Ken and Justin Imagine Part 2

946 16 1
                                    

Umalis na si Y/N para makauwi ng maaga..

After a week tsaka palang tinawagan ng ShowBT si y/n para sa final interview. Pero this time hindi na ganun ka kabado si y/n.

Nakita ulit ni niya ang lalakeng nakabanggaan niya nung initial interview niya, at this time, kasama niya na sila Stell. Habang nagkukwentuhan ay napatingin si Stell kay y/n at ngumiti. Pinahinto niya sa paglalakad ang iba pang members.

"Sandali lang guys! Meron akong ipapakilala sa inyo." sabi ni Stell habang hinaharangan ang iba pang members.

Agad lumapit si Stell kay y/n at pinakilala ito sa mga kasama niya.

Stell: Guys! Si y/n pala, nakilala ko siya nung isang linggo.. Nag aapply siya dito

Justin: Ahh hello po.. Nice to meet you..

Josh: Hello.. (Insert Josh's smile here)

Tinanggal na nung nakabungguan mo yung mask niya.

Ken: I'm Ken (in a cool manner)

Sejun: Balita ko magaling ka daw ah... hahahaha

y/n: Hindi naman po ..

Stell : Bakit ka pala andito uli? Tanggap ka na?

Y/n: Hindi pa .. pero final interview ko na.

Josh: Ang alam ko tanggap na yan pag umabot ng final interview.

Justin: Parang for formality nalang , ganun.

Y/N: Sana nga ehh .. 

Naiilang na ngumiti si y/n. Samantala naman tinawag na ang boys ng manager nila. Kanya kanyang "bye " at "goodluck" kay y/n.

Si y/n naman ay bumalik na sa paghihintay na tawagin siya ng HR. 

At tulad nga ng sabi nila justin, pagpasok niya sa interview room ay nakangiti siya sinalubong ng HR. Binati siya nito dahil siya lang ang umabot sa final interview. 

"Congratulations! Ms. y/n, you are already hired! Welcome to the company, we are looking forward to work with you. Actually for formality nalang to, bale ang paguusapan na natin ay ang tungkol sa contract"

At ganun ganun lang ay natanggap nga ang ate mo girl as a graphic designer in ShowBT.. 

On her first day sa trabaho, syempre kabado , kasi di mo naman alam kung ano mangyayari sayo sa first day mo. Pero syempre sa unang month ay training palang siya, so di pa ganun kadami ang trabaho na kailangan niyang gawin. 

Sobrang excited siya sa unang araw, syempre sino ba naman ang hindi matutuwa kapag natanggap na magtrabaho sa company na nag hahandle sa idol mong grupo?

Samantala....

Sejun: Ken? bakit ang tahimik mo ngayon? problema mo?

Stell: Diba ganyan naman talaga siya? 

Sejun: Iba pagiging tahimik niya eh . 

Justin: Oo nga, masama ba pakiramdam mo?

Ken: Hindi naman, di ko rin alam, parang wala lang ako sa mood na magsalita

Sejun: Sure ka ha? 

Ken: Oo naman






SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon