Nagising nalang sila dahil sa pag stop over ng van na sinasakyan nila. Lumabas sila sandali para mag cr. Naiwan naman sa van sila ken,justin at y/n. Tahimik lang sila dahil unang una sa lahat, nakatulog uli si Y/N. Antukin ang ate mo eh.
Hindi naman sinasadyang napatingin si ken sa rearview mirror at nakita niya na tinitingnan din sila ni Justin mula sa salamin. (so inshort nakatinginan sila sa salamin). Iniwas nila ang tingin nila sa isa't- isa.
Justin: Kamusta naman si Y/N kanina? Hindi ba siya kinabahan?
Ken: Hindi naman.. actually nadadagdagan na ang confidence niya ngayon.
Justin: Mabuti naman (smiles)
Ken: Ikaw ok ka lang? Napansin ko na hindi ka masyadong masalita kanina ah
Justin: Ok lang naman ako, wala lang talaga ko sa mood na maging madaldal tsaka meron akong mga iniisip.
Ken: Tulad ng?
Justin: Basta, sakin nalang yun
At bumalik na sila sa katahimikan. Maya maya ay dumating na ang ibang members at nagpatuloy na sila sa byahe.
Kinabukasan ay wala silang sched, linggo kasi kaya araw ng pahinga nila.
Nagulat nalang si Y/N dahil meron siyang natanggap na text mula kay Justin.
Justin: Pwede ba tayong magkita ngayon? Tagal na natin di nag uusap
Y/N: Huh? bakit biglaan naman yata?
Justin: Namimiss ko lang na kausap ka.. Hindi ba pwede yun?
Y/N: Hindi naman sa ganun.. Sige na nga.. magkita tayo mamaya pagkatapos ko mag church
Justin: Sige sige.. text mo nalang ako after
Bumangon na si Y/N para mag asikaso na at makapagchurch.
After magchurch.
Y/N: Justin san ka na?
Justin: Tinitingnan ka na
Y/N: Huh? Nasan ka nga?
Justin: Andito ko sa pinto.. nakatingin sayo
Paglingon ni Y/N sa pinto ay wala naman si Justin dun. Nagulat nalang siya nang merong nagtakip ng mata niya. Pero kabisado niya na kung sino yun.
Y/N: Justin?
Justin: Anubayan?! Ang dali mo naman manghula
Y/N: Kabisado ko na kasi ang kamay mo, lagi ko kayang hawak yan dati
Natahimik sila at nagkatinginan bigla dahil sa nasabi ni Y/N.
Justin: Ok , bago maging awkward ang lahat.. tara kain na muna tayo
Y/N: Teka lang muna ha.. Tayong dalawa lang ?
Justin: Oo, bakit?
Y/N: Ahhmm hindi ba ano?
Justin: Ano ? Well kung iniisip mo na date to.. well , parang ganun na nga
Y/N: Huh? bakit? I mean, di naman sa ayaw ko noh? pero bakit biglaan?
Justin: Namimiss na kasi kita. Parang ang hirap pigilan ng sarili ko, basta kasi gusto kitang makasama
Y/N: Grabe, parang kahapon lang kasama mo ko ah at take note! buong araw tayong magkasama.
Justin: Magkasama nga tayo pero iba naman lagi mong kasama. Basta! tsaka, kung ayaw mo ng date.. edi friendly date nalang to
Y/N: Date parin!
Justin: Oo nga, pero friendly
Y/N: Sige na nga, magkasama narin naman tayo.
Magkasama buong araw sila Justin at Y/N. Naenjoy nila ang presensya ng bawat isa, actually sa sobrang enjoy nila. Hindi nila napansin ang oras at ginabi na sila. Wala silang ginawa kundi ang kumain at mamasyal sa mga museum dahil mahilig sa museum si Y/N. Hinatid ni Justin si Y/N sa dorm niya.
Justin: Thank you sa time, sana na enjoy mo tong aras na to. Kasi ako sobrang nag enjoy ako.
Y/N: Ako rin naman eh.. Salamat sa libre (laughs)
Justin: Anong libre? utang yun!
Y/N: wala na, libre na yun.. Sige na umuwi ka na.. baka magalit na mommy mo ta si kuya yani
Justin: Alam naman nila kasama kita. Pero sige uwi na ko. Sa susunod uli.
Pagdating ni Y/N sa bahay ay napansin niya na merong dark chocolate sa table. Hindi naman niya matandaan kung bumili ba siya ng dark chocolate kaya naman nagtaka siya at kinabahan at the same time. Napaisip siya kung sino pa nakakaalam ng password sa pinto niya. (de password kasi pinto sa dorm nila, medyo sosyal ih). Tatawag na sana siya kila Sejun pero pagbukas niya sa phone niya, nakita niya na ang daming missed call galing kay Ken at merong isang mahabang message.
Ken's message : Y/N? San ka na? Wala ka sa dorm kanina, ayain sana kita mag movie marathon, meron kasi akong na download na movies. Naisip ko na mahilig ka sa horror at scifi kaya puro ganun dinownload ko. Kaso nga wala ka, iniwan ko nalang yung dark chocolate sa dorm mo. Kasi sabi mo sakin nung nakaraan, nagki crave ka sa dark chocolate, kaya ayan!
Text mo ko pag nakauwi ka na. Meron din palang nakapagsabi sakin na magkasama daw kayo ni Justin. Ingat kayo sa pag uwi .
Nalungkot bigla si Y/N sa nabasa niya. Hindi naman kasi niya alam na may balak pumunta si ken sa dorm niya. Siguro ay balak siyang isurprise nito. Pero wala naman siyang magagawa dahil tapos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
SB19 Ken and Justin Imagine
FanfictionFor entertainment purposes only.. Mga pangyayari na sana ay magkatotoo.