Pagkagising ni Y/N ay binuksan niya agad ang Cellphone niya at nabasa niya na merong message si justin sa kanya.
"Y/N , kita tayo ngayon.. meron akong gustong sabihin sayo, sunduin kita ng mga 9am"
Nagising agad ang diwa ni Y/N dahil pagtingin niya sa oras ay 8am na!
Grabe naman kasi mang gulat si Justin, biglaan kung mag aya. Nagayos na agad si y/n at maya maya ay kumakatok na sa pinto niya si Justin. At nagmamadali naman si y/n na buksan ito.
Y/N: Grabe ka! Anong meron ngayon?
Justin: Wala naman, meron lang akong gustong sabihin sayo.
Y/N: Ok, san tayo pupunta?
Justin: Basta, sumama ka nalang sakin
Y/N: HIndi naman ako gagastos diba?
Justin: Hindi naman..
Y/N: Ok, sige! Halika na!
Umalis na sila at dinala siya ni Justin sa Enchanted Kingdom. Habang nasa byahe ay nagkwentuhan muna ang dalawa.
Y/N: Justin? Pwede ba ko magtanong?
Justin: Oo naman, ano ba yun?
Y/N: Hanggang ngayon kasi iniisip ko kung bakit mo pa ipinakiusap na wag akong tanggalin sa pagiging trainee ko?
Justin: Ah yun ba? Well, kasi, ang dami mo nang effort and sacrifices para lang maging trainee. Ayoko naman na mawala agad yun nang dahil lang sa walang kwentang bagay.
Hindi man lang makatingin si Justin kay Y/N habang sinasagot ang tanong nito. At natahimik naman sandali si Y/N dahil sa paliwanag ni Justin. Alam ni Y/N na ang tinuturing ni Justin na walang kwentang bagay ay ang breakup nilang dalawa, kaya naman para siyang kinurot sa puso dahil sa sinabi ni Justin.
Y/N: Alam mo , kung walang kwentang bagay yun, hindi ako malulungkot ng ganun. Sa totoo lang, kaya sobrang thankful ko sa ginawa mo? kasi narealize ko na kailangan ko rin isipin ang sarili ko at hindi lang ang ibang tao.
Justin: Mmhmm..
Y/N: Hindi naman kita sinisisi dun, choice ko naman na paikutin ang mundo ko sayo, kahit na alam ko naman sa sarili ko na marami pang dapat isipin hindi lang yun..
Justin: So kamusta ka naman sa pagiging trainee mo?
Y/N: Honestly, kahapon, iniisip ko na mag give up sa pagiging trainee. Kasi sa totoo lang, ang main reason kung bakit ko to pinasok is ikaw..
Napatingin si Justin kay y/n dahil sa sinani nito.
Y/N: Sobrang gusto ko na mapalapit sa inyo, lalo na sayo. At ayun nga, nagawa ko yun.. kaso mapaglaro ang kapalaran, higit pa dun yung binigay niya sakin. Naging tayo, pero hindi nga lang naging ok.. (awkward laugh)
Justin: Oo nga eh, ang daming twist and turns ng tadhana.
Y/N: Pero atleast nag mature tayo at marami tayong na realize sa sarili natin diba?
Justin: Oo naman (smiles)
Iniba ni Justin ang usapan dahil nagiiba nanaman ang simoy ng hangin sa loob ng sasakyan.
Justin: Maiba ako, kamusta naman pala pagiging trainee mo? Kasama ka parin ba sa top trainee?
Y/N: Well, hindi na nga eh.. medyo nawalan kasi ako ng gana nung mga nakaraan, kaya yun
Justin: Hay naku... umayos ka nga.. dapat makasama ka uli sa top.
Y/N: Sus! Kaya pa naman siguro
BINABASA MO ANG
SB19 Ken and Justin Imagine
FanfictionFor entertainment purposes only.. Mga pangyayari na sana ay magkatotoo.