero ngayon alam na namin ang side ng isa't isa.
"Sige na umuwi kana." sabi ko at pumasok na ako sa gate nang yakapin na naman niya ako from behind.
"Sisteret pa din tayo ha? Ibibigay ko yung panahon na gusto mo. At maghihintay ako na bumalik ang sister ko. Always remember, I'll be there forever beside you." Gusto kong magreply sa yakap niya pero mali kaya hinawakan ko na yung kamay niya at humarap na ako. Tinignan ko siya sa mga mata niya at ngumiti.
"Vice, umuwi kana at magpahinga na." sabi ko at tuluyan na akong pumasok saamin.
Vice's POV
Ang hirap naman ng ganito. Bakit ba kasi saakin pa Anne? Anjan naman si Vhong e. Nasasaktan ka na pala sakin bakit mahal mo parin ako. Hindi ka naman ganyan e. Yung tipo bang kapag nasasaktan kana wala ka ng pake sa taong nakasakit sayo, what I mean is hindi mo na siya mamahalin pero bakit ganto? Paano ko magagawang hindi ka saktan e ngayon palang sobra sobra na yung sakit na nararamdaman mo nang dahil lang saakin. Ayoko naman na mawala ka dahil lang sa hindi kita kayang mahalin ayokong mawalan ng sisteret.
*
SUNDAY!!
IT MEANS DAY OFF, MAGKIKITA KITA ANG BARKADA SA TAMBAYAN! Pupunta kaya si Anne? Gusto ko siyang sunduin kaso sabi niya hayaan ko muna siya at ibibigay ko sa kanya yung panahon na hinihingi niya. Baka kapag kinulit ko siya lumalala yung feelings niya sakin. Ayaw niya rin na maging tulad kame ng dati at isa yon sa mga magbabago samin simula ngayon. Ang hirap lang isipin na yung bestfriend mo iniiwasan kana. :((((
BINABASA MO ANG
Make the Impossible,Possible
FanficAng Impossible ba pwede maging Possible? Story ito ng isang out and proud gay. Na magkakagusto sa isang babae na dati niyang naging sekretarya at naging matalik na kaibigan. At si Yael naman ang naging kaibigan ni Karylle simula ng iwanan ito ng ex...