Ken and Justin Imagine Part 5

619 17 1
                                    

"Ahhmm Sir Justin? tawag po kayo ni Ma'am Rose, meron daw siyang itatanong sayo" nahihiyang sabi ni y/n.

"Grabe naman sa "Sir" , di mo naman kami kailangan tawaging "sir" sabi ni Justin sabay ngiti kay y/n.

"Ahh ok ok sige, noted!" sagot naman ni y/n.

Sejun: sige na Ja, wag mo na pag antayin si ma'am rose at baka mapagalitan ka pa.

Justin: Kailan ba nagalit sakin si ma'am rose?

Josh: Oo nga naman.

Lumakad na nga papalapit si Justin kay y/n at sabay na sila umalis at lumakad na papunta sa office. 

Sa paglalakad nila ay walang imik si y/n, di niya kasi alam kung pano mag uumpisa ng usapan. Sobrang bilis parin ng tibok ng puso niya. Ikaw ba naman diba? Abot kamay mo na si crush! Pero syempre sinusubukan ni y/n na pigilan ang sarili sa pag freak out sa harapan ni Justin. 

Samantala, si Justin naman ay nag iisip narin kung pano ba mag uumpisa ng usapan. Gusto kasi niya na mawala na ang awkwardness sa hangin na nilalanghap nilang dalawa. Sinusubukan din niyang pigilan ang sarili na sabihin kay y/n na meron silang video nito na nagsasayaw, dahil baka di niya magustuhan.

At nag umpisa na nga magsalita si Justin.

Justin:  Ahmm so kamusta naman dito sa ShowBT?

Y/N: Ok naman , ang babait ng mga kasamahan ko sa department namin. 

Justin: Lahat naman kami dito mababait eh . Pag merong nagsungit sayo, malamang dahil sa pagod yun.. Pero bihira mangyari yun. Pero di naman nakaka pressure yung gawain?

Y/N: Hindi naman, halos wala pa nga akong gawa. Kakabigay lang sakin ng assignment kanina. Pero di naman ganun kahirap. 

Justin: Na eenjoy mo naman trabaho mo so far?

Y/N: Sobra! Pangarap ko talaga magtrabaho dito kasi andito kayo! (napatakip si y/n sa bibig) Sorry, nadala lang ako ng emosyon, fan niyo kasi ako eh ... (sabay ngiti)

Justin: (cute laugh) Ok lang yan.. Nakakatuwa nga na hindi ka masyadong naiilang na kausapin kami. Kasi karaniwan, nahihiya kaming kausapin ng mga fans. Pero sa totoo lang pag kausap namin kayo, ang gusto namin walang hiyaan, yung parang magkakaibigan lang tayo. Para naman masaya at di awkward. 

Y/N: Sabagay, simula ngayon di na ko mahihiyang kausapin kayo.

Justin: Ganyan ! Ganto ha, pag nailang ka sa pakikipag usap samin, ililibre mo ko. ok?

Y/N: Sige ba! Ako pa hinamon mo.. Kung alam mo lang kung gano kakapal muka ko.

Nagtawanan silang dalawa. Nagpatuloy lang ang pag uusap ng dalawa hanggang sa makabalik na sila department nila y/n. 

Samantala----------------------------------------------------------

Sejun: Ano na kaya nangyari dun sa dalawa? Awkward kaya sila?

Stell: Feeling ko hindi, kasi nung nakausap ko nga si y/n, di naman kami awkward.

Josh: Malalaman natin yan mamaya pagbalik ni Ja. 

Napatingin sila kay Ken na nananahimik.

Sejun: Huy! Ano ba nangyayari sayo? Wag ka na ma guilty na vinideohan mo si y/n kanina sa rooftop.

Ken: Wag ka ngang maingay! Baka mamaya merong makarinig sayo. 

Stell: Sus! Ano naman?

Ken: Baka makarating kay y/n tapos magalit sakin.

Sejun: Grabe ka naman. Di naman siguro ganun si y/n.

Josh: Eh pano nga naman kung anong isipin nung tao.

Stell: eh bakit mo ba kasi vinideohan si y/n? 

Ken: Natuwa lang ako nung nakita ko siya magsayaw. Di ko nga dapat isesend sa inyo. Na wrong send lang ako, dapat sa sarili ko isesend yun, back up.

Stell: Ah ganun palaaaaa

Sejun: Sige sabi mo eh 


-------------------------------------------------------------------------

"Justin, diba sabi mo meron kang idea para sa fanmeeting banner? I mean yung design or theme ba yung sinabi mo sakin? "tanong ni Ma'am Rose.

"Ah opo, Theme po yun.. " sagot ni Justin

"Well I want you to talk with y/n about sa idea mo, baka makatulong sa ginagawa niya"

"Ok po Ma'am" nakangiting sagot ni Justin

"Meron ba kayong practice bukas?" tanong uli ni ma'am rose kay justin.

"Meron po, pero baka daw po late na kami mag start.. kasi polishing nalang naman po. Baka mga 11 na kami mag umpisa or after lunch. "

"Ok, bukas na ninyo pag usapan ni y/n ang tungkol jan ok?"

"Ok po.. " 

"Y/N, tomorrow , mag usap kayo ni Justin about sa assignment mo ha. Marami ding magandang idea tong si Justin sa mga ganyan."

"Ok po ma'am" sagot agad ni y/n na sobrang saya dahil makakasama niya uli si Justin sa mga susunod na araw.


SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon