Fast forward sa start ng shooting for music video..
1st day ng shooting nila at sobrang excited ang lahat nang malaman nila na sa Baguio sila pupunta.
Stell: Grabe!! nakakaexcite talaga pag sa baguio pupunta!
Justin: Merong aircon kahit saan ka pumunta.
Ken: Ang lamig nga eh
Sejun: Teka lang, nasan naman si y/n?
Stell: Kasama ata ni Josh, bumili ng pagkain.
Justin: San sila bumili?
Stell: Edi dun sa lagi nating binibilhan.
Justin: Sundan ko na sila.
Bago pa umalis si Justin ay natanaw na agad niya sila josh na paparating na at maraming dalang pagkain. Agad siyang tumakbo papunta kay y/n para tulungan ito.
Y/N: Salamaats
Josh: Grabeeeeee... marami din akong dala oh.. baka naman pwede mo rin bawasan..
Pero bago pa abutin ni Justin ang dala ni Josh, dumating naman si Stell at siya na ang umabot ng dala nito.
Josh: Whoooh! Salamat naman..
Sejun: Guys! Bilisan na natin, aalis na daw tayo.. Oh sino sa likod?
Justin: Ako nalang..
Pumasok na agad si Justin sa likod at sumunod na sila Stell at Josh. Nauna naman na naupo si Sejun sa bandang gitna at sumunod na si ken. Dapat isasara na ni ken ang pinto pero pinigilan ito ni y/n.
Y/N: Sandali lang naman, kasama niyo rin ako remember?
Ken: Teka,akala ko kasama ka nila teacher dun sa kabilang van?
Y/N: Akala ko rin eh, kaso sabi sakin dito nalang daw ako, pwede pa naman daw.. sooo andito na ko..
Justin: Edi masaya, meron pang dagdag na maingay dito.
Y/N: Kung di ako makakatulog sa byahe. Antukin pa naman ako minsan.
Stell: Oh sige na, magkukwentuhan muna tayo bago pumasok si y/n? Ngalay na yan dyan oh, papasukin niyo na dito para makaalis na.
Sejun: oo nga naman.. pwede naman magkwentuhan habang umaandar na ang sasakyan diba?
Y/N: oooookkkkkk eto na nga oh, hahakbang na nga ako eh .. (laughs)
Habang nasa byahe sila napagusapan nila ang mga pwede nilang gawinsa baguio pagkatapos ng shooting. Balak kasi nila mag ikot ikot muna doon kahit isa o dalawang araw lang pahinga lang ba, ganun.. walang katapusan ang kwentuhan nila. Pero dahil nga antukin ang ating bida, nakatulog siya sa kalagitnaan ng byahe. Napansin agad ito ni Ken, dahil sila ang magkatabi. Habang pinapanood niya na matulog si y/n, sakto naman na nag stop over muna sila para kumain.
Stell: Sakto naiihi na koooo..
Sejun: Ken, gisingin mo na muna si y/n, baka mahulog yan.
Justin: Oo nga, baka mahulog siya.. dapat pala dito nalang siya sa likod naupo.
Ken: palit nalang kami ng pwesto mamaya.. ako nalang sa pinto.
Kaya naman ginising na niya si y/n.
Ken: (dahan dahan na ginigising si y/n) y/n, gising na muna.. bababa daw muna tayo.
Y/N: (nagulat) Huh?! hala bakit?! anong meron?
Nagtawanan ang lahat dahil sa reaksyon niya
Josh: Wala, kalma, bababa lang tayo.. kakain daw.
Y/N: Ah ok, akala ko kung ano nang meron. jusko
Binuksan na ni y/n ang pinto, at bumaba. Nagiinat inat pa sila dahil naka idlip din ang iba.
Dumiretso na sila sa restaurant pwera kila justin, ken, stell at y/n dahil sa cr sila dumiretso. Paglabas ni y/n ng cr, nakita niya si justin na hinihintay sila ken at stell sa labas ng cr ng lalake. Napatingin si justin kay y/n at nakangiting niyang nilapitan to.
Justin: Sarap ng tulog mo kanina sa sasakyan ah, nagkukwentuhan tapos pagtingin namin sayo tulog ka na.
Y/N: Antukin nga ako sa byahe diba?
Justin: Oo nga, sabi mo nga kanina. Hmm, dun ka nalang kaya sa likod, palit nalang kayo ni Stell ng upuan para di ka dun sa pinto at di ka maiistorbo sa pagtulog mo.
Biglang sumingit si Ken....
Ken: Kami nalang magpapalit, dun siya sa gitna namin ni sejun. Di na siya maiistorbo dun.
Y/N: Oo nga, palit nalang kami ni Stell.
Stell: Ano yun? narinig ko pangalan ko ah
Justin: Palit nalang kayo ng upuan ni y/n , kasi mas antukin to kesa sayo
Stell: Ahh sige , no problem! Halika na, kain na tayo.
Natahimik nalang si Ken dahil na ignore ang kanyang suggestion. And as usual, isinuot nanaman niya ang mahiwagang earphone at naglakad na.
Natapos silang kumain at bumalik na sa van at ginawa nga ang suggestion ni justin na magpalit sila y/n at stell ng upuan. At this time, mas antok na si y/n(busog kasi, masarap matulog). Nakatulog din siya agad at di sinasadyang napasandal kay Justin. Napangiti lang si Justin at dahan dahan na inilagay ang kamay niya sa noo ni y/n para maging steady lang ang ulo nito. Sa halos buong byahe nila ay inaasar sila nila josh at stell, dakilang taga bawal naman at taga picture si sejun,lalo na nang makatulog din si justin at naisandal niya ang ulo niya sa ulo ni y/n.
Muka daw kasing mag jowa ang dalawa. Habang panay ang tawanan ng hotdog, bulilit at ni Kim Tuk Mol, tahimik lang na nanonood ng anime si ken.
Nakarating sila ng baguio at walang kamalay malay sila y/n at justin na ang dami na nilang picture sa cp nung tatlong nakakatanda. Nagkauntugan pa sila nang gisingin sila.
Dumiretso na muna sila sa hotel kung saan sila mag iistay pansamantala. Pagkatapos ay diretso na sa pag shoot ng 1st scene...
Fast forward sa mga scenes------------------------ (take note: walang lines yung scenes nila sa music video nila, so more on actions lang )
So ayun nga, sa kwento, lahat sila makikila nila at the same time si y/n.. at isa isa silang mahuhulog ang loob sa kanya. Si Josh ay na kuya zoned, si Stell at Sejun naman ay na friendzoned. At ang natitira nalang ay sila justin at ken.
----------------------------------------------------------
Naghahanda na si y/n para sa scene nila ni Justin, dahil meron itong part na kailangan niyang halikan si justin sa lips. (quick kiss lang)
Ken and Y/N Scene------------------------------
Ken confessed to y/n pero ni reject siya nito. Dahil mas mahal niya si Justin. She kissed him on his cheek while crying. The kiss is her kiss of rejection to ken.
------------------------------------------------------
Napuri ng director si y/n dahil sa natural na galing nito sa pag arte. Hindi rin nila expected na dahil sa husay nito ay napadali ang shooting nila. Inabot lang sila ng isang liggo!! At kinabukasan na ang huling shooting nila, which is the final part na hinihintay nilang lahat dahil iyon na ang pinaka huling scene at makakagala na sila. Kaliwa't kanan ang pagbati nila sa SB19 at y/n dahil sa pagpupursigi nila at husay nila sa pag arte.
BINABASA MO ANG
SB19 Ken and Justin Imagine
FanfictionFor entertainment purposes only.. Mga pangyayari na sana ay magkatotoo.