Kinabukasan -----------------------------------------------------------------
Maagang gumising si y/n para makapaghanda ng maaga. Di pa kasi niya alam kung anong isusuot niyang damit. Syempre makakasama niya si Justin. Kahit bihira lang siyang mag dress, inilabas niya agad ng dress niya. Medyo simple lang naman yung dress, kulay blue-green and white na medyo floral. Yun kasi agad ang naisip niyang isuot. Well its a special day naman. Kinikilig na nag iimagine si y/n ng pwedeng maging reaction nila Justin pag nakita siya. At ayun na nga, bumalik na siya sa pag aayos niya, gusto niya kasi na maaga siyang makarating ng office, para naman di nakakahiya kay Justin. Baka kasi mauna pa sa kanyan yung tao.
Maaga naman nakarating si y/n sa office nila (excited eh).. 9am pa ang time niya, pero andun na siya ng 8am. Agad naman siyang naupo sa desk niya at nag umpisa na gumawa.. sandaling oras nalang ang natitira sa kanya kasi ipapasa niya na yun within that day. Nakagawa naman na siya ng ilang design ideas kahapon, pero di pa siya kontento.
Maya maya pa ay merong biglang tumabi sa kanya. Hila hila ni justin ang isang upuan at ilagay a tabi ni y/n. Nagulat naman si ate girl at dahil sa reaction niya ay natawa si Justin.
Justin: Gulat na gulat? Nakakailang kape ka ba sa isang araw?
Y/N: Grabe naman kasi , bigla ka nalang sumusulpot , nakakagulat parang utot!
Justin: (natawa) naks! merong rhyme!
Y/N: Hay naku, balik na nga sa trabaho.. Ipapasa ko na to mamaya.
Justin: Mamaya agad?
Y/N: Oo, yun ang sabi sakin. Nagawa ko naman na yung ibang ideas ko kahapon. Bale ang gagawin ko ngayon ay yung idea mo at kung meron pa kong maiisip na iba.
Justin: Ahh ganun pala. edi umpisahan na natin. Meron ka bang papel at lapis jan?
Y/N: (kumuha sa drawer niya) eto oh
Justin : Agad na nag explain si Justin ng mga ideas niya.
Samantala naman, habang nag eexplain si Justin, medyo natutulala si y/n.
Jusko naman, bakit ba kasi ang gwapo netong lalakeng to? Tapos ako pa na assign dito? Grabeeeee di na ko makahinga. Nasa langit na ba ko? Anghel ba tong kasama ko? Kaso bulag naman, di man lang niya napansin na ang ganda ko ngayon.. Pero baka naman kasi feeling ko lang maganda ako ngayon, pero para sa kanya hindi naman. Hay naku.. ang sad naman po pala.
Justin: Ok! nagets mo ba?
Y/N: Ahmm di masyado, sorry, pwede pa ulit (nagulat siya nang tanungin siya ni Justin)
Justin: Halaaa, sabaw ka ngayon ah, kumain ka na ba?
Y/N: Oo naman, ang pagkain ay isang sagradong gawain na di ko makakalimutan.
Justin: Eh bakit parang lutang ka?
Y/N: Nakaka pressure na ewan, dami ko rin kasing iniisip.
Justin: Ahhh ganun ba? wag mo kasi masyadong i pressure sarili mo, tsaka meron ka naman nang nagawa eh. Kabahan ka kung wala ka pang nagagawang design kahit isa.
Y/N: Sabagay..May point ka dun.
Nagtawanan lang ang dalawa, dahil dun, nabawasan na ang kaba ni y/n.
Bumalik na sila sa pag construct ng design. Di nila namalayan ang oras, nagulat nalang sila nang biglang kinalabit ni Sejun si Justin mula sa kinauupuan nito.
Sejun: Andito ka lang pala, anong oras na, 5 mins nalang 1pm na, halika na kumain na tayo at nang makapag umpisa na sa practice. (napatingin kay y/n) Naks naman! naka dress siyaaaa..
Y/N: Bihira ko lang isuot to. Di pa kasi tuyo damit ko eh.
Sejun: Lagi ka mag susuot ng ganyan. Bagay sayo, pwede ka na maging model. Hmm..Teka ano pala ginagawa niyo?
Justin: Diba sinabi ko na sa inyo kahapon to?
Sejun: Ahh oo nga pala, yung design?
Justin: Yup!
Sejun: Ano tapos niyo na ba?
Y/N: Actually patapos na, (tinapik si Justin) alam mo, sumama ka na kay sejun , kaya ko na tapusin to. Salamat sa ideas mo.
Justin: Sure ka?
Y/N: Oo ngaaaa, ako na bahala, ako pa?!
Justin: Ahh sige sige .. (tumayo na at ibinalik ang inupuan niya sa datin nitong pwesto)
"Ahh by the way, I agree with Sejun, bagay sayo naka dress.. (sweet smile)"
Umalis na sila Justin at Sejun, at naiwan si y/n na kilig na kilig. Hindi kasi nasayang ang effort niya na magbihis ng maganda.
BINABASA MO ANG
SB19 Ken and Justin Imagine
FanfictionFor entertainment purposes only.. Mga pangyayari na sana ay magkatotoo.