General's POV
Pagkalabas ni Vice ay tumakbo agad siya sa parking lot upang kunin ang sasakyan at habulin si K. Sumakay na siya at inistart ang sasakyan niya ngunit ayaw mag start nito. Tutunog lang at mamatay na naman.
Vice: Makisama ka please...
Pilit niyang pinapaandar ito talagang ayaw magstart.
Vice: Bwiset!!
Hinampas niya ang manibela at napatingin siya sa 'di kalayuan nakakita siya ng pamilyar na pigura. Lumabas siya at tinitigan ito. Malapit sa playground at nakatayo lang ang babae malayong malayo ang tingin mula sa itaas. Agad namang pinuntahan ito ni Vice .
Vice: Karylle?
Malayo parin ang tingin at hindi manlang siya nilingon.
Lumapit si Vice at tumabi sa pagkakatayo ng dalaga.
Vice: Bibigyan mo ba siya ng Last Chance?
Tinignan lang siya ni Karylle. Halatang halata na galing ito sa pag iyak. Mugtong mugto ang mga mata.
Hinawakan ni Vice ang pisngi ng huli.
Vice: Mapapag usapan niyo pa yan..
Nagkatitigan sila ng ilang segundo at iniwas na ni Vice ang kanyang mata at binaba na ang kamay.
Karylle: Sa tingin mo bigyan ko pa siya ng huling pagkakataon?*nanginginig na boses nito*
Vice: Something I learned about people... If they do it once, they'll do it again.
Karylle: So you mean wag na?
Vice: Nasasayo parin ang desisyon K.
=======================
Hinatid na ni Vice si Karylle sa bahay nito at umuwi na rin si Vice.
Pag dating ni K dumertso naman siya sa kwarto na napansin ni Coco at Zia na galing sa pag iyak ang kanilang ate.
Zia: Sa tingin mo anong problema ni ate?
Coco: Ewan? Kanina ang saya saya niya bago umalis sobrang excited pa eh
Zia: Tara!?
Umakyat ang dalawa sa kwarto ni K.
Zia: Ate??
Sabay katok sa pintuan ni Karylle. Walang response si K. Nagtinginan si Coco at Zia na bakas sa mga mata nila ang pag aalala.
Pag hawak ni Zia sa door knob ay bukas naman ito. Pumasok na sila at nakita nila si K na nakadapa. Iyak ng iyak. Nakasubsob ang mukha sa malaking unan.
Nilapitan ni ng dalawa si K at hinimas ang likod.
Zia: Ate, Whats wrong? *bakas ang pag aalala*
Umupo si K at niyakap ang dalawa. Nagyakapan sila ng ilang segundo at nagsalita na si K.
Karylle: We already broke up. Its over.
Humihikbi parin si K mejo okay naman na siya dahil nailabas na niya kanina kaso naaalala parin niya ang ginawa ni Yael. Magkayakap parin silang tatlo. Hinihimas ni Coco ang likod ng ate niya.
Coco: Why? What happened?
Bumitaw na si K sa pagkakayakap at kinuwento na niya ang mga pangyayari. Mula umpisa hanggang wakas ^^
To be continued...
VOTE! VOTE! VOTE!
BINABASA MO ANG
Make the Impossible,Possible
FanficAng Impossible ba pwede maging Possible? Story ito ng isang out and proud gay. Na magkakagusto sa isang babae na dati niyang naging sekretarya at naging matalik na kaibigan. At si Yael naman ang naging kaibigan ni Karylle simula ng iwanan ito ng ex...