Ken and Justin Imagine Part 24

352 11 2
                                    

Kinabukasan maagang gumising si Ken at nag gayak na siya. Wala silang sched ng araw na yun. Di siya nakatulog buong gabi dahil sa pag aalala kay y/n. At lalo pa't narinig niya na siya ang dahilan ng pag aaway ng dalawa. Hindi siya makapaniwala na ang closeness nila ni y/n ay meron nang ibang ibig sabihin kay Justin. 

Agad agad siyang umalis at bumyahe na papunta sa dorm ni y/n. 

Pagdating niya sa dorm ay wala si y/n dun, habang katok siya ng katok sa pinto ni y/n ay merong tumapik sa likod ni ken na isa rin sa nag dodorm don.

Guy: Wala siya jan, nakita ko siya na umalis kaninang mga 6am ata yun. Di ko alam kung san pupunta, di kasi siya sumagot nung tinanong ko. Nginitian lang niya ko.

Ken: Ah ganun po ba.. Sige po salamat sa info.

Kinakabahan na umalis si Ken sa dorm ni y/n , sinubukan niyang tawagan ito pero hindi niya sinasagot ang phone niya, kaya naman mas lalo itong kinabahan. Tinawagan ni Ken ang office nila, pero wala rin si y/n dun. Isip siya nang isip, kung san pwede pumunta si y/n. 

Habang naglalakad ay naalala niya na nabanggit ni y/n sa kanya na stress reliever niya ang mga aso. Kaya naman naisip niya na pumunta sa isang dog cafe para tingnan kung andun si y/n pero wala parin si y/n don. Tinanong ni Ken ang may ari ng cafe.

Cafe owner: Madalas nga siya dumaan dito pero di siya pumunta ngayon, ilang araw narin siyang hindi dumadaan dito

Ken: Ah ganun po ba? Sige salamat po.

Sinubukan na tawagan ni Ken ang ibang members, pwera kay Justin. At agad naman nagising ang diwa ng mga ito. Habang papaalis ng Cafe ay naisip ni Ken na dumaan ng arcade kung san sila naglaro ni y/n dati. 

Sakto naman na bukas na ang arcade. At dun nga niya nakita si Y/N. Nakita niya  ito na naglalaro ng tekken mag isa. Napangiti si Ken at agad na nilapitan si Y/N at binatukan.

Ken: Hoy! Kanina pa kita hinahanap.. jusko naman

Y/N: Sorry naman po, bakit mo naman ako hinahanap?

Ken: Malamang kasi di namin alam kung nasan ka na.. tapos di ka pa matawagan. 

Agad na tiningnan ni y/n ang phone niya at nakita niya na merong 30 missed calls galing sa mga members.

Y/N: Sorry ha, naka silent kasi eh .. 

Ken: Ok lang, next time wag mo i silent yang phone mo ha. Sobrang kabado ako, kami!

Y/N: Ok pooo.. tara laro tayo! 

Ken: Sandali lang, mag chat muna ako sa ibang members, nagalala din yung mga yun sayo.

Nagchat muna si ken sa ibang members at ibinaba na niya ang gamit para maglaro.

After ng isang laban ay inaya na muna ni Ken si y/n na magusap.

Ken: Y/N? Ok lang ba kung mag usap muna tayo?

Y/N: Sige lang.. (smiles)

Ken: Tungkol sana sa nangyari kahapon. 

Nawala ang ngiti ni y/n pero agad naman siyang tumango.

Ken: Sorry kung ako pala yung dahilan kung bakit nag away kay ni Justin. Dapat talaga hindi nalang ako masyadong naging close sayo.

Y/N: Alam mo, wala ka namang kasalanan dun. Tsaka hindi lang naman ako sayo naging close pati rin naman sa ibang members eh 

Ken: Baka merong ibang dahilan.. 

Napaisip si Y/N at narealize niya na si Ken ang umpisa ng lahat ng nangyari, kung bakit naging sila ni Justin at kung bakit din sila nagkahiwalay . 

Y/N: Feeling ko, alam ko na kung bakit.. wag ka magagalit sakin ha.

Ken : Ano ba yun? Sige hindi ako magagalit

Y/N: Kasi, kaya lang naman naging kami ni Justin, well, ganto kasi yan.. Ahmm, pano ko ba uumpisahan? Kasi, naalala mo pa yung ki niss mo ko dati?

Ken: Ahhmm oo, matagal na yun ah.. (namula agad ang muka ni Ken)

Y/N: Dahil kasi dun, nagkausap kami ni Justin.. At nacurious si Justin kung bakit mo ginawa yun.. knowing na mataas ang respeto mo sa babae. At dahil dun , na curious din ako at nagkasundo kami na magkunwari na "kami"

Ken: Ano?! So hindi talaga kayo?

Y/N: Nung una lang yun, gusto kasi namin malaman kung magseselos ka or what.. Pero after ng ilang months na pagpapanggap, naisipan namin na totohanin na, actually si Justin ang nakaisip nun.

Ken: At ?

Y/N: Tapos naging kami na. Tapos ngayon, siya din ang tumapos ng relationship namin. 

Ken: Gusto kong mainis sa inyo, pero nagsabi ako na hindi ako magagalit.. sandali lalabas lang ako..

Lumabas si Ken at dun niya nilabas ang inis niya.. Sumigaw siya nang sumigaw.. Naisip niya kasi yung pagpigil niya sa feelings niya for y/n dahil akala niya ay totoo na meron silang relasyon. Tapos malalaman niya na ganun lang pala yun. 

Sana pala pinakita ko nalang na nagseselos ako. Sana pala sinabi ko na agad sa kanila. Sabi nalang ni Ken sa sarili niya. 

Naiinis siya sa mga nangyari, pero di niya kayang mainis kay y/n. 

At ngayon na medyo nakakaya niya nang kalimutan ang feelings niya para kay y/n ay malalaman niya ang mga bagay na to. 

Habang sumisigaw si Ken ay pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan, natigilan lang siya nang merong yumakap sa kanya mula sa likod.

Pagtalikod niya ay nakita niya na si y/n pala ito.

Y/N: Sorry Ken, siguro sa ibang lugar nalang tayo mag usap. (naluluhang sabi ni Y/N)



SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon