Ken and Justin Imagine Part 22

368 10 0
                                    


Hindi kinaya ni Justin ang eksena sa stage, kahit na alam niya na acting lang ang mga nangyari, hindi naman maiiwasan na magselos siya. Girlfriend niya si Y/N , meron siyang tiwala dito, pero masakit parin.

After ng performance ay agad na hinanap ni Y/N si Justin.

Y/N: Stell? asan si Justin?

Stell: Di ko napansin 

Josh: Oo nga nuh, kanina lang katabi ko yun ah

Y/N: Haist, sige hanapin ko nalang siya.

Hinanap na nga ni y/n si Justin. Nakita niya ito na may kausap na ibang trainee. Napakunot naman ang noo ni y/n nang makita na tinapik pa nung babae si justin sa balikat habang nagtatawanan sila. Nilapitan ni y/n si justin at hinila ito.

Justin: Oh! tapos na pala performance niyo?

Y/N: Oo, nawala ka nga eh.. anong pinag uusapan niyo?

Justin: Wala naman, nagseselos ka ba?

Y/N: Sa tingin mo?

Justin: Oo, teka, nagkukwentuhan lang naman kami..

Y/N: Talaga ba?

Justin: Bakit? kayo din naman ni ken ganto magkwentuhan ah.. mukang na enjoy mo pa nga duet niyo kanina eh 

Y/N: Acting lang yun.. Alam mo naman yun

Justin: Talaga ba?

Nainis na si Y/N kay Justin at iniwan niya si justin na inis din. Pabalik na si y/n nang makasalubong niya si Ken at Sejun. Pero nilagpasan lang sila ni y/n at parang umiiyak. Agad naman nag alala si Ken kaya sinundan niya ito.. 

Tulad nga ng inaasahan niya, umiiyak si y/n sa gilid ng tent. Pero nung lalapitan na niya ito ay bigla siyang tinapik ni sejun dahil magpeperform na sila.

Habang nagpeperform sila ay di maiwasan na makita sa muka ni Ken na meron siyang iniisip. Pagkatapos na pagkatapos nilang magsalita sa stage ay hinanap na ni Ken si y/n sa mga staff. 

Ken: Te? Nakita mo si y/n? di ko kasi makita

Staff: Naku, nauna na siyang umalis, nagpaalam na siya kay tatang robin, masama daw pakiramdam niya.

Ken: Ganun ba?

Justin: Bakit hinahanap mo si y/n?

Ken: Parang nakita ko kasi na umiiyak siya kanina

Napaisip naman si Justin at nakonsensya dahil alam niya na siya ang dahilang kung bakit umiiyak si y/n.

Naisip ni Justin na tawagan si y/n pero naka off ang phone nito.

After ng event ay dumaan muna sila sa office para kunin ang gamit nila. Walang kibo sila ken at justin dahil pareho silang iniisip kung ano na nangyari kay y/n. 

Samantala naman, walang tigil parin si y/n sa pag iyak sa kwarto niya. Hindi niya alam kung bakit ganun nanaman attitude ni justin sa kanya. Sobrang bihira lang na magkasagutan sila ni Justin at kadalasan ay nag sosorry agad ito. Pero this time iba, at ngayon lang parang nagselos si justin kay ken. Lagi naman silang magkasama noon pero di naman nagseselos si justin. Kaya naman naninibago si y/n.

Habang nasa byahe naman si justin.. Malalim siyang nag iisip, ngayon palang ay hindi na niya natutupad ang pangako niya kay y/n na iingatan niya ang puso nito. Pero hindi narin niya napigilan ang selos niya kanina. 

Kaya naman, nag message siya kay y/n.

"Y/N Sana basahin mo tong message ko, itext mo ko kung ok ka na, nagaalala ko sayo. Sorry kanina, alam ko na dapat sumagot nalang ako ng maayos. Siguro mag usap nalang tayo pag ok ka na.. gusto ko sana na sa personal tayo mag usap."

Binasa ni y/n ang message pero hindi pa siya handa na makipag usap kay Justin sa personal. Alam niya na maliit na bagay lang ang pinag awayan nila. pero base sa text ni justin alam din niya na meron parin itong sama ng loob. Naisip niya na hindi na muna niya kakausapin si Justin.


Isang linggo ang lumipas na walang pansinan sila Justin at y/n.


Sejun: Ja? Halika nga, anong problema sa inyo ni y/n?

Justin: Hindi ko rin alam eh

Sejun: Pwede ba yun? Girlfriend mo siya diba? Kayo parin?

Justin: hindi ko narin alam. 

Sejun: Ang gulo niyo rin eh.. kung meron kayong problema, pag usapan niyo ng maayos hindi yung hindi nalang kayo magpapansinan dyan.

Justin: Alam ko naman yun, pero iniiwasan ako ni y/n

Sejun: Sige ako bahala sa inyo


Hinila ni sejun si justin papalapit kay y/n. 


Sejun: Mag usap nga kayong dalawa ha

Umalis si y/n at tahimik na lumabas ng office. 

Sinenyasan naman ni sejun si Justin na sundan na ito. Pero nagdadalawang isip pa siya.

Samantala, habang naglalakad si y/n sa corridor ay nakasalubong niya si ken na kakarating lang. Nangingilid nanaman ang luha ni y/n at napansin agad ito ni ken. Kaya naman hinawakan niya si y/n sa kamay para pigilan ito sa paglalakad.

Ken: Pwede ba magsabi ka kung meron kang problema? 

Hindi sumagot si y/n, yumuko lang ito at tuluyan na siyang umiyak habang pinipilit na tanggalin ang pagkakahawak sa kanya ni Ken.

Ken: Magsalita ka na kasi.. Nagaalala na kami sayo.

Umiiyak lang si y/n at nang akmang yayakapin na sana ni Ken si y/n , biglang bumukas ang pinto ng office at lumabas si Justin. Mabilis na naglakad si Justin papalapit sa kanila at hinawakan ang isa pang kamay ni y/n.

Justin: Pwede mo na siyang bitawan.

Tumingin lang si Ken kay Justin nag aalanganin siyang bitawan si y/n

Justin: Kailangan namin mag usap, girlfriend ko siya at aayusin naman kung meron mang problema.

This time ay nagsalita na si y/n, namamaga na ang mata niya sa kakaiyak.

Y/N: Ok lang ken, mag uusap lang kami. 

Agad na binitawan ni ken si y/n.

Pakiramdam ni ken ay dinudurog ang puso niya nang makita si y/n na umiiyak. Natulala nalang siya habang pinapanood na papalayo sila Justin at y/n sa kanya.


SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon