Ken and Justin Imagine Part 17

417 12 1
                                    

And after ilang months na pag papanggap nila , officially naging sila na! FINALLY!! 

After another month na legit na sila na, naisipan ni Justin na isurprise si y/n(monthsary, ganern). Nanghingi ng tulong si Justin kay Stell. 

Sa dance studio ------

Justin: Stell? Ano sa tingin mo magandang regalo kay y/n?

Stell: Anong okasyon? 

Justin: Wala naman

Stell: Ha! Alam mo Ja, mag usap nga tayo sandali.

Justin: Pwede naman na tayo mag usap dito ah 

Stell: Sa tingin ko hindi , labas muna tayo sandali

Justin: Sigeee

Pumunta muna sila sa isang convenient store. 

Stell: Diretsuhin na kita ha, so kailan mo balak aminin kung ano yung totoong nangyari sa inyo ni y/n?

Justin: Huh?Anong ibig mong sabihin?

Stell: Ja, alam ko yung totoo. Na nagkunwari lang kayong dalawa na kayo. Pero ang totoo hindi naman. 

Justin: Pano mo naman naisip yan? (nervous)

Stell: Ja, andun ako sa rooftop nung araw na naging official kayo. Narinig ko ang buong usapan niyo. Kaya wag ka nang magsinungaling. 

Justin: Ano? Sandali lang ha, meron ka na bang sinabihan na iba?

Stell: Wala, hinihintay ko kasi na ikaw mismo ang magsabi, kaso sa nakikita ko, wala kayong balak umamin. Bakit ba kasi nagkunwari kayo? Muka kaming tanga na paniwalang paniwala sa inyong dalawa. Di lang kaming mga kagrupo mo, lahat ng mga andito. 

Justin: Sorry, mag eexplain ako..

Stell: Sobrang galing niyo na ngang artista, naging mukang totoo yung kasinungalingan.

Justin: Sandali, Sorry talaga.. Ganto kasi yan. . haist.. nag umpisa lahat yung nung hinalikan ni ken si y/n sa rooftop nung hotel sa baguio. 

Stell: Huh?

Justin: Oo,nagulat din ako non. Kinuwento ni y/n sakin yun. Kasi daw kinakabahan si y/n sa scene namin and napagkwentuhan daw nila yung sa rooftop. Naalala mo nung bigla silang nawala?

Stell: Oo naalala ko

Justin: Ayon, andun sila non sa rooftop, tapos nakwento ni y/n na kinakabahan siya sa kiss scene namin.. Tapos bigla nalang siyang hinalikan ni Ken, ganun daw gawin niya sa kiss scene namin. Gawin nalang daw niya bigla tapos wag niya na isipin masyado. 

Stell: Seryoso ba to?

Justin: Oo seryoso ako, big deal daw kay y/n yun kasi 1st kiss niya yun. Kaya nag away sila at yun ang dahilan kung bakit umiyak si y/n, diba nung pagbaba niya ng elevator? 

Stell: oo nga, ok at anong connect sa pagpapanggap niyo?

Justin: Naisip ko kasi na baka may gusto si Ken kay y/n, kaya gusto namin malaman kung anong mangyayari kung mangkukunwari nga kami. Ako ang may idea ng lahat ng yun. Hindi ko naman expected na mahuhulog talaga loob ko kay y/n.

Stell: So nadamay lang kami ganun?

Justin: Parang ganun na nga.. 

Stell: Ewan ko, meron na tuloy akong trust issues.. 

Justin: Pero sa tingin mo? Meron kaya talagang gusto si Ken kay y/n?


-------------------------------------------------------

SB19 Ken and Justin ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon