Ken and Justin Imagine Part 7

523 14 0
                                    

Habang papunta sa bilihan ng pagkain sila Justin. 

Sejun: So kamusta naman si y/n?

Justin: Ok lang naman, hindi naman kami nagkakailangan. Masaya nga siyang kausap at tsaka ang dami daming niyang creative ideas. Parang di siya nauubusan ng ideas. Ang galing ng utak niya. Nakakatuwa lang talaga, tsaka meron kaming deal na kapag nailang siyang kausapin tayo, ililibre niya ko. Hay naku, basta nakakatuwa siya.

Sejun: Halata nga, ulit ulit ka nga na nakakatuwa sya.

Justin: Eh nakakatuwa siya kasi talaga. And kanina ko pa iniisip ha. Kasi parang familiar na talaga siya sakin, parang nakita ko na siya dati, di ko lang alam kung saan.

Sejun: Baka sa panaginip mo! 

Nakasalubong nila sila Josh, Ken at Stell

Josh: Uy! Nakita rin namin kayo! Tagal niyo ha

Stell: Naunahan pa namin kayo makabili ng pagkain?

Sejun: Sinundo ko pa si Justin sa multimedia office, meron silang ginawa na designs ni Ms. New girl.

Stell: Ayun naman palaaaaa

Josh: Mukang nagbibinata na talaga si justin

Justin: huh? utos lang din sakin na tulungan ko siya.

Sejun: Sus! gusto mo rin naman. Kunyari ka pa!

Justin: Grabe naman, tara bili nalang tayo ng pagkain, kung ano ano iniisip niyo.

Ken: Oo nga, bumili na kayo para makapag umpisa na ng practice. (sabay suot ng earphone at nauna na maglakad)

Josh: Ano problema nun?

Stell: Wala lang yun. Halika na. sumunod nalang kayo ha?

Sejun: Malamang!

Bumalik na agad sila Stell , Jost at Ken sa dance studio. At bumili naman ng pagkain sila sejun at justin. Pagdating sa dance studio ay agad na nilapitan ni Stell si Ken na nag cecellphone sa isang tabi.

Stell: ei! ano bang problema ken?

Ken: Wala naman, bakit?

Stell: Parang meron eh

Ken: (bumuntong hininga) Sa totoo lang meron lang akong iniisip

Stell: Ano naman yun?

Ken: Si y/n kasi, di ba siya familiar sayo?

Stell: Hmm, parang hindi naman.. bakit?

Ken: Nakilala na natin siya dati. Sa fan meeting natin.

Stell: Wehh? halaaa nakalimutan ko na, seryoso ba?

Ken: Oo, siya yung sinasabi ko na ang cool na babae.. yung malakas yung dating. Tinanong mo pa nga ako nun kung sinuntok ba ko? kasi malakas yung dating eh.

Stell: Ahhh ok, siya ba yun? 

Ken: Diba nga binigyan niya pa tayo nung letter kada isa satin, tapos yung samin ni justin merong kasamang bracelet. Sabi niyo pa nga madaya eh 

Stell: Oo natatandaan ko na. bakit di mo sinabi agad samin?

Ken: Pinagisipan ko pa nga ng mabuti, kagabi ko lang na confirm , kasi diba meron tayong picture na kasama sila? Stolen pictures nung event. Tapos na picturan nung kausap ko pa siya.

Stell: Ahh ok, oh so ano naman pala kung nakilala na natin siya dati? Big deal? (cute laugh)

Ken: wala naman, hay naku.. wag na nga natin pag usapan. 

Dumating na nga sila justin at sejun at nag umpisa na sila agad sa practice after nila kumain ng sabay sabay. 


After practice --------------------------------------------------------------------------------

pagkatapos ng unang 5 ulit na pagsasayaw ay nagpahinga muna sila.

Sejun: Guys, kanina, napag usapan namin ni Justin kung naalala niyo ba kung nakita na natin dati si y/n? kasi familiar nga naman siya.

Stell: Sakto, yan din usapan namin kanina. Actually, kaka confirm lang ni Ken na nakita na natin siya dati sa fanmeeting. Siya yung nagbigay ng letter sating lahat tapos merong kasamang bracelet yung kila Ken at justin. Yung madaya (cute laugh)

Josh: Ahh oo nga!! yung cool na babae na sabi ni Ken.

Justin: Sabi na eh! Nakita na natin siya. 

Ken: Oh diba Ja? 

Justin: Oo ngaaaa

Nagulat sila nang pumasok uli si y/n sa dance studio.

Stell: Aysus! aatakihin ako sa puso dito eh

Y/N: Sorry. Ahmm, excuse ko lang sana si Justin.

Josh: Justin daw pala eh 

Sejun: y/n busy ka ba? kailangan naba talaga si justin?

Y/N: well di naman , pero kasi ...

Josh: Diba break time mo? dito ka muna, meron lang kaming itatanong sayo

Y/N: hmm sigeee.. ano ba yun?

Stell: Tanong ko lang noh? Nakapunta ka na ba sa fanmeeting namin?

Y/N: ahmm oo, bakit?

Josh: Ikaw ba yung nagbigay ng bracelet kila Ken at justin?

Y/N: ahmm oo! sandali.. natatandaan niyo pala yun?

Stell: Pano namin makakalimutan yun? wala kaming bracelet.

Y/N: Sorry naman..

Ken: Salamat pala dun. Actually .. (itinaas niya ang kaliwang kamay niya para ipakita na suot niya ang bigay ni y/n na bracelet) 

Justin: Sayang, di ko dala yung akin.

Sejun: Ngayon ka magpaliwanag kung bakit sila lang ang merong bracelet?

Y/N: Well brace yourselves, mahabang kwento to. 

SB19: Sige lang!

Y/N: Ganto kasi yan, ang original plan ko , lahat kayo bibigyan ko ng bracelet. Kaso kinapos ako sa budget kasi nag aaral pa ko nun. Kakagraduate ko lang diba? So naisipan ko na dalawa nalang ang bilhin ko , kasi para sa bias ko at sa bias wrecker ko. Which is sila justin ang ken nga.  At dahil dun nalungkot ako kasi wala akong maibibigay sa iba....

Stell: Pano yung malungkot?

Y/N: (nag sad face)

SB19: (cute laugh)

Y/N: So ayun na nga, kaya naisipan ko na gumawa nalang din ng letter para sa lahat.

Justin: (nagtaas ng kamay) Ano yung bias wrecker?

Y/N: recitation ba itu? may pataas taas pa ng kamay? (laughs) well, bias is yung favorite member mo diba? bias wrecker naman ay yung dahilan kung nawawala ang loyalty mo sa bias mo.

Justin: Ahh ok.

Ken: (Smiles)

Sejun: So sino yung bias mo? 

Y/N: The youngest member of the group, justin!

Ken: Awww so option lang ako?

Y/N: Halaaa hindi ganun yun. Hirap kasi i explain. Basta ngayon wala na kong bias.. So ok na ba? Pwede ko na mahiram si Justin?

Sejun and Stell: Sige na! 

Y/N: Okieeeee lika na Justin, para maka pag break time parin ako. Bye muna guys! 



SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon