Kinabukasan ay sakto naman na merong practice ang grupo. Masyadong maraming nangyari kaya naman medyo awkward ang grupo. At syempre napansin agad ni teacher yun. Kaya naman, nang ma kumpleto ang grupo ay agad silang sinabihan ni teacher na gawin uli ang madalang nalang nilang gawin, ang pag uusap habang magkakahawak ng kamay. Pinagharap nila sila Justin at Ken, dahil gusto na nilang matapos ang hindi nila pagkakaintidihan.
Sejun: Ok guys, alam naman natin kung sino ang mga may dapat ayusin dito diba?
Stell: hindi naman na natin kailangan banggitin
Ken: Alam na namin yun.
Justin: At medyo mahirap pa pag usapan yan, sorry
Josh: Hindi niyo maaayos yan kung di niyo pag uusapan
Justin: Sa susunod nalang siguro, subukan nalang natin isipin na walang something na nangyayari dito
Sejun: Alam niyo kayo naman bahala talaga, kami andito lang kami kung kailangan niyo kami.
Stell: Group hug nga tayo
Nag group hug sila at tsaka nila inumpisahan ang practice nila. Hangga't maaari ay sinusubukan nila na alisin ang awkwardness.
Natapos ang araw na hindi parin masyadong nagpapansinan sila ken at justin.
Isang linggo na at walang pagbabago, hindi rin pumunta ng training si y/n ng isang linggo para iwasang makita si justin. Sinabi nalang niya na kailangan niya magpahinga dahil meron siyang flu.
Napilitan lang siya pumasok nang sabihin na baka manganib siyang matanggal sa pagiging trainee kapag hindi pa siya nakapasok sa sumunod na linggo. Kaya naman pumunta agad si y/n ng office nang sumunod na linggo.
Stell: Oh! buti nakapasok ka na
Sejun: Ok ka na ba? Papasok ka sa class ngayon?
Y/N: Oo , kailangan ko na pumasok.Ayoko matanggal.
Sejun: Hindi yan, tiwala lang at dasal.
Y/N: Sana nga.
Ilang araw narin pumapasok si y/n, nagkikita sila ng mga members ng SB19 sa office pero hindi sila masyadong nakakapag usap dahil busy ang bawat isa.
Isang araw nalang ay biglang kinausap si y/n ng isang staff dahil nga sa 1 week na absence niya. Nanganganib na nga siyang matanggal, at kailangan niyang galingan sa paparating na evaluation. Kinabahan agad si y/n dahil nalaman niya na kasama sa manonood ang SB19.
Staff: Actually, ang original na desisyon ay matatanggal ka na, pero .... well nevermind.. basta galingan mo! Aja!
Y/N: Pero ano po? pero anyways, thank you for giving me another chance.
FLASHBACK----------------------------------------------------------
Naguusap ang staff tungkol sa pagtanggal kay y/n as trainee dahil nga unfair sa iba na nakapunta sa evaluation. Paalis na sana ang isang staff pero hinarang siya ni justin.
Justin: Maam Rose? Ok lang po ba kung bigyan niyo pa po ng isang chance si y/n. Meron lang po kasi talaga siyang flu, kakadalaw ko lang po sa kanya nung isang araw. Mahirap naman po kung papasok parin siya.
Maam Rose: hindi ko alam, pero sige susubukan ko iexplain sa iba.
Justin: Thank you po maam, sana nga po maging ok na siya.
Maam rose: Ok bumalik ka na sa kung ano man ang ginagawa niyo. Ako na ang kakausap sa iba ok?
Justin: ok po maam, thank you po talaga.
BINABASA MO ANG
SB19 Ken and Justin Imagine
FanfictionFor entertainment purposes only.. Mga pangyayari na sana ay magkatotoo.