Ken and Justin Imagine Part 21

404 12 0
                                    

Hindi makapaniwala si Ken na pwede pala silang magkasama ng ganto. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. After nila sa vocals kinabukasan ay nag umpisa na silang aralin kung ano ang mga gagawin nila sa mismong performance. 

Habang kinakanta ni Ken ang linya niya, hindi niya maiwasan na mapatingin kay y/n. 

"Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
'Di tulad sayo, imposible "

Natatawa nalang siya dahil ginagawan ni y/ ng mga nakakatawang actions yung linya niya. Pero 

"Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari"


Umiwas lang ng tingin si Ken dahil sa linyang ..

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta

Pangarap lang kita"


Medyo masakit, pero nakakarelate talaga si Ken. Pero napangiti nalang din si Ken dahil nakita niya kung gano kaganda ang ngiti ni y/n habang kinakanta ang mga linya niya. Dumating na ang part na maghaharap na sila.. 

"At kahit mahal kita (minamahal kita)

Wala ako magagawa (walang magagawa

Tanggap ko oh aking sinta, pangrap lang kita"

Ito ang part na dapat silang mag emote, para daw mas dama ng mga audience ang kanta. Nung una ay medyo nahihiya pa sila, dahil alam nilang dalawa na may bf na si y/n. Pero pinagsabihan nalang sila ng isang staff.

Staff: Damahin niyo yung kanta, isipin niyo yung ganung scenario. Mahal niyo ang isa't- isa pero hindi pwedeng maging kayo.

Ken: Hindi naman kaya ma ano si justin?

Staff: Hindi yaaan.. acting lang naman diba? bakit may totoong feelings bang involve sa inyo? wala naman diba?

Ken and Y/N: Wala.. (malamyang sagot ng dalawa)

Nagkatinginan sila, at inumpisahan ulit nila sa umpisa.  Sinubukan na nilang lagyan ng feelings ang pag deliver ng kada linya nila. At unti unti na nilang na eenjoy ang ginagawa nila.

Biglang dumating si Sejun.. 

Sejun: Owww meron nga pala kayong performance.

Ken: Meron nga.. bakit ka andito?

Sejun: Kanta.. 

Y/N: Meron kang bagong sinulat na kanta?

Sejun: Oo, parinig ko sayo mamaya.

Kinuha ni Sejun ang CP niya at mabilisang nagselfie kasama sila Ken at y/n.

Y/N: Para san naman yan?

Sejun: Send ko lang sa gc namin. Tinatanong nila kung ano ginagawa ko eh 

at sinend nga agad ni Sejun ang picture sa gc nila. Nakita agad ni Justin yun, napatayo sa higaan si Justin na kasalukuyan nagpapahinga nung mga oras na yun. 

SA GC --------------------------------------

Justin: Sa office ka ngayon?

Sejun: Oo, andito sila Ken at y/n,practice nila para sa duet nila next week.

Justin: Kanina pa daw sila?

Sejun: Oo daw, kanina pa silang 9am dito. Teka, ikaw lang ata gising ah. Mukang tulog sila Josh at Stell, hindi nang si seen.

Justin: Punta ko dyan, wait

Sejun: huh? seryoso? bilis ah 

Justin: wala lang, wala akong magawa dito sa bahay eh 

SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon