Ken and Justin Imagine Part 20

388 9 0
                                    

Nagkaroon muna ng konting photoshoot ang grupo malapit sa venue ng concert bago sila umuwi. 

Pagkauwi nila Justin sa Manila ay agad silang nagkita ni y/n.

Kinakabahan si Justin sa iniisip niya.. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni y/n sa gagawin niya. At mas lalong hindi niya alam kung ano ang iisipin ng mga members. Pero desidido na siya sa gagawin niya. 

Habang malalim ang iniisip niya ay bigla nalang merong nagtakip ng mata niya. Agad naman niyang nahulaan na si y/n yun.

Justin: Ahmm , y/n!!

Y/N: Ano ba yan?! Ang galing mo naman manghula! Kamusta naman?

Justin: Ok naman .. Nag photoshoot kami kanina.

Y/N: Meron ka pang sched mamaya?

Justin: Meron..

Y/N: awwww.. (sad face)

Justin: Gagala kasama ka.. 

Y/N: Talaga ba?!

Justin: Oo nga.. bakit ayaw mo?

Y/N: Gusto!

Justin: Eh kaso joke lang yun.. Kailangan namin mag rehearse mamaya 

Y/N: anubayan! Paasa ka naman eh, bakit pala gusto mo kong makausap ngayon? Anong meron?

Justin: Bakit? Bawal ba kitang kausapin kasi gusto ko lang?

Y/N: Luhh issue ka? Syempre pwede! Girlfriend mo kaya ako

Justin: ayieee naiinis na yan.. sige na nga.. seryoso na .. Meron akong tanong.. Anong gagawin mo kung malaman mo kung sino nagsabi kay teacher ng about sa talent mo?

Y/N: Siguro, magiging thankful ako sa kanya.. Kasi kung hindi dahil sa kanya.. hindi ako magiging trainee sa showBT. 

Justin: Pano kung vinideohan ka niya ng patago? tapos tsaka niya pinakita kay teacher?

Y/N: huh? malaki parin yung ambag nya sa narating ko ngayon.. Bakit mo ba kasi tinatanong?

Justin: Wala lang .. hahahaha naisip ko lang

Y/N: Naisip mo lang bigla.. sus! siguro napapagod ka na.. stress ganun kaya kung ano ano na naiisip mo.

Nagbago ang isip ni justin na sabihin kay y/n ang tungkol sa ginawa ni ken. Ang expected niya kasi ay maiinis si y/n pero base sa mga sagot niya.. mukang hindi .. 

Naguilty si justin sa pag paplano ng ganun.. Siguro masyado siyang possesive kay y/n kaya naisip niya na siraan si Ken. Pero in the end , di niya parin kaya saktan ang kaibigan niya. Wala rin naman siyang magagawa, at aminado siya sa sarili niya na nauna naman talagang nagkagusto si ken kay y/n.

Iniba nalang ni justin ang usapan nila..Nalibang naman sila sa mga naiisip nilang mga random na bagay. 

Justin: So kasama ka daw dun sa mga trainees na kasama namin sa Zamboanga ah.. Opening ba kayo?

Y/N: Yup! kasama kami dun .. Excited na nga ako

Justin: Hindi ka ba kinakabahan?

Y/N: Hindi naman, tsaka andun naman kayo.. i cheer niyo nalang kami.

Justin: Oo naman .. Anong kakantahin niyo? 

Y/N: Actually, baka daw magkaroon kami ng performance ni Ken.. Bagay daw kasi boses namin.

Justin: Owwww .. pwede naman

Hindi maiwasan ni justin na magselos, naiisip niya palang na nagpeperform ng magkasama sila Ken at y/n ay mixed emotions na nararamdaman niya. pero syempre hindi niya pinahalata kay y/n yun

Maya maya ay merong tumawag kay justin na staff at hinahanap na siya dahil malapit na mag umpisa ang rehearsal nila ..




Samantala . . . . . . . . 


Habang wala pa si Justin ay kinausap na ng isang staff si Ken about sa magiging performance nila ni y/n.

Staff: Ken! Magkakaroon pala kayo ng performance ni y/n sa event next week ha .

Ken: po?! anong performance po?

Staff: Isang song lang.. mag du duet kayo.. You are going to cover "Pangarap lang kita" , familiar ka ba sa song?

Ken: Opo

Staff: Ngayon ang last rehearsal niyo diba? So start kayong dalawa ni y/n bukas. Nasabihan ko na siya.

Ken: Ano pong reaksyon niya?

Staff: Ok lang naman daw.. Isasalang namin sila sa performances. Only the top trainees.. 

Ken: Ooo nice nice .. sige po.. noted

Staff: Ok.. be here at 9 am tomorrow ok?

Ken: Ok po.. 

Napangiti si ken sa narinig na magandang balita. Hindi niya akalain na pwede silang magsama sa isang performance. Sobrang excited na siya dahil sa loob ng isang linggo ay madalas niyang makakasama si y/n at pati narin sa performance .

Kinabukasan....

Excited na pumunta ng office si Ken, pagdating niya don ay nakita niya na andun na si y/n. Hindi siya pumasok agad sa dance room at tahimik lang niyang pinapanood si y/n na sumasayaw. Hindi parin niya maitago ang ngiti niya habang pinapanood ang dalaga. 

Hindi naman napansin ni y/n na pinapanood na pala siya  ni Ken. Feel na feel niya ang pagsasayaw , dahil dun niya minsan nailalabas ang emotions niya at kung minsan naman ay sa pagkanta. Nang matapos ang ang kanta, pinatay na ni y/n ang radyo at uminom ng tubig. 

Habang umiinom siya ay pumasok na si Ken. 

Y/N: oh! kanina ka pa?

Ken: Medyo, nakita pa nga kitang sumayaw.. galing galing! 

Y/N: Sus! Mas magaling ka kaya! Ang aga mo ngayon ah 8:30 palang

Ken: Well, mas maaga ka kaya

Y/N: Dito ako natulog sa studio hahaha ,, pinayagan naman ako eh.. Dun ako sa sofa natulog. 

Ken: Gawain din namin yan dati. Teka ano na pala sabi sayo?

Y/N: Kakantahin daw natin yung "Pangarap lang kita" .. 

Ken: Alam ko.. I mean, anong gagawin ngayon? 

Y/N: Ang alam ko, mag papractice tayo ng vocals ngayon.. tapos bukas ituturo yung mga gagawin natin during performance. Yung mga actions natin ganun.. tsaka kung meron pa silang balak idagdag.

Ken: Oohh ok.. Bakit kaya ako pinili maging partner mo? Bakit di nalang si justin?

Y/N: Sabi kasi nila bagay daw boses natin eh .. 

Ken:*smiles

Nagulat nalang sila nang biglang dumating ang magtuturo sa kanila sa vocals. At agad agad na nag umpisa na sila. Mag warm up ng boses at nag rehearse na. 


SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon