Kabanata 24

37 1 0
                                    

KABANATA 24

PAGPUTOK NG ARAW AY NAGPAPLANTSA NA SI CRIS NG MGA DAMIT nilang magpamilya sa may sala. Si Flor ay naglilinis ng sahig, si Dolly ay naghuhugas nang pinagkainan nila samantala ang mga magulang nila ay nasa labas ng bahay. Si Mang Roger ay nagbubunot ng mga damo sa kanilang tanim at si Aling Lina ay nagdidilig naman ng halaman. 

Sa kalye ay may nakaparadang kotseng itim sa tapat ng bahay nila Cris. Ang nakasakay sa loob nito ay sina Daphine at Divine. Silang dalawa ay nakatitig sa mga magulang ni Cris na nasa munting hardin. 

"Ngayon na ang araw ng baklang si Cris na yan." ang sabi ni Daphine. 

"Hindi ko matanggap ang pagiging presidente niya sa Business Club namin sa unibersidad. Pinamunuan kami ng isang bakla! Dapat ako ang naging presidente!" nagngingitngit na sabi ni Divine. 

Sa gitna ng pagiging abala ng mag-asawa sa kanilang munting hardin ay may guwagpo't matipunong lalaki na tumayo sa kanilang gate. 

"Magandang Umaga po..." ang nakangiting bati ng binatang lalaki. 

"Magandang Umaga din." bati ni Mang Roger at ngumiti siya. 

"And'yan po ba si Cris?" 

"Oo. Sino ba sila?" tanong ni Aling Lina. 

"Ako po si Richard..." pakilala ng binata. 

"Walang sinabi sa'kin si Cristian na may darating siyang bisita." wika ni Aling Lina. 

"Kaklase ka ba ng anak ko?" tanong ni Mang Roger. 

"Hindi po... Kasintahan po niya ako." sagot ni Richard 

Nanlaki ang mga mata ni Mang Roger, "Ano?!" 

Biglang dumating si Cris, "'Tay, 'yung mga uniporme ba---" natigilan siya nang nakita niya si Richard, "Ri-Richard? Anong ginagawa mo dito??" 

"Kasintahan mo siya?!" tanong ni Aling Lina sa anak. 

Sinampal ni Mang Roger si Cris, "Tarantado ka!" 

"'Tay! Hindi ko po siya kasintahan... Wala po akong nobyo!" paliwanag ni Cris. 

"Nagmamaang-maangan ka pa! Umamin na 'yang lalaki mo!" ang sigaw ni Mang Roger sabay dinuro si Richard. 

Pumasok na nagngingitngit sa galit si Mang Roger sa loob ng bahay at nasalubong siya nina Flor at Dolly. 

"'Tay, ano pong nangyayari? Bakit kayo sumisigaw sa labas?" tanong ng panganay niyang anak na si Flor. 

"'Tay, ba't po mainit ang ulo ninyo?" tanong ni Dolly. 

"'Yang kapatid niyo! 'Yang kapatid niyo may nobyo!" sigaw ni Mang Roger. 

"May nobyo si Kuya?!" bulalas ni Dolly. 

"Talagang pinanindigan ng gago ang pagiging bakla!" nag-init na rin ang ulo ni Flor. 

Galit na nilapitan ni Cris si Richard, tinulak ito ng malakas palayo sa kanilang gate at sinigawan niya ito, "Ano bang ginagawa mo dito?! Anong sinabi mo sa mga magulang ko?!" 

"Cristian, tama na 'yan!" saway ni Aling Lina. 

Hindi umimik si Richard at biglangnanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya na bumalik ang Tatay ni Cris na may dalang baril. 

"Halika dito, Richard! Hinahamon ko ang tapang mo!" sigaw ni Mang Roger. 

"Susmaryosep, Roger! Huminahon ka!" bulalas ng kanyang asawa. 

"'Tay! Baka maiputok niyo 'yan!" ang kabadong sabi ni Cris. 

Biglang tumakbo si Richard papunta sa kotseng itim at mabilis siyang sumakay siya doon. Umandar kotse at humarurot papalayo sa lugar na iyon. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon