Kabanata 5

95 1 0
                                    

KABANATA 5

MATAPOS TUMUNOG NG BELL AY UNTI-UNTING LUMALABAS ANG MGA ESTUDYANTE galing sa loob ng kanilang silid. Naglalakad sa campus si Kaye nang may humawak sa kanyang braso, nagulat siya at lumingon. Paglingon niya ay nagkita niya ang isang guwapong lalaki, mestiso ito, matangkad at matipuno. Sa porma't dating ay siguradong mayaman ito. Siya si Rhyan Castillo, isa siya sa mga magagaling na manlalaro ng basketball sa kanilang unibersidad at siya ang dating kasintahan ni Kaye.  

Siya ang unang lalaking minahal niya ng lubos at ikinabaliw niya ng husto ang pag-ibig nito. Ang akala niya ay mababago niya si Rhyan sa pagiging babaero nito, nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan siya sa mga sinasabi ng mga tao na niloloko lang siya nito. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi niya pinakinggan hanggang sa natauhan siya nang nalaman niyang nililigawan ni Rhyan ang kinaiinisan niyang babae na si Divine, ang cheerleader sa kanilang unibersidad. 

"Rhyan?!" nagulat na sabi ni Kaye. 

Ngumiti si Rhyan, "Mabuti naman at naalala mo pa ako." 

Dinuro ni Kaye si Rhyan, "'Yang mukhang 'yan? Makakalimutan ko?!" at tinaas ang kilay nito. 

Samantala paparating sina Daphine at Divine, nang dumaan sila sa tapat ng dalawa ay nagparinig ang mga ito kay Kaye. 

"Ate, totoo pala ang sabi nila." ang nakangiting sabi ni Divine. 

"Ang alin?" ang nakangiti tanong ni Daphine. 

"First love never dies!" sabay tumawa si Divine. 

Tumingin ng masama si Kaye sa magkapatid habang papalayo ito sa kanilang dalawa ni Rhyan. Ibinalik ulit  ni Kaye ang kanyang paninginkay Rhyan at itinaas ang kilay nito. 

"Kaye..." hinawakan ni Rhyan ang braso ni Kaye. 

Nilayo ni Kaye ang braso niya kay Rhyan, "Anu ba?! Ano bang problema mo at ginugulo mo ako?!" 

"Anung problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko!" 

"A-Ah, ako?" sabay tumawa si Kaye, "At bakit?!" tanong pa niya habang nakapamewang. 

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit inayawan mo ang mga pinadala ko sa'yo?" 

Natawa si Kaye, "Rhyan, alam mo ang sagot sa tanong mo." 

Paparating naman si Rene at may dala siyang makapal na libro. Ilang sandali pa'y natanaw niya sina Kaye at Rhyan na nag-uusap. 

"Utang na loob, Rhyan. Tantanan mo na ako!" pasinghal na sabi ni Kaye. 

Hinawakan ni Rhyan ang kanang braso ni Kaye at hinila niya ito, "Kaye, you know I want you back!" 

"Well, I don't want you back!" ang nagpupumiglas na sinabi si Kaye, "Bitawan mo nga ako! Ano ba?!" 

Nang makita ni Rene na hinihila ni Rhyan si Kaye at nagpupumiglas ito ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. 

"Ano ba nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" 

Tinulak ni Rene si Rhyan papalayo kay Kaye at nabitawan ni Rhyan si Kaye. Nagdilim ang mukha ni Rhyan sa ginawa ni Rene. 

"Rhyan, puwede ba tigilan mo na si Kaye!" ang sabi ni Rene. 

Tinulak ni Rhyan si Rene, "'Wag kang makialam dito, hampas-lupa!" 

Hahablutin sana ni Rhyan si Kaye ngunit humarang si Rene. Tuluyan nang nag-init ang ulo ni Rhyan sa pakikialam nito sa kanilang dalawa ni Kaye. 

"Aba! Tarantado 'to, ah!" 

Biglang sinuntok ni Rhyan si Rene sa pisngi, nalaglag ang hawak ni Rene na libro sa lupa. Hinawakan ni Rene ang kanyang pisngi sabay sinuntok din niya si Rhyan sa mukha. Nagsuntukan na silang dalawa samantalang hindi malaman ni Kaye ang kanyang gagawin lalo na nang mapansin niya na nakatingin na sa kanila ang mga tao sa paligid. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon