Ken and Justin Imagine Part 23

339 10 1
                                    

Nagpunta sila Justin at Y/N dakilang tambayan , ang ROOFTOP.. 

pagdating na pagdating nila sa rooftop ay agad na bumitaw na si Y/N kay Justin..

Justin: Ok ka na ba?

Y/N: Ano sa tingin mo?

Justin: Hindi.. 

Y/N: Alam mo naman pala, tinatanong mo pa

Justin: Ok, sorry na.. di ko naman sinasadya na ganun yung way ng pakikipag usap ko sayo nung nakaraan. 

Y/N: Hindi ko naman kasi maintindihan eh kung bakit parang nagseselos ka kay ken. Samantalang dati, lagi naman na tayong magkakasama pero di ka nagseselos.

Justin: Ewan ko rin eh.. siguro kasi mas naging close na kayo ngayon? At tsaka yung feeling na parang mas masaya ka na kasama siya.

Y/N: At bakit mo naman na naisip na mas masaya akong kasama siya ha? Ikaw ang boyfriend ko.. Sorry sa term , pero napaka immature mo naman kung ganyan ka mag isip! 

Justin: Siguro nga immature ako.. pero yun kasi nararamdaman ko, bakit hindi ba totoo?

Natahimik si y/n at nauutal na sumagot.

Y/N: Hi...hindi totoo yan.

Justin: Alam mo, nararamdaman ko naman yung totoo. At alam ko rin na tinatanggi mo lang yun sakin at sa sarili mo kasi "tayo".

Y/N: Hindi yun ganun Justin.. kasi..

Justin: Aminin mo nalang sa sarili mo.. And meron din akong gustong sabihin sayo. Tutal nasabi mo narin sakin na immature ako. Naisip ko na baka din hindi pa tama na magkaroon ako ng girlfriend. 

Y/N: Huh? Sandali lang, hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin Justin. 

Justin: Pinag isipan ko to ng mabuti.. pinangako ko sayo dati na iingatan ko ang puso mo. Alam ko simple at corny, pero di ko natupad yun

Y/N: Tama na nga Justin..

Justin: And isa pa, feeling ko.. madali lang mawawala yung feelings ko.. kasi di naman kita ganun kamahal, feeling ko nga infatuation lang to eh .. 

Natahimik si y/n sa mga sinabi ni Justin. Hindi siya makapaniwala na feeling ni Justin ay infatuation lang ang lahat. Nagpaalam na si Justin. Ganun ganun lang ay wala na silang dalawa. Hindi alam ni y/n kung anong gagawin niya. Sobrang sakit na wala na silang dalawa at ganun lang kadali. 


Samantala naman, bumalik na si Justin sa dance studio. Kinuha na ni Justin ang gamit niya at nagpaalam sa isang staff na biglang sumama ang pakiramdam niya. Hindi naman na nakausap ng ibang members si Justin dahil di na ito nagpaalam sa kanila.

Hindi narin nila hinabol si Justin dahil mukang seryoso ang muka nito. Ayaw naman nila na mainis pa ito sa kanila. Naisip nalang nila na hanapin si y/n. Nakita nila ito sa rooftop. Nakaupo siya sa gilid ng building. Kaya naman agad na kinabahan si Sejun at Stell.

Sejun , Stell: Y/N!!! Wag kang tatalon!! Pagusapan natin to! 

Napalingon si Y/N at agad naman siyang hinablot ni Josh at inilayo sa gilid ng building.

Y/N: Wala naman akong balak tumalon guys.(humihibing sagot ni y/n)

Stell: Mabuti nang sigurado kami. Ano ba kasing nangyari?

Y/N: Wala

Sejun: Panong wala?

Ken: Wala na sila

Nagulat sila sa paglabas ni Ken sa isang sulok.

Josh: Andito ka pala?

Y/N: Teka! Andito ka? Kanina ka pa?

Ken: Oo, sinundan ko kayo kanina. At narinig ko lahat.

Sejun: Teka lang ha.. So wala na kayo? Seryoso ba to? Totoo ba sinasabi ni Ken?

Y/N: Oo 

Iiyak nanaman dapat si Y/N pero niyakap na siya agad ni Sejun.

Sejun: Oh! Wag ka nang umiyak. Baba na muna tayo, kuha tayo ng tubig.

Bumaba na sila kasama si y/n at agad naman kumuha ng tubig si Stell. Dala dala naman ni Josh ang mga gamit ni y/n. 

Stell: Pwede mo ba ikwento samin ang nangyari? 

Josh: Wag na muna siguro ngayon. Sa susunod nalang.

Sejun: Oo nga, baka maiyak nanaman siya. 

Ken: Gusto mo ihatid ka nalang namin sa dorm?

Napatingin si y/n sa kanya.

Y/N: Wag na, pagod narin kayo. Kailangan niyo na magpahinga.

Josh: No! Ihahatid ka na namin. Baka mapagtripan ka pa sa daan.

Stell: Ihahatid ka na namin. Wag ka na makulit ok?

Tumango nalang si y/n at mamaya maya pa ay naghanda na sila para umalis. Hinintay lang nila na kumalma si y/n.

Hinatid ng mga members si y/n hanggang sa mismong tapat ng dorm na tinutuluyan niya. At bago umalis ang mga members ay isa isa niya itong niyakap para pasalamatan.

Josh: Kakamustahin ka namin bukas ha. Umaayos ka , wag kang gagawa ng kalokohan.

Sejun: Oo nga, alam mo na yung sinasabi naming kalokohan ha.

Y/N: Oo alam ko na yun. Ingat kayo

At sabay sabay nang umalis ang mga members. 












SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon